Pakatapos nilang kumain, ipinahanda ni Mrs. Agustin ang kanilang dessert sa tabi ng pool at doon nila ipinagpatuloy ang pagkukwentuha.
"Pagdating niyo dun ma,huwag niyong payagan itong si Kathleen na gumala ng gumala na siya lang mag-isa.Mamaya kung saan na naman.yan makarating!" bilin ni Johny sa ina dahil madalas nitong gawin iyon, magpapaalam mamamasyal ngunit hindi matandain sa mga dinadaanan kaya ang siste nagkakandLigaw-ligaw ito.Bigla na lang itobg tatawag para magpasundo.
"Hindi 'toh makakagala doon dahil sabi ng titio niyo habang andun.siya, ipapasok muna siya sa kompanya nito para matrain na din sa trabaho sa opisina.!'sagot ni Mrs. Agustin. Ng may magdoorbell.Si Kathleen na ang nagbukas ng gate para tingnan kung sino ang panauhin nila, si Brent ang napagbuksan niya.
"Hi Kath!Magandang gabi"masayang bati ni Brent.
"Ngumuso naman si Kathleen dito.!" hindi alam ni Kathleen kung bakit inis na inis siya dito pag nakikita ito.Nagsimula lamang ang pagkainis niya dito ng makita niya itong may kahalikang babae sa kubo sa likod ng bahay nila, birthday ng kuya niya noon!Maraming bisitang kaibigan nito, mga babae at lalaki!,Mula noon di na niya nakalimutan ang tagpong iyon."Anong kailangan mo?"
"Inimbitahan ako ni Johny, may padespededa raw kayo!" sabi nitong nakangiti pa rin.
"Hmp.Andun sa pool sila Kuya!"sabay turo ni Maxene.Nauna na siyang naglakad."Kuya may bisita ka!"
Lumingon si Johny."Oh pare, ba't ngayon ka lang?Kumain ka na ba?!" tanong ni Johny
"Oo pare, tapos na!May pinuntahan pa kasi ko!lumapit si Brent sa ina ni Johny at saka humalik s pisngi."Hi Tita!
"Kumusta iho, upo ka!Saluhan mo kami dito!"umupo ito.
Nagkwentuhan sila at ilang saglit pa nagpaalam na si Mrs.Agustin "Mauuna na ko sa inyong umakyat, may inaayos pa kasi ko na dadalhin namin bukas!" Paalam nito."Ikaw.Johny ihatid mo na lang si Maxene o kaya dito mo na lang patulugin!Tawagan mo na lang si Balae!" sabi pa nito.Napangiti silang lahat dahil balae na agad ang tawag nito sa nanay ni Maxene.
"Yes Ma, ako na hong bahala doon!"Pahabol na sigaw ni Johny sa ina nito, nasa loob na ito."Malaki naman ho ang kuwarto ko!"biro pa ni Johny ngunit mahina lamang ang pagkakasabi at silang apat lamang ang nakarinig,. kinurot naman ito ni Maxene."hahahaha!"
"Uhmp,.ba't di tayo magswimming kuya?Tutal aalis na naman ako bukas diba?Tawagan mo si Nanay Tina na dito na matutulog si Ate Max, mga tanghali mo na kamu maihahatid bukas sa kanila dahil isasama pa natin sa airport!" mahabang sabi ni Kathleen
"Uhmp, oo nga no?Okey lang ba sayo sweety?!"tanong ni Johny
"Hindi ako nakapagpaalam kay Nanay, baka hindi yun pumayag, saka wala akong dalang pampaligo!"
"Tatawagan ko nalang si Nanay!" suhestiyon ni Johny.
"At ako ng bahala sa pampaligo mo Ate Max, pareho naman tayo sexy kaya kasya sayo pampaligo ko!"sabay kindat ni Kathleen.
"Sandali, tatawagan ko si Nanay sweety, ipagpapaalam kita!" Idinial ni Johny ang numero ni Dandan. Nagkaroon ito ng cellphone dahil.renegaluhan niya ito.
"Hello?"sabi ng nasa kabilang linya.
"Si Kuya Johny mo ito Dan, nasaan si Nanay!?"
"Andito ho Kuya!Sandali ho ibibigay ko ang cellphone!"Nay kausapin ka daq ho ni kuya!"narinig niyang sabi ni Dandan.
"Hello?!Napatawag ka iho, may problema ba?Nasaan si Maxene?"si Aling Tina
"Helll Nay,wala naman ho, andito ho siya.Ipagpapaalam ko ho sana si Maxene na----"...hindi naituloy ni Johny ang sasabihin dahil inagaw ito ni Kathleen.

BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...