Isang probinsyanang mataas ang pangarap sa magulang ang tingin ni Ivy sa sarili. Hindi niya nagawang makatapos ng pag-aaral pero malakas amg loob na makikipagsapalaran sa Maynila.
Simpleng babaeng may simpleng pangarap at pamumuhay.
Sa pagdating ni...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Siyam
Hindi ko pa nararanasang mawalan ng mahalagang tao sa buhay dahil namulat ako na si nanay at tatay lang ang nandyan sa tabi ko.
May mga bagay na hindi ako naaalala dahil sa pagkalunod na naanasan noon pero hindi nawawala ang takot ko kung mangyari mang gumising akong wala ang mga magulang. Ayon sa doktor, dahil umano sa nakuhang shock sa insidente ay naapektuhan ang mga alaala ko.
I have Tatay with me that time. Ayon kay nanay ay tumaob daw ang bangkang sinasakyan naming ng araw na iyon sa pangingisda dahil sa naglalakihang mga alon. Dahil doon, hindi ko nakontrol ang sarili at tuluyang nagpaanod sa dagat. My father tried to save me back then but he failed, he was actually injured too at pareha kaming nawalan ng malay.
Iniiisp ko pa lang na paano kung ako na lang ang nagising noong araw na iyon at tuluyan kaming nilisan ng haligi ng tahanan. Walang pagdududang iyon ang magiging pinakamasakit na parte ng buhay ko.
Hindi ko pa nararanasan na mawalan ng mahal sa buhay, at hindi ko hinihiling na mangyari iyon pero alam ko kung gaano maaaring maging kasakit at nakakatakot ang bagay na iyon. Alam at naiintidhan ko ang boss.
I immediately felt sad nang marinig kong ang Athena palang madalas niyang binabanggit at mukhang mahal na mahal ng lalaki ay pumanaw na.
Noong araw na iyon, malakas ang kagustuhan kong hagkan ang lalaki at aluin pero malaking kalokohan iyon kapag nagkataon. At isa pa, kaagad din naman siyang nakatulog kaya literal na hinayaan ko lang ang lalaki. Parusa niya na lang ang pagtulog sa malamig ng lapag dahil sa mga pagpapahirap niya sa akin.
HInila rin ako ng antok noong araw na iyon at paggising ko, wala na ni anino ng lalaki akong nakita.
Biyernes na noong bumalik ako sa trabaho matapos ang dalawang araw na pagpapahinga. Tuluyan kong nabawi ang lahat ng lakas kaya ganoon na lang kalaki ang ngiti ko nang makapasok sa opisina.
Dalawang araw ko ring pinag-isipan kung ano marahil ang pupwedeng gawin sa lalaki. Ginusto kong gamitin ang mukha para mapawi sana ang pangungulila nito kay Athena pero alam kong hindi naman iyon ang dapat kong gawin. Isa pa, hindi iyon makakatulong sa pagmo-move on ng lalaki at baka mas lalo pa itong malungkot sa tuwing nakikita nito ang mukha ko. But what should I do? Bakit ba kailangan kong pakealamanan ang lalaki, in the first place?
Maybe because. . . I pity him.
Ngayong alam ko na ang totoo ay hindi ko maiwasang malungkot para sa lalaki. Madalas kong naiisip kung ano marahil ang posible kong gawin kung sa akin din mangyari ang bagay na iyon.
Paano kung si nanay o kaya naman si tatay ang mawala? What can I do without them? Magagawa ko rin kaya ang ginagawa ng boos ngayon kahit pa he’s acting tough just to do his own business?