Mirasol

19 3 23
                                    

"Dalawang bulaklak na mirasol para sa AKING Binibini."mahinang wika ni Epifanio. Naririto kami sa may tabing ilog. Ang ilog na ito ay may kalayuan sa amin, dito kami palaging nagkikita sapagkat ang lugar na ito ay hindi pa napupuntahan nino man maliban sa aming dalawa. Dito lamang kami patagong nagkikita, limang taon na rin siyang nanliligaw sa akin.

"Halos mapupuno na ng mga bulaklak na mirasol ang aking silid,Epifanio. Ako man din ay nagtataka, sa limang taon mong panliligaw sa akin ay puro bulaklak na mirasol ang iyong ibinibigay. Kakaiba ka sa mga Ginoong manliligaw, rosas na pula ang kanilang binibigay sa kanilang iniibig ngunit ang iyo naman ay mirasol."nakakunot noo kong saad sa kanya. Napangiti na lamang ito ng bahagya sa akin at inayos ang hibla ng aking buhok na nakaharang sa aking mukha.

"Ibig kong ikaw mismo ang makaalam kung bakit mirasol ang aking inialay sa iyo Binibini."tugon nito sa akin at naupo sa aking tabi habang dinadama nito ang simoy ng hangin.

"Batid ko nang iyan at iyan pa rin ang sasabihin mo sa akin. Bakit hindi mo na lamang sabihin kaagad upang hindi na ako mag isip pa."saad ko at humarap sa kanya. Kahit kailan ay napakaamo ng mukha ni Epifanio,hindi mahahalata sa kanya ang itinatago nitong katapangan. Si Epifanio ang pinuno ng isang samahan kung saan palihim nilang tinutuligsa ang mga dayuhang sakim at mapang-alipin.

"Dahil ba sa Mirasol ang aking ngalan?"dagdag ko pa rito na kaagad naman niyang ikinatawa ng mahina.

"Napakababaw na dahilan iyon, huwag ka mag-alala at sasabihin ko rin sa iyo sa tamang panahon."saad nito at hinawakan ang aking mga kamay kaya napatigil ako. Napansin nya naman ito kaya agad nya itong binitawan.

"Patawad sa aking kapangahasan, hindi ko dapat hinahawakan ang iyong mga kamay sapagkat hindi pa tayo ganap na magkasintahan."saad nito at inayos muli ang kanyang pagkakaupo.

"H-hindi iyon ang problema."tugon ko dito.

"Kung hindi iyon, e ano? Maaari mo naman sabihin sa akin. Karamay mo ako sa lahat ng oras."usal nito habang hinihintay ang aking sagot. Nag aalinlangan akong sabihin dahil tiyak na makakaapekto ito sa amin.

"Binibini?"muli pang saad nito dahilan upang wala akong magawa kundi ang sabihin na lamang.

"H-hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila Ama kanina. Hahatiran ko sana siya sa kanyang opisina na maiinom na kape, ngunit mayroon pala siyang bisita na hindi ko inaasahan. Papaalis na sana ako ngunit sa hindi inaasahan ay narinig ko ang pagbanggit ni Ama sa aking ngalan kaya hindi muna ako umalis at pinakinggan ko muna ang kanilang usapan dahil sa kuryosidad. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong tasa nang marinig ko ang sinabi ni Ama, nabanggit ni Ama na itatakda akong ikasal sa anak ng Gobernador Heneral. Hindi ko na narinig pa ang usapan nila dahil nakita ako ng aking Ina na nakikinig sa usapan ng aking Ama."mahabang usal ko at nagbadya ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Pinunasan ni Epifanio ang aking basang pisngi gamit ang kanyang mga palad, nababakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MIRASOL (ᜋᜒᜇᜐᜓᜎ᜔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon