Chapter 1

164 14 3
                                    

Chapter 1: First Day

Alleia's POV

Matapos kong kumain ay uminom ako ng tubig at tumayo.

"Bye Mom, Aalis na po ako." Sabi ko kay Mom na nakaupo parin at kumakain.

"Sige anak, be careful, okay?" Sabi niya at tumingin saakin ng nag-aalala

"Yes Mom," Sabi ko at bumuntong hininga, "I'll try."

Lumabas ako ng bahay at pumasok sa kotse namin na nakaready na sa labas.

"Handa ka na, Alleia?" Sabi ni kuya Bob.

Matagal na namin siyang driver at close kami, alam na niya lahat ng pinagdadaanan ko.

"Opo kuya." sabi ko at bumuntong hininga.

Umandar na ang sasakyan at nagdrive na si kuya Bob.

Hay, ano na naman kayang mangyayari sa'kin?

Matapos ang ilang minuto ay nakarating rin kami. Bumaba na ako sa sasakyan namin at binuhat ang gamit ko.

Papasok na ako sa gate ng school ng biglang may sumigaw.

"Alleia!" Sigaw ni Sam na tumatakbo papunta sa'kin.

"Oh dito ka rin pala nag-aaral?" Gulat 'kong tanong.

Siya nga pala yung besfriend ko na si Samantha Colleen Curtis. Siya lang yung tanging kong kaibigan na hindi ako iniwan, we're childhood friends.

"Oo naman, ang boring kaya kapag wala akong kasama sa school! Ikaw lang yung bestfriend ko 'no!" Masayang sabi niya.

"Halika na malalate tayo!" Masigla kong sabi sa kanya

Pumasok na kami sa gate ng school at as expected,maraming nanamang nakatingin saakin. Paniguradong mangyayari ulit saakin ang nangyayari saakin palagi. Tumingin ako kay Sam at alam niya na yung gagawin niya, tumango siya at mabilis kami lumakad sa school gate at pumasok sa school.

Pagpasok namin may nakita akong mga tao ang sama tumitig saakin at may mga tao rin akong nababangga at sabi nila 'watch where you're going' ganun, ang aarte. Biglang may tumawa at may isang babae dun na tawang tawang lumapit saakin.

"Hahaha diba ikaw si Alleia Eirish Salvador?" Sabi niya habang tawa parin ng tawa.

Tumango ako at sabi niya saakin,

"Akala ko maganda yung magiging bago naming kaklase, tss, mukha palang nerd at mukhang tae." sabi niya na panay parin ng tawa.

Biglang lumapit si Sam at ipinaglaban ako.

"Hoy ano ba ginagawa niya sa inyo ha at kung makalait kayo wagas ah!" Sigaw niya na parang galit.

"Eh pakealam mo, eh sa gusto namin siyang asarin eh!" Sabi nung babaeng inaaway ako na tumatawa saakin kanina.

"Alleia halika na nga, baka may masaktan pa ako dito eh!" Tawag niya sa akin na nagigigil

"Sige.." Sabi ko na lumakad palapit sa kanya para sumabay ako sa kanyang lumakad.

May tumatawa parin pero binalewala ko nalang sila at naglakad ng mabilis para hindi ko na sila marinig pa.

Pagpasok ko ng classroom kami lang pala ni sam ang naunang pumasok, sinabi ko sa kanya na tabi kami tapos umupo kami sa upuan namin at naghintay kami na pumasok lahat ng kaklase namin at nakita namin yung prof namin nasa lamesa niya at nakatayo at sinabing,

"Ok class, may dalawa kayong kaklaseng transferee. Pwede bang tumayo kayong dalawa at pumunta rito sa harapan?" sabi ng prof namin.

Pumunta ako sa harapan kasama si Sam nagintroduce si sam at ako naman ang sumunod.

"Ako po si Alleia Eirish Salvador pwede niyo nalang po akong tawaging Alleia." Sabi ko nang nakayuko.

"Ay! Diba siya yung sinabihan na mukhang tae kanina!"

"Oo! Nga kadiri mukha nga siyang tae haha!"

"Hahaha! I know right!"

"Quiet!! Okay, the two of you can sit down now." sabi saamin ni prof.

Pagkatapos namin magorientation lumabas na kami at sabay kami umuwi ni Sam half day lang kami eh.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si daddy at lumakad ako sa kanya at nagkiss sa cheecks
At umakyat papunta sa room ko at umiyak hindi ko na kasi kaya dahil parati nalang ako nabubully ang sakit kasi dahil parati nalang ako inaasar sinasaktan sinasabihan ng mga masasakit na salita kaya mahirap saakin yun. Oo sanay na ako pero mahirap talaga eh. Oo nga mayaman nga ako pero nabubully naman wala din kwenta eh. After ko umiyak hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
•••
Paggising ko naligo ako at nagbihis bumaba ako at nakita ko si mommy kiniss ko siya at sabay kami kumain at sabi niya,

"Oh anak how's your first day at school?" Sabi niya saakin na masaya na nagtanong.

Grabe sasabihin ko sana sa kanya yung hirap na nangyari pero nagsinungaling nalang ako, nahihirapan narin kasi sila mama at ate dahil palagi nalang ako nagtatransfer ng school.

"its good marami po ako naging kaibigan, hindi na po ako nahirapan!" Pagsisinungaling ko.

"Oh thats perfect! Sabi ko na sayo eh na wala na mambubully sayo kung mag-iingat ka eh! Keep it up!" Masaya niyang sabi.

Grabe masaya pa siya -_-

"Sige po ma! Aalis na po ako malalate po ako eh bye na po!" Mabilis kong sabi at kiniss siya sa cheecks as always.

Paglabas ko sa gate nakaready na yung kotse namin at pumasok na ako sa kotse.

"Oh ready ka na ba Alleia?" Tanong saakin ni kuya Bob

"Opo!" Sabi ko sa kanya.

"Eh kamusta yung first day mo?" Nakatingin siya sa daanan at nagtanong.

"As always po binubully po ako at pinagtawanan." Malungkot kong sabi.

"Akala ko okay ka na pero may nagaaway parin pala sayo mag-iingat ka nalang parati or wag mo nalang silang pansinin masasanay ka rin naman eh!" Sabi niya saakin.

Sanay na naman akong nabubully palagi eh...

"Sige po! I will try my best!" Sabi ko sa kanya na parang halong lungkot.

Pagbaba ko sa kotse nakita ko si sam na naghihintay saakin para may kasabay ako sa school.
Nakita niya ako at lumakad siya papunta saakin.

"Oh ok ka lang?" Malungkot niya sabi saakin.

Ngayon ko lang siya nakitang malungkot ngayon kasi nung mga bata kami hindi ko siya nakikitang malungkot umiiyak kasi siya ay masayahin at joker nung bata hanggang ngayon din.

"Oo naman ako pa!" Masaya kong sabi para hindi siya maging malungkot.

"Ah ok sige pasok na tayo!" Masigla niyang sabi.

Tumango nalang ako.

At pagkatapos maglecture yung prof namin ay umalis na kaagad kami ni sam at umuwi.

Pagpasok ko ng bahay, wala sila mommy at daddy tinanong ko sila yaya kung nasaan sila.

"Darla asaan sila mommy?" Tanong ko sa kanya

"Ma'am nasa opisina pa po may inaasikaso gagabihin daw po sila eh." sabi ni darla saakin

"Ah sige po akyat na po ako sige po bye po." sabi ko sa kanya

Tumango siya.

Pagpasok ko as always umiyak ulit ako dahil hindi ko kaya itinulog ko nalang ito.....

•••••••••
Hello po ito po yung first chapter sana po maenjoy niyo sana magvote kayo at magcomment!.
Thank you pooo!. Once a week lang po ako nag-uupdate sorry po! Hihi

The Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon