MEDYO MAHABA PO ITONG CHAPTER NA ITO! HAHAHA. NAG ENJOY PALA AKO MASYADO SA PAG TYPE! OSYA. THANKS! :))
[Rise's POV]
Ang sakit pala talaga pag ganto. Ngayon lang naman kasi ako naka feel ng ganito e. Malay ko ba. Ang sakit sakit po pala ano? Yung akala mo forever, yun pala hinde. (Kasi nga walang forever! :P)
Ganto kasi 'yon.
Napaka oa ko naman kasi. Masyado kong sineryoso lahat kahit na marami ng nagsasabi sakin na tigilan ko na tong relasyon namin, kasi hindi maganda. Habang kami pa, lagi silang magkatext nung 1st year na schoolmate namin, si Kathlyn. Tas relatives ata kami nun. Psh. Yun nga, syempre nakakaselos naman talaga yun. Ti-nry ko naman intindihin yun e, kaso di ko kinaya. Ilang beses na rin maman ako nakipag break, pero parang di ko din kaya. Tapos di din sya pumayag.
(flashback...)
"Bakit ba kasi ayaw mong tigilan yung pakikipagtxt sa kanya?" Pagco-confront ko kay Ace.
"E bakit ba kasi? Textmate lang naman e. Tsaka bakit ba? Wala naman masama sa text2 lang a."
depensa ni Ace.
"Edi dun ka na sa kanya, buti pa mag break nalang tayo. Kung ganyan din naman mas pinipili mo pa sya kesa sakin e."
Maluha luha kong sabi.
"E sorry na kasi. Wala lang naman yun sakin e. Please last chance nalang?" Puppy-eyed nyang sinabi.
(end of flashback…)
Dahil sa hindi ko sya matiis and I still love him, tinanggap ko yung sorry nya. Hindi kami nagbreak nung time na yun.
Pero yun na yata yung pinaka tangang naging desisyon ko e.
Sana pala nakipag break nalang talaga ako nun sa kanya. Kasi naman, hindi naman sya tumigil na makipagtext kay Kathlyn.
And worst, minsan magkasama sila. May isang time na nakita ko talaga na magkasama sila. Kami pa nung time na nun ha!
(flashback…)
"Uy Rise! Nakita ko si Ace a, magkasabay sila ni Kathlyn maglakad. Dun oh!" Nung pagkasabi nun sakin na feel ko agad yung sakit e.
Nakakainis isipin na kami pa, tapos ganun na agad.
(end of flashback…)
Bakit kasi binigyan ko pa sya ng chance.
After nun, nag away kami about sa issue na yun. Kaso sa kalambutan ko, nag sorry sya tapos pinatawad ko na naman. Tanga-tangahan todamax. Ganon.
Pagtapos ng ilang weeks, bumyahe kami nun ni Mama sa City kasi medyo province yung amin. December yun, mga 3rd week. Hinatid namin yung step-dad ko. Absent muna ako sa school.
Nagsimula na yung ayaw kong mangyari. Wala nang gana sa pagtext2 namin ni Ace. Lagi syang may rason.
Tapos pagbalik ko na, may mga nagsabi sakin na lagi daw hinahatid ni Ace si Kathlyn tuwing uwian sa hapon. Lagi daw sila magkasabay sa pag-uwi sa tanghali.
Ang dami daming nangyari nung wala ako. Malapit na yung Christmas nun. Kaya nakakalungkot.
December 22 20.. 7:00pm
To: Allen <3
"Asan ka? Pwede tayo mag usap?"
From: Allen <3
"Sige, sunduin kita jan sa inyo."
Naghintay lang ako nun, tapos maya maya dumating na sya. Nagpaalam muna kami kay Mama na sandali lang kami gagala. Kasi gabi na yun.
Tahimik lang ako nung naglalakad kami.Pero parag feeling ko tutulo na yung mga luha ko.
Iniisip ko palang kasi na makipagbreak, naiiyak na ako. Pero final na talaga to. Ayoko na. Pagod na ako masaktan e.:(
Nung makarating na kami sa may tabing dagat, umupo kami.
Nang makaupo na kami, di ko na napigilan yung luha ko. Niyuko ko ang ulo ko sa aking tuhod at umiyak ako talaga.
Nakakahiya nga. Tapos tinanong nya ako, bakit daw.
"Ayoko na. Pagod na ko masaktan. Ilang beses naman kitang sinabihan na tigilan mo na si Kathlyn e. Syempre alam ko may possibility na ma fall ka sa kanya kasi dun din tayo nag simula e. Tapos nung wala ako hinahatid mo pa sya. Bakit ganun ka? Mabuti pa magbreak nalang tayo para hindi ka na kailangan pag bawalan na wag makipagtext sa kanya."
In between sa mga pinagsasabi ko, iyak pa rin ako ng iyak sa harapan nya nun.
"Ikaw ang bahala. Ikaw may gusto nyan ha, hindi ako. Ikaw nakipag break kaya susundin ko gusto mo. Sige, kung yan ang ikabubuti ng lahat." Sabi ni Ace, na sign na um-agree sya na magbreak kami.
"Ayusin mo na yung sarili mo, ihahatid nakita sa inyo." pahabol ni Ace.
Pagtapos nya akong ihatid, pumasok na ko sa kwarto. Umiyak lang ako ng umiyak nun. Kaya ang wosh, kinabukasan ayun. Maga yung mata ko kakaiyak.
Kinabukasan...
"Okay, makikita ko sya bukas. Umayos ka Rise. Wag kang iiyak. Di ka iiyak. Ayusin mo sarili mo." sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin.
Tapos umalis na ako.
Pagdating ko sa school, as usual wala pa sya. Lagi naman kasing late yun.
Syempre nagtanong yung friends ko bakit. Tapos kinuwento ko sa kanila. Di naman nila ako pinagalitan, siguro naintindihan nila na nagluluksa pa ko sa break-up namin. (Hahaha, parang patay, pinagluksa!)
to be continued...
BINABASA MO ANG
Trial and Error
Novela JuvenilNaranasan mo na ba yung feeling na ang saya saya mo lagi? Yung parang papasok palang yung bad vibes tinataboy na ng mga good vibes mo? Basta alam nyo na naman yung sinasabi ko. Yung mga kilig factors at kung anu-anong mga keme na nakakakiliti sa ty...