Her Red Flags Of Cheating

44 22 0
                                    

Author: elixirpen
Genre:Romance

    She's the one who cheated but I never broke up to her. Instead, she's the one who broke up to me.

"Jarred! Ano na 'tol? Hindi ka na ba babalik sa pag-aaral?"

Nilingon ko si Fred. Best buddy ko na siya since high school but sad to say hindi ko na kayang lumapit sa kanya knowing na kapatid siya ng ex ko.

I just smiled at him at kinuha na ang pinabiling gatas ni mama para sa kapatid ko. Lalagpasan ko na siya ng bigla niya akong kuwelyuhan at tinulak sa pader.

"Jarred naman. Move on na! Alam kong kasalanan talaga ng kapatid ko but please huwag mo namang itigil ang buhay mo dahil lang binalikan niya yung ex niya!"

Tinitigan ko ang emosyonal na mukha ni Fred habang pinapangaralan niya ako.

I look at him with cold expression. Trying to hide my pain. Trying to say to him how funny it sounds all the words he said.

"Sinong may sabing hindi na ako babalik sa college? Babalik din ako kapag graduate na siya. One year of waiting is enough for me to fix again what she destroyed in me." Sunod sunod kong sinabi habang nakatiim bagang. Tinanggal ko ang pagkakakwelyo niya at umalis na.

Pagkadating ko sa bahay ay inabot ko kaagad kay mama ang gatas ng 7 months old na kapatid ko. Half-brother actually. Nag-asawa kasi ulit si mama pagkatapos mamatay ni papa sa trabaho two years ago. Nadisgrasya kasi siya sa site ng pinagtratrabahuan niya. Kanang kamay siya ng head engineer by the way.

Nagbayad naman ng casualties yung kompanya na yun but it didn't last knowing na college na ako that time. Kaya ng bumalik yung first love ni Mama at binata pa rin. Binalikan niya nalang kahit dapat yung mga ex di na binabalikan.

Mayaman kasi iyon saka binata pa at minahal din naman ni mama noon. It's seems like hinihintay lang siya nung lalaki. Isang lawin na humihintay na umatake kapag may pagkakataon.

Sinarado ko agad ang kuwarto ko. Tulala sa mga nangyayari sa buhay ko. Inabot ko ang picture frame sa gilid ng aking kama at hinaplos ang mukha ng babaeng sinaktan ako. It's been six months since you came back to him. Will you ever come back to me? Humiga ako sa kama at nagpasiyang matulog na lang yakap yakap ang kanyang larawan.

Kanina pa ako pabalik balik kakahalungkat sa wallet pati na rin sa bag ko dahil di ko mahagilap yung flash drive ko! Tangina naman. Siguradong ibabagsak ako ni Prof pag di ako nakapagreport sa class niya mamaya.

"FRED! MAMAYA NA NGA YANG KALANDIAN MO! TULUNGAN MO KONG HANAPIN YUNG FLASH DRIVE KO!"

Sinamaan ako ng tingin ni gago bago nilapag ang cellphone niya upang tulungan ako sa paghahanap.

"Asan ka ba kasi pumunta bago tayo kumain dito?" Medyo inis na tanong niya saka pumunta sa counter para magtanong sa security ng fast food na kinakainan namin.

Saan nga ba? Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay may babaeng hinihingal na patungo sa lamesa namin. I swear, It's the best scenery I've witnessed in my whole life. Napakarelaxing niyang tingnan sa gitna ng kanyang hinihingal na itsura. Inabot niya sakin ang flash drive ko na kanina ko pa hinahanap.

"Naiwan mo kanina sa botika kuya buti nahanap pa kita", paliwanag niya sakin habang nagpupunas ng pawis.

Saka ko naalala na bumili nga pala ako ng paracetamol para kay mama. Masakit kasi yung ulo niya , may sinat. Nasa loob kasi ng wallet ko yun kaya nung kumukuha ako ng pera ay nilabas ko muna at nilapag sa front desk ng botika. Nakalimutan ko ng ilagay pabalik sa wallet. Ang tanga ko lang.

One shot stories , The Author's CollaborationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon