PROLOGUE -
Sabi nila... ang past daw, hindi na kailangan pang balikan.
... hindi na kailangan pang alalahanin.
... dapat nang kalimutan.
Pero ang tanong, kaya mo ba? Kaya mo bang hindi na balikan ang nakaraan? Kaya mo bang hindi alalahanin ang kahapon? Kaya mo bang kalimutan nalang agad-agad ang mga pangyayari? Diba, hindi?
Kasi kahit anong iwas man natin na hindi na maalala ang nakaraan, maaalala't maaalala mo parin.
Sabi nila, "move-on."
Ang pagmu-move on daw, kung gugustuhin mo... makakaya mo.
Eh bakit ganun? Gusto mong maka-move on pero sa unang araw mong susubukan 'yon, nahihirapan ka... nasasaktan ka... naiiyak ka... hanggang sa masasabi mo sa sarili mo na, "hindi ko talaga kaya ng wala siya..." tas hindi na titigil sa pagtulo ang mga luha mo.
Pero ang pagmu-move on... dapat hindi pinipilit. Kung ayaw talaga, ayaw pa. Dadating rin naman tayo sa oras na makaka-move on ka na talaga eh. Dadating tayo sa oras na kaya na natin siyang tignan ng wala ng mararamdaman pang sakit... dadating tayo sa oras na kaya mo ng ngumiti't tumawa sa harap niya ng hindi na napipilitan... dadating rin tayo diyan, tiwala lang...
Pero ang tanong, kailan? ilang sakit pa ba ang kailangan kong maramdaman bago ako makalimot? paano?
Paano ako makakalimot kung hanggang ngayon, naiwan parin ako sa alaala ng kahapon?
...
BINABASA MO ANG
The Past
Teen FictionPaano mo makakalimutan ang isang taong nagbigay kulay sa buhay mo? Paano mo makakalimutan 'yung mga araw mo na kasama mo siya? Paano mo makakalimutan 'yung mga ginagawa niya sa'yo? Paano? ... ang daming paano... ang daming tanong... kaya ko bang mas...