Chapter-5

987 65 6
                                    

Tumakbo ako palabas dahil pakiramdam ko ay bibigay ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.Natatakot ako na pag tumagal pa ako don ay bigla kong maisipang sumuko at iwanan siya.

Nagdesisyon akong pumunta sa pool area para sana makapag isip.

Gusto kong mawala ang luha at sakit na nararamdaman ko kaya bigla na lang ako tumalon sa tubig ng hindi nag iisip.

Sana nga sa pagtalon kong ito ay mawala na lahat ng sakit.

Kahit nasa ilalim na ako ng tubig ay nararamdaman ko padin ang mainit na likidong tumutulo sa pisngi ko.

Gusto kong umahon pero hindi ko magawa dahil biglang bumigat ang katawan ko at isa pa ay hindi ako marunong lumangoy.

Gusto kong itaas ang kamay ko at humingi ng tulong sa kanya pero hindi ko ginawa dahil alam kong hindi niya ako matutulungan dahil abala siya kasama ang babaeng iyon,baka nga mas masaya pa siya pag nawala na ako sa buhay niya.

Naramdaman kong unti unti ng bumibigat nag talukap ng mata ko dahil hindi ko na kaya ang tubig na pumapasok sa bibig ko.

Kung ito man ang wakas ko ay sana maging maayos na ang lahat pag wala na ako,sana maging masaya na siya.

Napamulat ako kahit nahihirapan dahil naramdaman kong may yumakap at humila saakin pataas.

Bago ako nawalan ng malay ay nakita ko ang nag aalalang mukha niya habang buhat buhat ako,kung eto na iyon ay magiging masaya ako dahil kahit saglit ay naramdaman kong may pakialam padin siya saakin.

Pagmulat ko ay nasa kwarto na ako,napansin ko ding nakasuot na ako ng mahabang t-shirt at pajama.

Uupo na sana ako ng maramdaman kong may nakadagan sa mga kamay ko,pagkakita ko ay si Clifford iyon habang mahimbing na natutulog.

Ng maramdaman niyang gising na ako ay agad siyang umayos ng upo sa upuang nilagay niya sa tabi ng kama ko.

"Tatawagin ko muna ang private Doctor sa labas,wag ka na munang gumalaw,"malamig niya sabi kaya napatingin ako sa kanyang mga mata,blanko ito na para bang wala lang ako sa kanya.

Maya-maya ay lumabas na siya para tawagin ang Doctor ngunit hindi na siya pinapasok nito para daw makapag usap kami.

Napabuntong hinga na lang ako dahil parang alam ko na nga sasabihin niya.

"Alam kong ayaw mo pang malaman niya kaya hindi kona siya pinapasok,"sabi sakin ng doctor kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Hindi pa nya pwedeng malaman," kalmado kong sabi.

"Pero may karapatan siyang malaman na magkakaanak na kayo,"sabi niya saakin na para bang sinasabi niya mali ang ginagawa ko.

"Sasabihin ko din naman sa kanya pag ayos na ang lahat,"naluluha kong sagot dahil sa hirap ng sitwasyon namin ngayon.

I'm carrying his child,nalaman ko ito ng araw mismong maaksidente siya. Ang saya ko nong malamang magkakaanak na kami ngunit agad itong napawi ng malaman ko ang nagyari sa kanya.

He proposed to me before he fly to France for his business but he got accident,and forget everything about me.

Ang totoo ay hindi ako ang naging dahilan kung bakit kami ikinasal kundi siya mismo ngunit nakalimutan niya ito.

Ang sakit...sobra,gusto kong sabihin sa kanya na ako ito,ang babaeng minahal niya pero hindi ko magawa dahil ang sabi ng doctor ay makakasama sa kanya pag bigla na lang siyang pinaalalahanan ng mga alala ng nakaraan niya.

Maybe I should distance my self from him,for our child.Kasi natatakot akong mas malala pa ang kasunod at baka ang anak namin ang mapahamak.

Paglabas ng Doctor ay siya namang pag pasok niya,malamig ko lang siyang tinignan nang naglakad siya palapit saakin at umupp sa tabi ko.

"How are you?Do you need something?"may pag aalaal sa boses niya,ito yung boses na miss na miss kona,sobra.

Sana pala,palagi kong malagay sa alanganin ang buhay ko para makitang nay pakialam parin siya saakin.

Napabuntong na lang ako sa naisip ko,ganon ko ba siya kamahal? Yung tipong kahit madurog na ako para lang maramdaman siya?

"Leave me alone,"I said coldy.I want him to feel how mad I am right now.

"No, I'll stay by your side,"he said with finality.I fake my laugh before I gave him a cold and deadly gaze.

"For what?To hurt me again?Of damn it, Clifford! I'm frigging tired so please leave me alone!"I shouted at him while staring at his eye.

I saw guilt and sadness in his eyes,yeah,he should be guilty coz' he might killed our child!

Hindi na siya nagsalita pa at umalis na,nakahinga ako ng malalim dahil hindi ko kaya pag nanjan siya sa tabi.Baka bumigay na lang ako bigla.

Natulog na lang ako saglit para makapag pahinga,gabi na ng magising ako kaya nakakramdam ako ng gutom.

Nang pababa ako ng hagdan ay nakita ko siyang naka upo sa couch,nang makita niya akong bumaba ay agad siyang tumayo at sinalubong ako.

"I cooked for our dinner, let's eat,"sabi niya tsaka nag iwas ng tingin.

"Thank you but I can cook for myself,"I said while staring at his eyes and smile bitterly.

"But I already cooked,"angal pa niya saka tumingin saking mga mata.

"I don't care. Excuse me,"I gave him a fake smile before turning my back,I was about to walk away when he hold my arm.

"Can we talk?"sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"About what?"I asked and look at him coldly.

"About us," he almost sounds pleading.

"There's no use, remember? We're just binding by effin' papers,"I said and laugh bitterly.

"Please listen to me," tila nagsusumaong sabi nya.

"Listen?Haha,Are you kidding me,Mr.Clifford?" I said and pulled my arm before looking at him intently.

"I'm sorry for disrespecting you as my wife,I just can't accept that I married a woman that I don't even know and love,"seryosong sabi niya habang nakatingin saaking mga mata.

"Wife? Haha yeah right.You still can't accept me right?How about getting divorce, that will make you feel better,"matapang kong sabi habang nakatitig sa kanyang mga mata,pero sa loob loob ko ay pinagdarasal kong sana,sana hindi siya pumayag.

Napalunok siya sa sinabi ko bago ulit ako hinawakan sa kamay,kukunin ko sana ito ngunit mas lalo niyang hinihigpitan kaya hindi na lang ako umangal tutal gusto ko din naman kahit masakit siyang hawakan.

"No!...I'm thinking if we can try to make this marriage work,I want to give you,us a chance,"seryoso niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata dahilan ng pagkatigil ko.

"Bakit ngayon lang?Kung kailan gusto ko ng sumuko, gusto na kitang pakawalan pagod na akong masaktan,kung kailan durog na durog na ako?Bakit ngayon lang, Clifford?Ganon ba ako kahirap pagtyagaan?Ganon ba ako kahirap pakisamahan?Ganon ba ako kahirap mahalin?!" tanong ko habang lumuluha,sinusubukan kong maging matapang pero bakit ako umiiyak ngayon sa harap niya.

"I'm sorry,but please let's try to make this marriage work, after that and I still don't , we will talk to our parents for our annulment." wika niya tsaka pinunasan ang luhang walang humpay ang pagtulo mula sa mata ko.

Pagkatapos niyang punasan iyon ay bigla niya na lang akong hinila at yinakap ng mahigpit na para bang ayaw niya akong mawala,sana nga.

Dapat ba akong matuwa na binigyan niya ng pagkakataong maayos ang lahat at sa kauna unahang panahon simula nong makabalik siya ay yinakap niya ako?Siguro mas okay kung sulitin ko na lang muna,bahala na kung masaktan ako sa huli.

Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now