84 - The Knight in Shining Armor

303 13 27
                                    

Pakiramdam ni Diane sobrang tagal na niya sa loob ng kulungan, when in fact mga tatlong oras pa lang siya doon. Siya lang mag-isa. Sa tingin niya'y mas mabuti na rin yun kesa naman isama siya doon sa iba pang mga preso. Baka saktan pa siya dun. Ngunit sobrang inip na inip na rin siya sa kanyang kwarto. From CEO to preso? What a downgrade. Hindi naman niya akalain na ikukulong na pala agad siya. Akala niya hindi siya ipapasok doon sa kulungan kung kusa siyang sasama. Pagdating pala doon diretso siyang kinulong. Malaki ang pyansang kakailanganin dahil sa mga kasong isinasampa laban sa kanya. Money is not an issue for Diane, obviously. Pero nasaan na ba kasi ang lawyer niya? Si Vanessa kung ano-ano na ang pinagsasabi sa kanya. Diane was so sick and tired of her. She felt like a loser. Paano siya nalamangan ng isang tulad lang ni Vanessa?

Umiiyak pa si Diane nang dumating na si Regina. Agad siyang tumayo at pinunasan ang kanyang mukha at lumapit sa kanyang pinsan.

"Bakit ba ngayon ka lang?!!" Galit na sabi ni Diane. "Namumuti na ang mga mata ko sa kahihintay sayo! Hindi dapat ako nakakulong dito! Ang sabi ko sayo puntahan mo agad ako dito at tawagan mo ang abogado ko, ano na?!"

"Sorry Diane.. n-nasa Cebu pa ang abogado mo at hindi naman siya agad-agad pwedeng lumipad pa-Maynila kahit gugustuhin natin kasi alam mo naman may protocols-"

"I don't care about the protocols!!! What matters to me is that you get me out of here!!! Gawan mo ng paraan! Jusko naman ang bagal-bagal mo Regina! Wala kang silbi!"

"Teka lang Diane ha." Regina says, taken aback. "Baka nakalimutan mo na PINSAN MO AKO at hindi ako robot? Lahat naman ginagawa ko para sayo ah? Mas inuuna pa nga kita palagi kesa sa iba pang mga dapat kong gawin! Pero kung pagsalitaan mo ako para bang ang liit-liit ko na basta-basta mo nalang bulyawan. Oo naiintindihan kita Diane, lagi kitang iniintindi pero sana naman maiisip mo rin na nauubos rin ang pasensya ko!"

Kumalma si Diane at natauhan sa mga sinabi ng pinsan niya. Hindi niya lang kasi matanggap na nasa kulungan siya ngayon at naisahan siya ni Vanessa na dati ay minamaliit nila.

"I'm sorry Regina.." Kalmadong sabi ni Diane. "Masyadong nagpadala lang ako sa galit ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko."

"Kung galit ka sa mga nangyari o kung galit ka dahil PANALO si Vanessa, huwag mo naman sa'kin ibato lahat!" Patuloy pa ni Regina.

"Sorry na." Diane begs. "Ngayon ka pa ba magagalit sa akin na kailangan na kailangan kita? Huwag mo naman akong talikuran oh.."

Regina rolls her eyes and doesn't say anything. Naisip niya na d'yan talaga magaling ang pinsan niya, ang magpaawa at talagang naaawa na naman siya nito.

"Regina ikaw nalang ang meron ako. Ikaw lang ang makakatulong sa'kin ngayon. Kaya sana tulungan mo pa rin ako na makalabas agad dito."

Regina sighs. Hindi niya rin naman matitiis ang pinsan niya kahit suplada at maldita ito. Without looking at Diane, Regina says, "Patong-patong ang kasong isinasampa ni Vanessa laban sayo. Pero wag kang mag-alala dahil kahit wala pa dito ang abogado mo, na-contact ko na siya at sabi niya may ginagawa na siyang mga hakbang."

"A-ano daw ulit yung mga kaso laban sa'kin? Ilan? Hindi ako nakinig sa mga pinagsasabi nila kanina kasi naiinis ako sa pagmumukha ng Vanessang yun.."

"Lima, Diane. Limang kaso ang haharapin mo." Says Regina worryingly.

"WHAT?!"

"Concubinage.. tapos iba rin yung workplace romance something.. then Sexual harassment.. Violence against women and children.. at tsaka meron pa yung ano.. yung sa pagtatago mo sa katotohanan sa pagkatao ni Vanessa. Nalabag mo rin kasi ang karapatan niya, property rights, modifications of ownership.. Basta lima yun lahat."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon