a mothers love (tagalog short story)

1.2K 7 3
                                    

ANO BA ANG BATAYAN NG PAGIGING ISANG INA ?

SA PAANONG PARAAN MO MAPAPADAMA ANG IYONG PAGMAMAHAL ?

AT ANO ANG HANGGANAN NG ISANG KAUGALIAN ?







sa malayong bayan sa isla maangkin ay nakaugalian na pag tumanda ang isang tao babae man o lalaki ay dapat dalhin sa kabundukan at iwanan sa gitna ng gubat at hayaang mamatay sa sakit man o gawa ng isang mabangis na hayop !

" Temio, matanda na ang nanay mo ! alam mo na ang dapat gawin sa kanya !", sabi ng kanyang asawa.

" oo Nena bukas ng gabi ay dadalhin ko na sya sa gubat para iwan doon !", sagot naman ni Temio.

" Hindi ka ba naawa sa nanay mo ? sya ang nag alaga at nagpalaki sau.. nagpakahirap at nagpabuti ng kalagayan mo ! ", mangiyak ngiyak na sambit ng kanyang asawa.

Hindi malaman ni Temio ang gagawin ! tama ang kanyang asawa ! pero pano ang kaugalian ? ang ritwal ? ang pagsasabi na ang pagtanda ay dala ng isang sumpa ? anong gagawin ko ?

Sumapit ang gabi... ang gabi na kung saan ay dadalhin nya ang kanyang ina sa gubat para iwan ! gabi na hindi nya makakalimutan habang siya ay nabubuhay ! gabi na bangungot para sa kanya !

Pinasan ni Temio ang kanyang ina sa kanyang likuran at pumunta na sa kagubatan !

Habang nasa daan ay napansin nya na pumuputol ng kapirasong sanga sa bawat madaanan nilang halaman ang kanyang ina ! at di nya malaman kung bakit !

Madilim ang langit... at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa daan !

Sa gitna ng gubat nya ibinaba ang kanyang ina ! pero bago sya umalis ay nagtanong ito....

" bakit po kayo pumuputol ng sanga sa bawat halaman na madaanan natin ?" puno ng pagtataka nyang tanong !

Puno man ng dugo ang kamay ng ina dahil sa pagputol sa matutulis na sanga ay sinambit nito...

Gabi na anak ! at ayokong maligaw ka ! sundan mo ang mga putol na sanga na ginawa ko pabalik sa ating tirahan ! dahil ayokong mapahamak ka ! dahil mahal na mahal kita ! "





Umagos ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata !

Binuhat nyang muli ang kanyang ina ! at isinama pabalik..... at nasambit sa sarili...

" Iuuwi na kita inay !! at walang tradisyon o sinuman ang makapag hihiwalay sa atin ! "

                                THE END...................................

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

a mothers love (tagalog short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon