ANO BA ANG BATAYAN NG PAGIGING ISANG INA ?
SA PAANONG PARAAN MO MAPAPADAMA ANG IYONG PAGMAMAHAL ?
AT ANO ANG HANGGANAN NG ISANG KAUGALIAN ?
sa malayong bayan sa isla maangkin ay nakaugalian na pag tumanda ang isang tao babae man o lalaki ay dapat dalhin sa kabundukan at iwanan sa gitna ng gubat at hayaang mamatay sa sakit man o gawa ng isang mabangis na hayop !" Temio, matanda na ang nanay mo ! alam mo na ang dapat gawin sa kanya !", sabi ng kanyang asawa.
" oo Nena bukas ng gabi ay dadalhin ko na sya sa gubat para iwan doon !", sagot naman ni Temio.
" Hindi ka ba naawa sa nanay mo ? sya ang nag alaga at nagpalaki sau.. nagpakahirap at nagpabuti ng kalagayan mo ! ", mangiyak ngiyak na sambit ng kanyang asawa.
Hindi malaman ni Temio ang gagawin ! tama ang kanyang asawa ! pero pano ang kaugalian ? ang ritwal ? ang pagsasabi na ang pagtanda ay dala ng isang sumpa ? anong gagawin ko ?
Sumapit ang gabi... ang gabi na kung saan ay dadalhin nya ang kanyang ina sa gubat para iwan ! gabi na hindi nya makakalimutan habang siya ay nabubuhay ! gabi na bangungot para sa kanya !
Pinasan ni Temio ang kanyang ina sa kanyang likuran at pumunta na sa kagubatan !
Habang nasa daan ay napansin nya na pumuputol ng kapirasong sanga sa bawat madaanan nilang halaman ang kanyang ina ! at di nya malaman kung bakit !
Madilim ang langit... at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa daan !
Sa gitna ng gubat nya ibinaba ang kanyang ina ! pero bago sya umalis ay nagtanong ito....
" bakit po kayo pumuputol ng sanga sa bawat halaman na madaanan natin ?" puno ng pagtataka nyang tanong !
Puno man ng dugo ang kamay ng ina dahil sa pagputol sa matutulis na sanga ay sinambit nito...
" Gabi na anak ! at ayokong maligaw ka ! sundan mo ang mga putol na sanga na ginawa ko pabalik sa ating tirahan ! dahil ayokong mapahamak ka ! dahil mahal na mahal kita ! "
Umagos ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata !Binuhat nyang muli ang kanyang ina ! at isinama pabalik..... at nasambit sa sarili...
" Iuuwi na kita inay !! at walang tradisyon o sinuman ang makapag hihiwalay sa atin ! "
THE END...................................