VERONICA'S POV
Kanina pa ako inaasar ni Stanley , nandito ako sa isang kwarto dahil inaayos ko ang mga gamit dito sa kwarto ni Blaze. Sobrang dumi na tapos sobrang kalat pa! Napakaburara!
"Hoy , crush mo si vladymyr 'no! Kanina ka pa tingin ng tingin sakanya eh." Pang-aasar ni Stanley , kami lang dalawa dito sa kwarto.
"Anong crush ka dyan! Hindi kaya." Bulong ko. Tumawa siya.
"Ano kaba! Halatang-halata naman sa mga tingin mo na may gusto ka kay Vla----" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng takpan ko ang bibig niya.
"Napakadaldal mo!"
"What the fvck! Nagpunta ka dito para magtrabaho hindi para makipagharutan!" Sigaw ni Blaze , nakita niya kasi na masyado kaming magkadikit. Nag-init ang dugo ko , pero hinayaan ko nalang.
Dumating sina Leigh , laurent at vladymyr. Napayuko ako.
"Bro wag kang ganyan sakanya." Saad ni Laurent.
"Tama naman ako. Malandi siya!" Sigaw ni Blaze. Sobrang nasaktan ako sa mga sinabi niya , kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ako malandi. Sa sobrang sakit at galit na naramdaman ko saknya hindi na ako nakaimik pa.
Tumulo ang luha ko. Nilapitan ako ni Vladymyr."Bro , don't say that. Hindi siya malandi , narinig ko kasi kanina na inaasar siya ni Stanley sakin." Saad ni Vladymyr.
"O-oo nga , inaasar ko kasi siya kay Vladymyr. Nainis siya sakin kanina kaya tinakpan niya yung bibig ko." Sabat ni Stanley.
"You! Hindi porket pinagtanggol ka ni Vladymyr , magugustuhan kana niya. Huwag ka ng umasa dahil taken na siya. Atsaka tingnan mo nga yang itsura mo , napakapangit ng itsura mo." Sigaw niya at lumabas ng kwarto.
Tuluyan na akong naiyak ng yakapin ako ni Laurent. "Shhh Don't cry. Ganon lang talaga si Blaze kasi may pinagdaanan siya. I know na hindi ka ganun." Bulong niya sa tenga ko.
Bumitiw ako sa pagkakayakap. "Kung may problema siya huwag niya akong idamay." Umiiyak na sabi ko.
"T-teka? Nakamake up kaba?" Tanong ni Leigh. Nanlaki ang mata ko. Oo nga pala , naka make up ako! At kapag nabura 'to! Makikita nila ang tunay kong itsura!
"Punta lang ako ng C.r." Saad ko at agad tumakbo papunta C.r. Muntik na ako dun ah!
Bwisit kasi 'tong Blaze na 'to!.
Inayos ko ang Make up ko at agad din lumabas. Pagbukas ko ng pinto ay nakaabang silang apat. "A-anong kailangan niyo?" Tanong ko.
"Gusto ka naming makausap." Sabay-sabay nilang sabi. Napakurap-kurap ako.
"T-tungkol saan?"
"Tungkol sa pagsipa mo sa Balls ni Blaze." Natatawa nilang sabi. Jusko lord! Akala ko naman tatanongin nila ako about dun sa make up ko!.
"Bat kailangan pa nating pag-usapan?" Natatawang sabi ko.
"Gusto lang namin malaman kung paano mo nagawa yun." Natatawang sabi ni Stanley.
"Naiinis kasi ako sakanya , dahil hindi ko naman sinasadya na masagi siya tapos lalaitin niya ako." Walang emosyong sabi ko. Napakasama niya kasi talaga!
Tumawa lang sila ng tumawa. Pati si Leigh at vladymyr ay nagiging close ko na rin. Nasa sala sila nanonood ng Movie , si Blaze naman nasa kabilang Kwarto. Nandito parin ako sa kwarto dahil tinatapos ko pa ang paglilinis. Lumapit sa akin si Stanley.
"Oh anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong. Napaatras siya.
"Easy ka lang , gusto ko lang sana humingi ng pasensya dun sa nangyari kanina. Nang dahil sakin nahusgahan kana naman ni Blaze , saka kung hindi kita inasar ka--------"
"Wala kang kasalanan , kahit di mo naman ako inasar huhusgahan niya parin ako. Hayaan mo nalang." Nakangiti kong sabi.
"Hindi kana galit sakin?"
"Hindi na!"
Yayakap sana siya sakin ng pigilan ko siya. "Opsss! Bawal." Sambit ko. Napatawa at napakamot nalang siya sa ulo.
Tinulungan niya na ako sa paglilinis para daw mabilis matapos. Paglabas namin ng kwarto ay masayang nagtatawanan sina Leigh , Vladymyr at Laurent. Si blaze halatang badtrip na badtrip.
Nakisama ako kina Laurent. Sobrang saya nila ka-bonding. Laughtrip!!!
Ilang oras na kaming nanonood kaya napagpasyahan naming kumain. Nagluto ako ng Adobo para sakanila.
"Napakasarap mo naman magluto! Iluto mo nga 'to si Stanley baka sakaling sumarap." Natatawang sabi ni Laurent.
"Masarap naman ako!" Natatawang saad ni Stanley. Nagtawanan kaming lahat.
"Bro , tikman mo oh! Ang sarap ng adobo." Sambit ni Leigh.
"No thanks , nag-order ako ng Food ko." Mayabang na sabi ni Blaze habang nakatingin sakin. Akala niya naman maiinggit ako sakanya , tss. Sorry nalang siya dahil hindi ako maiinggit sakanya.
"Naks penge kami!" Sigaw ni Stanley.
"Sure ,bibigyan ko kayong lahat maliban sa isa dyan."
"Haha! Hindi ko kailangan ng mamahaling pagkain! Lalo na kung galing sa'yo baka mahawa pa ako sa ugali mo." Mataray kong sabi.
"Sinabi ko bang kailangan mo ng pagkain?" Sarkastiko niyang tanong. Hindi nalang ako sumagot at nakipagkwentuhan nalang muli ako kina laurent.
Habang nagtatawanan kaming lima , napatingin ako kay Blaze na nasa kusina. Sobrang sama ng tingin niya sakin. Dinilaan ko siya at dinilaan niya din ako.
Ilang oras din kaming magkakwentuhan , kailangan ko ng umuwi dahil gabi na.
"Uuwi na ako , gagabihin pa ako sa daan." Paalam ko sakanila.
"Ha? Masyado ng gabi ah? Baka mapano ka pa." Saad ni vladymyr.
"Hindi ah , kaya ko naman ang sarili ko."
"Dito kana lang matulog , dito na din kami matutulog eh. Tutal wala naman pasok bukas!" Masayang sabi ni Laurent.
"Ha? Bakit daw?"
"May bagyo daw eh." Tugon niya.
"Sige na dito kana matulog." Sambit ni Vladymyr.
"Hmmmm. Sige na nga!" Natatawang sabi ko. "Bakit pag si vladymyr ang nagsabi payag ka kaagad! Pag ako hindi! Paalala lang mas nauna mo akong nakilala! Kesa sa mga yan!" Nakakunot noong sabi ni Laurent. Tumawa ako.
"Papayag din naman ako eh."
"Tss. Pabebe ka lang kasi." Sabat ni Blaze. Inirapan ko lang siya.
Kumain lang sila saglit at agad din natulog. Kasalukuyan nasa kwartong isa ang apat. Ako naman nandito sa sala. Si blaze naman ay nasa kwarto na niya.
Nakakapagod ang araw na 'to pero masaya. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng mapansin kong lumabas si Blaze ng kwarto niya. Ano na namang gagawin nito?
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kusina. Para siyang magnanakaw sa ginagawa niya. Tsk.
Dahan-dahan niyang binuksan yung kaldero na may laman na adobo. Kumuha siya ng isang plato at dun naglagay ng adobo. Tss. Paayaw-ayaw pa kanina , kakain din naman pala.
Napatingin siya sa gawi ko kaya nagtulog tulugan ako. Agad din naman siyang bumalik sa kwarto niya pagtapos niyang kumuha.
Napangiti ako...
Sh8t self! bat ka ngumingiti!!
"END OF CHAPTER 4"
DON'T FORGER TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW. THANKYOU!
~Binibining_Eca
05/16
BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Genç Kurgu𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...