Sa pagmamasid sa ulap na nagdidilim, sa pagpatak ng ulan at ng luha sa mata'y lumalabo ang paningin. Tawanan,asaran at kwentuhan ang nakikita sa harapan. Lahat sila'y nagkayayaan at ikaw ay naiwan.
"Hoy, Thraia! nagdadrama ka na-naman! Palagi ka nalang naiiwan dyan, Puro ka libro at aral magsaya ka naman!". Sigaw na pagtawag ni Aliya sa aking harapan.
"Oo nga, hayaan mo na nga muna yan Liya! madadamay na-naman tayo sa ka negahan niyan. Ang boring ng buhay puro libro ang kasama, mabuti pa at tignan natin ang bagong lipat sa kabila at balita ko'y chinito daw". Nanggigil na sabi ni Mia habang hini-hila si Liya.
"Mag-ingat kayo! At hayaan niyo muna akong mapag isa rito at wala akong ganang makipag biruan",walang ganang sagot ko sakanila.
Napag-desisyonan kong pumasok sa kwarto at maupo. Nakatulala sa labas ng bintana, nakikita ang ibang mga bata at sinabing kailan kaya ako maging ganyan ka saya? At pinunasan ang luhang galing sa mga mata.
"Thraia, lumabas ka dyan at mag-usap tayo!" sigaw na tawag ng aking ama. At dali dali kong binuksan ang pinto ng aking kwarto patungo sa aming sala.
"Ppp-aa? Bakit niyo po ako tinatawag?". Kinakabahan kong sabi sa aking ama.
" Nakausap ko ang iyong guro at ipinakita niya sa akin ang report card mo! 90? Thraia 90 average mo 90! akala ko matalino ka, Wala ka pala eh!
Mabuti pa ang mga pinsan mo matataas pa ang marka!". Galit na galit na sigaw ng aking ama sa aking harapan, di ko napigilang magbitaw ng mga salita habang umiiyak.
"Hindi pa ba okay na ginawa ko na ang lahat para maging sapat? di pa ba okay na ginugol ko ang lahat ng oras ko para lang malamangan ang ibang taong kailanma'y malabong sila'y maging ako? Di pa ba sapat na sinakripisyo ko ang kasiyahan ko para maging proud kayo?!" Naiiyak kong sagot sa aking ama na ngayo'y galit na galit sa aking pagsagot. Isang sampal ang aking natanggap mula sa kamay nya.
"Wala kang karapatang Magreklamo!? Anak lang kita naintindihan mo? Anak lang kita!?! Kung anong sasabihin ko sundin mo!" Pasigawa na sabi ng aking ama. Naiwan akong luhaan sa sala, alam kong nakikinig sila agad akong tumayo at tumakbo tungo sa aking kwarto. Nasasaktan umiiyak hanggang sa makatulog.
Kinabukasan nagising ako sa liwanag galing sa labas ng bintana. Agad akong dumeretso sa banyo upang mag ayos. Pagtapos ko ay lumabas na ako ng kwarto. At nakita ko ang aking ina na naghahanda sa kusina.
" Magandang Umaga sainyo". Bati ko sakanila habang sila ay tinignan lang ako, nagsimula na kaming kumain nang magsalita ang aking tiya.
"Naku naku nakuha ko kahapon ang report card ni liya alam niyo bang 89 ang nakuha niyang average? Naku mataas ang marka niya! HAHSH ako'y natutuwa at nag-aaral talaga syang maigi!". Masayang anunsyo ng aking tita
Napatingin ako sa aking ama na ngayon ay kumakain na. Nakaramdam ako ng awa para sa aking sarili, isinawalang bahala ko iyon at kumain.
"Ikaw Thraia! Ilan ang nakuha mong marka?". Tanong ng aking Tiya.
" P-po? Average?".Bago ko pa man masabi ang aking marka naunahan na ako ng aking ama.
"HAHAHAHSH 90 Lang ang average niyan akala ko nga matalino pero di man lang kayang higitan ang anak ng aking kaibigan". Sarcastikong tugon ng aking ama.
Natahimik ang lahat lalo na ang aking tiya it at agad na tumingin sakin na nag alala. Agad akong tumayo ng walang paalam at dali daling pumasok sa aking slid at naupo sa gilid Ng kama habang tumutulo ang luha sa dalwang mata. Agad kong kinuha ang aking guitara at sinimulang kantahin ang aking paboritong kanta.
I've been staring at the edge of the water
'Long as I can remember
Never really knowing why🎶🎶I wish I could be the perfect daughter
But I come back to the water
No matter how hard I try🎶🎶Every turn I take
Every trail I track
Every path I make
Every road leads back
To the place I know where I cannot go
Where I long to be🎶🎶Agad akong natawa at tinanong sa sariling How far I'll go? At biglang naluha ang aking mga mata. Pinahid ko ang luha at nagsimulang magbasa para sa exam bukas.
Kinabukasan ay maaga akong nagising sapagkat magkakaroon kami ng exam at kailangan kong pumasok ng maaga. Nakita ko ang aking ama ngunit nilagpasan niya lamang ako. Mahaba ang araw na yun at masaya kong natapos ang aking exam. Nakita ko ang aking mga kaibigan na nakaupo sa isang keosk malapit sa library at aking nilapitan.
"Thraia! HAHHA tara jamming muna tayo". Masayang wika ni Zeo.
"Oo nga Thraia, tapos na exam oh beke nemen!".sabi naman ni Mika
"Osige ba HAHAH pahiram ng guitara". Masaya kong sabi sakanila at maghapon kaming nagtawanan.
Malipas ang ilang araw at lumabas na ang result ng aming exam ganon din ng mga achievers. Masayang inanunsyo ng aking guro na pangatlo ako sa sampung pinakamataas na marka. Pagtapos ng klase ay dali dali akong umuwi upang ipaalam saaking pamilya na ako'y may nakuhang Honors sa school.
"Pa! Ma! Achiever po ako! Pangatlo ako sa pinakamataas na marka sa school!". Masayang sigaw ko.
" Pangatlo lang?! At proud ka pa niyan? Ha?!yung anak ng kaibigan ko nangunguna sa klase nila matataas ang marka? Eh ikaw?!" Sigaw ng aking ama.
Agad na pumatak ang luha sa aking mata at wala sa sariling tumakbo ako papalabas ng bahay hindi ko napansing may malaking delivery truck ang papadaan at biglang dumilim ang aking paningin.
**************
Sigaw,hagulgol, Iyak ang aking narinig. Nakita ko ang aking ama na umiiyak habang hawak hawak ang nanghihina kong ina.
"Anong nangyayare? Bakit kayo umiiyak? Tanong ko sakanila. Tinignan ko ang paligid naroon ang aking mga kamag anak habang umiiyak! nakita ko ang mga pinsan at kapatid ko na luhaan! Anong nangyare? ako'y sumisigaw ngunit tila'y wala silang naririnig. Tinignan ko ang babaeng nakahiga sa kamang duguan. Laking gulat ko ako ba yan?! At naalala ko ang pag bangga ng truck sa aking katawan.
"Anak! Bakit mo kami iniwan?!" Sigaw Ng aking ama na nanghihina. "Anakkkk mahal kong anak" dagdag niyang wika.
"Thraiaaaaaa ateeeeee" sigaw ng aking mga pinsan at kapatid.
Agad akong napangiti sakanilang pinakita ngayon din saakin. Mahal nila ako, mahalaga ako sakanila? Naiiyak ako at alam kong di nila ako makikita. Mahal nila ako nung nawala na ako. Bakit nung buhay pa ako pinaramdam niyo saking magisa lang ako? Pinaramdam niyo saking kulang ako. Ilang minuto ang nagdaan kinuha na ang malamig kong bangkay at nakita ko ang puting liwanag na nag aantay. Paalam Ma at Pa!.
YOU ARE READING
Nasa Huli Ang Pagsisisi
Short StoryDumating ka na ba sa point ng buhay mo na Napapagod ka na sa lahat? Peer Pressures, Judgements, Dissapointments and Expectations? Specially when it comes to your Family? Pakiramdam mo di ka importante sakanila kaya sumuko ka na. Ano kaya ang mararam...