Girlfriend.
Wala bang may rules of dating diyan? Ano ba mga dapat kong gawin para pasayahin ang boyfriend ko?
Boyfriend ko.
Is this really happening? Ang overacting lang pero first boyfriend ko kasi ito at ayokong mawala siya sa akin anytime soon.Paano ba ang gagawin para hindi magsawa sa'yo ang tao? Mandatory ba yung mga "Kumain ka na?" texts? Kailangan ba baguhin ang relationship status sa facebook? Kailangan ba magbigay ng regalo araw-araw, linggo-linggo?
Ano!?!? Help me!
Just kidding. Wala namang expert sa love diba? Kahit sabihin ko pa ang likes and dislikes ni PJ kay Papa Jack, I don't take I'd take his advice. Kasi kahit mga simpleng bagay lang ang gawin namin, nakikita kong masaya naman siya. Kahit mag-kwentuhan lang kami sa tindahan ng barbeque ni ate Che, okay lang sa kaniya. Kung ano yung ngiti niya pag nakaka-shoot ng three points, ganun ang ngiti niya pagkagaling sa amin.
Ay, sandali. Wala pala siyang reaction kapag nakakapag-three points. Ano na lang, yung putback shot na lang na nagpapasok sa kanila sa finals noon. Yung Ginebra vs. B-Meg days. Ganung ngiti. Ganun yung ngiti niya pag pumupunta siya sa amin.
I'm the happiest girl in the world knowing that I make him happy. I don't need to do anything extraordinary to make him stay. But I'll do it anyway, because I love him.
I love him. And he makes me happy.
But I'd be happier kung alam ng parents ko. And today's the day. The day na sasabihin kong boyfriend ko na si Peter June Simon. Bakit parang deja vu? Pero mas kabado ako ngayon."Oh, anak kumusta?" tanong ni papa.
Pinunasan ko muna ang monitor ng laptop. I'm stalling, yes. Medyo kinabahan kasi ako.
"Okay ka lang ba, Cassandra?" tanong ni papa.
"Okay lang po ako Pa." Naka-ngiting sagot ko.
"Kumusta diyan? Kumakain ka ba ng maayos?"
"Opo."
"Eh pag-aaral mo?"
"Okay lang po."
"Eh yung manliligaw mo?" tanong ni mama. "Hindi mo na nababanggit sa amin yun ha? Tumigil na noh? Sabi ko na nga ba't hindi seryoso yun! Hindi ba sabi ko--"
I took a deep breath. "Boyfriend ko na po si PJ."Natahimik silang dalawa. Si Mama naman nakatingin lang sa screen. Inaantay kong mag-salita siya. Mas okay kung magsalita siya o sumigaw kaysa naman sa nakakabinging katahimikan niya.
My dad sighed. "Kailan pa?"
"The other day po. Papa, PJ's a good guy. Masaya ako sa kaniya, sobra. At...at mahal ko po siya."
"Cassandra! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" simula ni mama. Ito na. "Alam mo ba kung ano ang intensity ng love na pinagsasabi mo? Hindi mo pa nga kilala ang lalaking 'to."
"Ma, sa ilang buwan na nakilala ko siya, alam ko hindi siyang masamang tao at hindi niya ako sasaktan. Mahal niya ako, ramdam ko yun."
"Anak naman." Sabi ni mama.
"Kilala rin siya ni ninong."
"Ninong? Si Larry?" tanong ni papa.
"Opo. Hinahatid sundo po kasi ako ni PJ at minsan nagkakausap sila. Botong-boto po si ninong, alam ko yan."
"Oh, Melanie, ayan naman pala. Kilala naman pala ni Larry."
"Kahit kilala pa niya ang presidente ng Pilipinas, wala akong pakialam."
"Ma, naman. Please, please, be open-minded about this. Minsan lang ako humingi ng isang bagay at yun ang mga bagay na sobrang importante sa akin. Ma, isa si PJ dun. Importante siya sa akin."Matagal akong tinitigan ni mama sa videocall.
"Basta ako, Cassandra," Simula ni papa. "Yung sinabi mo sa aming magtatapos ka ha? Dalawang semester ka na lang, wag mong sasayangin yan."
"Opo Pa. Ma? Please, please mag-salita ka naman."
"Anak, kaya lang ako nagkakaganito ay dahil nag-aalala ako sa'yo."
"Ma, okay lang ako.""Hindi pa rin ako boto. Ipakilala mo yan sa amin sa December."
"Yes, Ma."Ano bang dapat gawin ko para magustuhan ni mama si PJ? Hayaan ko na lang ba kung hindi niya magustuhan? Dadating ba sa point na kailangan kong mamili?
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
ФанфикWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...