Ang mga kaibigan ko nakaupo sa usual seats nila dati. Maging si Jay Cordova at ang mga kaibigan niya nasa katapat na long table.
Para akong nag-time travel sa nakita ko. Ang kaibahan lang, ibang babae na yung nasa tabi ni Cordova at ako naman, ibang lalaki ang ka-holding hands.
Natigil ang tawanan at ingay nung napatingin silang lahat sa amin. Maging ang waiter, oh god, si Kuya Johnny! Si Kuya Johnny ay matagal nang waiter ng Uptown at lagi niya kaming inaasar ni Jay noon na kami na ang magkakatuluyan. Well, well, well. Mali siya. Thank God, mali siya.
Lumakad kami ni PJ papunta sa table nila Bianca. Sina Josh, Ian at Maricar naman, nakatungnga sa amin. Umupo ako sa pinakagilid na seat sa tabi ni Bianca at si PJ naman ang nasa kabisera.
I took a deep breath. "PJ, ito si Josh, Ian at Maricar. Kilala mo na si Bianca." Tumango naman si PJ. "Guys, si PJ. Boyfriend ko."
Maricar squealed at yung dalawang lalaki naman ay halatang gulat.
"Uh...sorry na-late ako ay kami pala."
Wala pa ring nagsasalita pagkatapos kong i-introduce si PJ.
"Uh...umorder na kayo?" tanong ko. Siniko ko si Bianca at doon na siya nagsalita.
"Hindi pa. Inaantay namin ikaw. Tsaka, hindi pa tapos umorder sina Jay." sagot niya.
"Ganun ba." I mumbled.
If I knew this is going to be this awkward, sana hindi na lang kami tumuloy. First time na ang tahimik ng barkada ko. I guess their loyalties lie with Drew?
"Pre," napatingin ako kay Ian. Si PJ pala ang kinakausap niya. Tinapik ko si PJ at napatingin naman siya kay Ian.
"Familiar ka. Ikaw ba...ikaw ba yung sa PBA?" tanong ni Ian.
I facepalmed myself. Si PJ naman natawa lang.
"Ah, oo. Naglalaro ako sa liga." simpleng sagot niya.
"Sandali...ikaw ba si room 8?" tanong ni Ian.Lupa, kainin mo na ko.
"Anong room 8?" tanong ni PJ.
"Ano...wala yun PJ." sagot ko naman.
"Sa Flare." simpleng sagot ni Josh.
"Room 8? Aahh... yung birthday ko...ah oo." sabi ni PJ.
Pagkatapos nun ay nagsimula ng mag-kwentuhan si PJ, Josh at Ian. Siyempre, basketball ang common ground nila. In that moment, nakalimutan ko kung nasaan kami at kung sinu-sino yung nasa kabilang table. Pero bigla akong siniko ni Bianca.
"Aray." I whispered.
"May atraso ka pa sa'kin." sabi niya.
"Biancs, sorry na."
"Ewan ko sa'yo." She says but I can see her trying not to smile.
"Asan pala si Drew?" tanong ko.
"Sabi niya pupunta naman siya. Pero ewan. Baka male-late lang."
"Bakit hindi mo simabi sa'kin andito sina Cordova?"
"Hindi ko alam na pupunta sila. Halos kasabay niyo lang silang dumating at hey, nag text kaya ako!"I checked my phone, oo nga nag text siya. Kasagsagan siguro ito nung pagda-drama ko. Maya-maya ay lumapit na si kuya Johnny at kinuha ang order namin. Bumalik ulit sa kwentuhan ang mga lalaki sa tabi ko. Nagtatawanan sila nang mapansin kong ako na pala yung pinag-uusapan nila.
"Kayang-kaya kumain ni Cass ng apat ng mangkok ng kanin basta caldereta ang ulam." sabi ni Ian.
"Hoy. Anong pinagsasabi mo diyan?" sabi ko bigla.
"Totoo naman. Nakakalimutan mo kami basta caldereta ang ulam." Pang-aasar ni Josh.
"Oo!" Ian exclaimed. "Naalala ko isang beses nung kumakain kami, tinago namin yung ulam niyang caldereta nung bumaba siya sa cashier."
"Pagbalik niya wala na yung ulam diba? Nagalit siya sa amin ng dalawang araw kahit binalik naman namin yung ulam." pagtutuloy ni Josh.
"Totoo ba?" natatawang tanong sa akin ni PJ.
"Huwag kang basta-basta naniniwala sa mga yan, okay? Sa akin ka lang maniwala." sabi ko naman.
PJ laughs. "Bakit pag magkasama kami, salad lang kinakain niya?"
"Hoy, sinungaling nito!" sagot ko.
"Talaga, Cass? May pa-salad salad ka na ngayon?" pang-aasar ni Maricar.
"Hindi ah! Ang dami ko kayang kinain nung una kaming nagkita niyan."
"Biro lang." Sabi ni PJ. "Nung nagkita kami, parang pati yung pagkain ko gusto niya."
"Alam mo, hindi na masusundan 'tong mga lunchdate na to." sabi ko at natawa naman ang lahat.
"Pero boto ako Cass." Sabi ni Ian.
"Hindi ko naman hinigi yung boto mo." sagot ko.
"Boto ako kasi payag siyang asar-asarin ka namin. Nakikisali pa siya."
Tinignan ko nang masama si PJ at natawa siya. "Actually alam niyo, inaaway rin niya ako minsan eh."
"Anong inaaway kita?" tanong ni PJ.
"Diba, lagi mong sinasabing hindi ako maganda." sagot ko.
"Talage, pre? Sinasabi mo yun sa kaniya?" Natatawang tanong ni Ian. At tumango naman si PJ.
"Diba masama mag-sinungaling?" sabi ni PJ at napahagalpak ng tawa si Ian.
Binato ko tuloy si Ian ng tissue dahil nabubulahaw ang ibang kumakain.
"Alam mo ikaw, pag ako talaga ang inaapi, total enjoyment para sa'yo." sabi ko kay Ian.
"Siyempre...siyempre naman." sabi ni Ian habang nagpupunas ng luha.
Maya-maya ay tumayo na ang barkada ni Cordova at nag-paalam sa amin. Nginitian ko lang ang ibang mga gusto ko sa barkada niya. Akala mo matatapos na nanung bigla ba namang nagsalita ang pinaka-close ko sa barkada ni Cordova noon. Si Melissa.
"Cass." Naka-ngiting tawag niya. Tumayo ako at lumapit sa kaniya samantalang yung barkada niya ay bumaba na.
"Hey, Mel."
Natahimik kaming dalawa ang nagkatinginan lang. Maya-maya ay natawa kami at niyakap ang isa't isa.
"Cass, namiss kita. Nakikita naman kita halos every week sa St. Michael pero iba pala yung dating ng ganito. Na nasa Uptown tayo." Napatingin siya sa paligid namin.
"Oo nga. Nagulat ako nung pagdating ko. Parang time travelling."
"Except, ibang iba na yung past sa present." Tumingin siya kay PJ.
"Ibang-iba nga." sagot ko naman.
"Namiss ko yung ganiyang ngiti mo." Biglang sabi niya at lalo akong napangiti. "Pero iba yang ngiti mo ngayon. I know, you're happier."
"Salamat, Mel."
"Cass?"
"Oh?"
"Sana...sana magka-ayos na kayo ni Jay."
"I don't think so." Naramdaman ko yung bitterness na parang asido.
"I'm...I'm just saying. Akala ko kasi..."
"Naka-move on na ako, Mel. Pero..pero hindi pa siguro ako magiging okay with Jay...anytime soon."
"Pero, Cass....you can't love if your heart's not whole."
"Mel, please. Wag natin sirain yung magandang atmosphere na na-set up natin 5 minutes ago nung niyakap mo ko. I'm fine. Mahal na mahal ko yung kasama ko ngayon."
She sighed. "I really, really wish all the best for you Cass. I do."
"Thank you."
Nagpaalam na si Melissa sa amin at bumaba. Bumalik naman ako sa table namin.
"Whew, akala ko di na sila aalis eh." Sabi ni Ian at napasandal sa upuan niya.
PJ held my hand. "Andun yung ex mo diba? Yung kasama nila kanina?"
"Hindi ko siya ex."
"Pero past?"
Tumango na lang ako.
"Andito pa yung letter niyo oh." Tumuro siya sa mesa and there it is. Naglagay kasi kami ng isang letter ni Cordova noon sa ilalim ng glass ng mesa. Kakornihan na malamang pasimuno niya.
To Cassandra,
Through everything, know that it's you I'd choose at the end of the day. Everyday.
Jay
To Jay,
Crazy it may seem, I'll always go back to you.
Cassandra.
"Yuck."
Natawa si PJ sa reaction ko.
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...