2| Class Fight

6 2 0
                                    


"Yes mom, kakagising ko lang kanina." Ani Thea habang kausap ang kanyang ina sa cellphone.

"Good morning anak, how was your first day of school?" Tanong ni Marie sa kabilang linya.

Napa daing si Thea ng maalala nya lahat ng nangyari. "Ma, I'm about to pass out because of stress very soon."

"Ha? Why?"

"Ma!! Si Kenneth, classmate ko! Tapos seatmate ko pa!" Ngumiwi si Thea sabay padyak ng mga paa nya sa kama na hinihigaan nya sa dorm nila.

"Talaga?! Well then that's good! You made the right decision anak, buti nalang ginusto mong pumunta jan."  magalak na sabi ni Marie at humagikgik ng bahagya.

"Eh mom naman kase- Aray!" Napa sigaw si Thea ng maramdaman nyang may tumama sa kanyang ulo.

"Ang ingay mo, ang aga aga eh." Pag rereklamo ni Yanna matapos nyang ibato kay Thea ang unan na ginamit nya. Halatang antok pa si Yanna dahil kakagising lang nito sa pag ka ingay ng kanyang best friend.

Dahil sa sinabi ng kanyang best friend ay napa tingin si Thea sa orasan. 6:53 am.

"Edi wag kang makinig! Tsaka ang ingay mo din kaya, baka mamaya magising mo si Janine!" Mabilis na sagot ni Thea at bumalik na ito sa pag uusap sa kanyang ina.

"Mom, I seriously hate this! Pero I don't want to leave this school dahil lang sa bwiset na yon, matagal ko na kayang gusto dito! I don't know what to do, I-"

"Althea Mitch, please lang. Subukan nyo namang mag sama. Hindi lang naman ito para samin nila tita Trisha mo eh, para na din ito sainyong dalawa." Pag bibigay ng advice ni Marie sakanyang anak.

Halos mag wala na si Thea at muntikan pang ibato ang cellphone. "Para sa aming dalawa?! Ma, ikamamatay naming dalawa just by seeing each other's faces!"

"Ganyan nag uumpisa ang mga ibang relasyon, anak. Trust me."

"Mom, I know that you think it's for my sake but I swear- Aray! Yanna!" Hindi na natapos ni Thea ang kanyang reklamo ng batuan nanaman sya ni Yanna ng isa pang unan.

"Ang ingay sabi eh!"

Dahil sa sinabi ay binato na ni Thea ang kanyang cellphone kung nasaan si Yanna at nasalo naman nya ito. Tinignan muna ni Yanna ang cellphone at nakita kung sino ang kausap nito.

"Tita!! Yung anak nyo, kahapon pa nananakit!" Pag susumbong ni Yanna kay Marie sabay tingin pa kay Thea para mang asar.

"Hoy buraot ibalik mo sakin iyan!" Sigaw ni Thea at itinuro pa si Yanna.

Dumila si Yanna, "Ibinato mo sakin eh!"

Natawa naman si Marie dahil sa kanyang mga naririnig. "Kayong dalawa talaga, kahit kaylan ganyan. Sige, Yanna. Bago pa maka reklamo ulit si Thea, paki patay na ng tawag. Tell her I love her."

Ngumiti si Yanna at kumaway kahit hindi naman sya nakikita ni Marie. "Sige tita, bye!!"

Tinignan muna ni Yanna si Thea bago ibalik ang phone. "Oh, love ka daw nya. Sana all."

Napa kunot noo si Thea ng masalo nya ang kanyang phone na ibinato ni Yanna. "Kung maka pag salita ka akala mo naman hindi ka mahal nila tita."

Nagulat ang dalawa ng biglang bumukas ang pintuan ng kanilang washroom.

"Ay anak ni Marie!" Gulat na bungad ni Yanna ng makita si Janine na kakalabas lang sa washroom.

Ibinato pabalik ni Thea ang unan kanina kay Yanna. "Gaga, ako yun!"

Unexpectedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon