Chapter 3

30 8 3
                                    

NANG hindi ko na matanaw ang sasakyan ni kuya Erwin mag-isa ko ng tinahak daan papasok. Marami akong estudyanteng naka-sabay mostly are from senior high. Humigpit ang kapit ko sa straps ng bag ko nang matanaw ko si Aleck.

Aleck is my favorite boy except from Jaris. Hindi siya kagaya ng ibang lalaki na puro babae. He's a family oriented, has a sense of humor and I can't deny that fact that he is handsome. Mas pogi nga lang si Jaris HAHAHAH!

Matulin akong tumakbo papunta sa kanya at hindi na naabalang panoorin ang daanan hindi ko tuloy naiwasang mapatid sa hagdan. Tangina sobrang sakit ng balakang ko. At may hapdi pa sa hita, may galos pa yata. Nakakagago naman o! Nakakahiya pa.

"Are you okay?" dinig kong boses ni Jaris. May halong pagka-seryoso at pag-aalala.

I want to cry. "Jaris." mahina kong bulong.

Parang namanhid ang buong katawan ko at halos wala na akong nararamdaman. Even my heart skipped breathing.

"Ayan si tanga ka kasi! Hindi mo tinitignan ang dinadaanan mo..." Itinayo ako ni Aleck.

And..uh... Yep. I wasn't the one he lifted up. Bakit ba ganito ka salbahe ang mundo? Bakit pa kasi nagkasabay kami nang pagkadapa.

Narinig ko ang mahihinang tawanan ng mga nakakita. Kung sila kaya ang mapatid dito? Hambalusin ko kayo, e.

Patuloy ang pag-sermon sa akin ng katabi ko, samantala ang atensyon ko naman ay tutok lamang kila Jaris na ngayo'y buhat-buhat si Yuna. Kilala ko siya, siya ang Miss Nutrition month na tinanghal sa Corazon, and also a retired nerd. Kaklase rin ni Jaris.

Kung ako rin kaya ang madapa at makita ako ni Jaris bubuhatin niya rin kaya ako gaya ng ginawa niya kay Yuna? Napa-irap tuloy ako at ngumuso.

I'm jelous! Nagseselos ako, Jaris. Gusto kong isigaw sa pagmumukha niya ang selos ko sa loob. I pursed my lips while looking at his back habang buhat buhat pa-bridal style si Yuna. Is that what he likes, babae na kataunan niya? Or maybe, an epitome of kindness? A retired nerd? A pageanters? Ganoon ba quality niya sa isang babae? Churchmate ba ni Jaris ang babaeng 'yan? Ang daming tanong sa utak ko pero wala akong nakukuhang sagot. They seems so close, cause why would a De Luna helped and lift a girl? And why I saw concerned in his eyes? Type niya nga siguro si Yuna.

"Dahil sa'yong katangahan, meron ng gasgas ang iyong porselanang balat, binibini." Napabalik ako sa huwisyo at tinignan ang binti ko.

Ang kaninang namamanhid kong katawan ay nawala. Ngayon ay mas ramdam ko ang sakit ng katawan ko.

"Wahhhhhhhhhh!" impit kong sigaw na halos mag panic na. Maski si Aleck ay nataranta sa sigaw ko. "Oh my gosh! My legs! Putangina inalagaan ko ang binti kong 'to!"

"Arte naman nyan."

"Guerrero, e. Malamang nag mamaganda pangit naman ng mga ugali."

Napakapit ako sa leeg ni Aleck nang maramdaman ko ang pag lutang ng katawan, buhat-buhat niya na ako ngayon. I didn't insist. Mukha na sa clinic ang diretso namin. And I want to escape this people.

"You're gaining too much attention. Tahimik." Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit at mabango niyang hininga sa leeg ko dahil sa pagbulong niyang 'yon.

"SA SUSUNOD tignan mo ang paligid mo, Ms. Guerrero. Napaka kinis ng balat mo, wala ni isang gasgas. Sayang naman at magkakaroon na ng isang peklat. Tsk." Umiling-iling ito habang inaayos ang aid na ginamit niya pang gamot sa'kin.

"Bakit ka ba nadapa? Excited ka bang puntahan itong si Mr. Narral?" Tumunghay ako kay Aleck na nakangisi.

"Sana nga po, sana nga..." Tumulong na siya kay Nurse Agatha. "Kaso tutok na tutok siya dun sa batang grade 7 Hahaha"

His White UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon