Farewell party

16 15 0
                                    


Written by: _callmeB

Announcemet: You are invited to St Mary's farewell party to be made in a 5star boat. . .

Basa ko sa Invitation habang papunta kami sa mala titanic na barko at kasama ko ang bestfriend kong si Skies. Mala lalaki ang name pero babae siya.

"Karin! Ano na?!" Wika nito habang pinapakita ko ang invitation.

"Oo na! Teka!" May sagot ko sa kaniya.

Bigla ako nagmadali papasok sa barko na tutuluyan naming nang Makita ko sila Yannah, Scott at Bernice na naka gown at nag yakapan kami. Dahil malapit na ang end ng contract ng St Mary's ay ininvite kami ng may ari ng school na iyon para sa farewell party.

"Sa' n na ba si doktora?" tanong ni Scott nang mapakamot siya sa ulo niya.

"hala eh! 'di ba dapat kasama natin siya?" sagot ni Skies na para bang nag aalangan pa.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila sabay na nilayasan sila. Nagpunta na lang ako sa mga kumakain at nagsisikuhaan sila ng inumin at yung iba ay alak na.

"Hoy! Penge!" wika k okay Matt habang naglalakad na may dalang beer.

"Tangek! Bawal sa'yo! May allergy ka," sabay na dila niya at napa pout na lang ako.

Ang saya nilang tignan na nabuo ulit ang Josephians. Pumunta sa puwesto ko si Skies at niyakap ako.

"Mamimiss kita pag nagwatak watak na tayo." Wika nito at binatukan siya

"'di ba same school tayo! Baliw ka!" at natawa na lang ako.

"Panghapon ka eh! Pang umaga ako." Tugon niya at napataas na lang ako ng balikat.

Hindi ako morning person kaya nag panghapon ako. Nananawa na din ako sa pagmumukha niya dahil simula noong 1st year pa lang kami ay magclassmate na kami. Maraming memories na ang nangyari sa maliit na school naming pero dahil mas focus ni doktora ang pag gagamot ay ibebenta na niya ang school kung saan may bumili na nito kaya ang lahat ng estudyante ay invited sa kaniyang party. Pero wala naman si doktora.

"Asa'n na kaya 'yun?" bulong ni Skies sa sarili niya. "Una ka 'ko!" at umalis na siya sa tabi ko nang magbrown out.

Naghiyawan ang lahat ng tao na nanduduon. May nagtatakbuhan at may naririnig akong kutsilyong nagkiskisan. Is this a trap?!

Hindi ko alam kung saan ako tutungo na may naanigan akong tao sa hagdanan at sinundan ko iyon nang marinig ko si Skies na sumisigaw sa kabilang hagdanan kaya siya ang sinundan ko. Hinila ang kamay ko paakyat kung saan may liwanag du'n.

"S-san na tayo?" tanong ko sa kaniya at hindi niya ako pinapansin.

Sinundan ko lang siya at dahil naririnig kong may nagsisigawan pa din ay hinila ko siya pero pumiglas siya.

"Hindi na natin sila maliligtas Rin!" wika lang niya ng madiin.

Paakyat pa kami sa isang hagdanan nang huminto ang barko at sumadsad sa isang lupa. Tumalsik kami ni Skies sa loob at pagkita naming ay nasa isang isla kami kung saan malawak na lupain iyon.

Biglang umulan nang malakas at pag baba naming ay may nagsisibabaan ng mga tao at nakita ko ang josephians. Pero wala si Kyla at Yannah.

"Hala kulang tayo!" Gulat ni Scott

"May nadidinig akong saksak kanina.." banggit ko lang nang binuksan ni Carl ang isang compartment nan masuka suka kami sa nakita namin.

Isang patay na babae na chop-chop. Nagbubulungan ang ibang tao sa amin dahil kami ang nangingialam sa barko na sinakyan naming.

One shot stories , The Author's CollaborationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon