Untitled

22 16 1
                                    

Written by: galaxvixy26

Bitbit ang tray ng pagkain ay nagtungo ako sa kwarto ng aking ina.



Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Nakita ko namang nakahiga ang aking ina habang nakapikit ang dalawang mata. Patuloy na siyang nang hihina.



"Ito na ang pagkain mo," walang modong saad ko at saka inilapag ang bitbit kong pagkain sa side table.



Nakita ko namang idinilat nito ang kaniyang mga mata. Tumingin ito sa gawi ko at saka bahagyang ngumiti.



"Mabuti naman at pumunta kana dito, anak. Nagdala ka pa ng pagkain," ngiti nito ngunit bakas pa rin ang kaniyang panghihina.



"Tsk, kumain ka nalang d'yan pabigat ka pa sa 'kin," inis kung saad saka lumabas.



Bago ako naka labas ay narinig ko ang mahina niyang pag-buntong hininga. Tsk.



Hindi ko alam ngunit nagagalit pa rin ako sa kaniya dahil siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Koy.



Kung nandito lang si papa ay siguro may nag-aalaga sa kaniya. Wala rin naman akong kapatid.




Nagdaan ang mga araw ay gano'n lang ang serye. Naghahatid ako ng pagkain sa kaniya at gano'n pa rin ang trato ko sa kaniya.




Isang gabi ay inaya ako ni Shane na um-attend sa isang party. Magkakababata kami ni Shane pareho rin ang paaralan na aming pinapasukan.



Pagkatapos niyang tumawag ay pumunta agad ako sa aking kwarto at nagbihis. Sinuot ko ang isang black tube na sinapawan ng pulang crop top at short.



Nag-inuman lang kaming buong gabi sa venue. Ala una y media na ako ng gabi umuwi.



Nagtaka naman ako sapagkat bukas pa ang ilaw sa sala. Nakita ko ang aking ina na nakaupo sa sofa habang nakatingin na sa akin.



"Vheera, anak, bakit ngayon ka lang. Nag-alala ako sa 'yo," saad pa nito. Mababasa talaga sa kaniyang mga mata ang pag-aalala.



"Bakit, sinabi ko bang mag-alala ka?" Sarkastiko kung tanong. Tama nga rin naman, wala akong sinabing mag-alala siya.



Napatikhim na lamang siya.



Muntik naman akong matumba, siguro ay epekto ng alak. Lumapit ito sa akin kahit makikita mong nanghihina ito dahil sa kaniyang sakit.



Inalalayan niya akong maupo ng walang pasabi. Inilayo ko naman ang mga palad niya na humawak sa aking mga balikat.



"Ano ba! Umalis ka nga!" Pagsigaw ko sa kaniya. Ngunit imbis na lumayo ay himigpit lang ang kaniyang pagkahawak sa akin.



"Uminom ka ba?" Nag-aalala nitong tanong. Iwinaksi ko lang ang kaniyang kamay at hindi sinagot ang kaniyang tanong.



Ngunit dahil na rin s aepekto ng alak ay natumba lang akong sa malambot na sofa.



Nang maramdaman ko pa rin ay kaniyang mga palad ay hindi malaman na inis ang naramdaman ko.



Itinulak ko siya ng buond puwersa. Nakita ko naman ang pagbagsak niya sa sahig. Ngunit hindi man lang ako nakaramdam ng awa sa kaniya sa mga oras na ito.



"Alam ko, matagal na akong nagtitimpi sa 'yo! 'Wag mo nalang akong pakialaman, may sarili na akong buhay! Kaya ko na ang sarili ko! At higit sa lahat hindi kita kailangan!" Mahabang, nagagalit na sigaw ko sa kaniya.



"Sa tingin mo makakalimutan ko ang ginawa mo sa amin ni Koy! Diba't ikaw lang naman ang dahilan kung bakit kami naghiwalay! Sinabi mo pa sa mga magulang niya na may babae siya, napakapakealamera nga naman. Buhay ng iba pinapakialaman pa kahit ang peke ang binabalita." Muling sigaw ko.

One shot stories , The Author's CollaborationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon