Written by: MadamSirene
Genre:Wala kang kwentang anak lumayas ka
ang baba ng grades mo bakit di ka tumulad sa mga kapatid mo
Wala ka kwenta
nakakainis ka
sana mamatay ka na...
Sa mga masasakit na salita sa akin nang galing sa bibig ng nanay ko bigla ako nawalan ng pag-asa paano kung mamatay na ako? Magiging masaya na kaya siya? Ako kaya? Magiging masaya na kaya ako?
"Anna puntahan mo nga si Kumare Tess" utos sa akin ni Mama. Habang papunta ako sa bahay ni ate Tess bigla naman ako tinawag ng kaibigan ko si Nori "Uy Anna tara punta tayo sa bahay ni Andrew, birthday niya ehh" sabi niya sa akin.
"Pass muna ako okay?" sabi ko at saka nagpunta na sa bahay ni ate Tess "Magandang umaga po ate Tess" bati ko sa kanya. "Ay ikaw pala yan Annaliza halika pasok" sabi niya at saka ako pumasok ng bahay nila. "Bakit ka pala nandito?"
"Inutusan po ako ni mama eh" sabi ko.
"Ay Oo nga pala oh eto pala yun utang ko sa kanya pakisabi na sa susunod nalang yun kulang ha?"
"Opo sasabihin ko po yun sa kanya" sabi ko at saka na ako umuwi, pagkadating ko ay sakto nandito na si papa dala ang isang ice cream chocolate flavor na favorite ko ice cream "Happy birthday Anna" bati sa akin ni papa sabay yakap sa akin "Salamat papa" sabi ko habang dala niya yun ice cream ay kinantahan ako ng mga kapatid ko ng happy birthday
Happy birthday to you, happy birthday to you
Happy birthday Annaliza, happy birthday to you
"Mag-wish ka na ate" sabi ng bunso kong kapatid na si Juan at saka ko hinipan ng kandila. "Yehey" sabi nila "Nasaan pala si mama?" tanong ko sa kanila.
"Si mama? Nasa binguhan" sabi sa akin ni Ella.
"Ah sige punta muna ako sa kan--" di ko na tinuloy ang sasabihin nang bigla dumating si mama at mukhang galit na galit sa akin "NASAAN NA YUN PERA?" sigaw na sabi niya at saka ko iniabot sa kanya ang 500 pesos "ETO LANG?"
"O-opo"
"T*NG INA YAN HINDI BA'T SABI KO 600 NASAAN YUN IBA? SIGURO GINASTOS MO NOH?"
"Ma, sa susunod na daw yun kulang"
"P*NYETA KA TALAGA SINUNGALING KA BATA KA" Sigaw niya at saka niya ako pinalo ng hanger habang umiiyak ako "Ma tama na yan" saway ni papa kay mama "ISA KA PA EHH DAPAT HINDI KA NA NAGHANDA SA HAYOP NA YAN, SINASAYANG MO LANG YUN PERA MO SA WALANG KWENTANG YAN" Para ako isang kahoy na nakatayo sa madilim na lugar nang sinabi ni mama sa akin yun, nakalimutan ba niya ang birthday ko? Palibhasa kasi wala siya pake sa akin at mas bigyang pansin niya ng mga kapatid ko lalo na yun bunso kapatid ko.
"PALIBHASA HINDI KA TUMULAD SA MGA KAPATID MO" Sabi pa niya sa akin. Araw-Gabi walang tigil ang bunga-bunga niya at mga masasakit na salita sa akin, sana hindi nalang ako pinanganak sa mundong ito? Sana hindi ko nalang siya naging ina, isang ina na imbis na alagaan ako ay masasakit na salita ang binibigay sa akin. Ampon ba ako?
"Pa ampon ba ako?" Tanong ko sa kanya. "Anna wag ka magsalita ng ganyan siyempre hindi. Anak kita at mahal na mahal kita higit pa sa mga bituin sa langit" sabi sa akin ni Papa. Si papa lang ang nakakaunawa sa akin kahit may 75 ako sa grade ko lagi siya nakangiti sa akin at palagi sinasabi sa akin na.
Okay lang yan anak, ang mahalaga nagawa mo yun best mo mag-aral ka ng mabuti anak I love you.
anak kaya mo yan, at least top 12 ka HAHAHA.
BINABASA MO ANG
One shot stories , The Author's Collaboration
Короткий рассказJust for fun! The one shot stories