Dahil walang suporta galing sa mga magulang at kamag-anak ni Denise ay ako ang lagi niyang kasama sa paghahanda ng mga kailangan niya para sa kanyang simpleng kasal. Hindi rin laging umuuwi si Knee Yoz sa kanyang bahay at ipinagpapasalamat ko iyon ngunit may pagkakataon ding minsan ay inaasam ko siyang makasama.
"Nasaan ba ang mga kamag-anak ni Edward?" tanong ko kay Denise. Abala kami ngayon sa paghahanda para sa kanyang kasal bukas.
"Ulila na si Edward at ang kanyang mga kamag-anak naman ay hindi interesado sa pag-iisang dibdib namin."
Napanguso lang ako sa kanyang sagot. Kung hindi kaya nagtaksil si Sander sa akin ay aabot din kaya kami sa puntong ito?
"Siyanga pala, nasaan si Knee Yoz? Hindi pa niya nasusukat ang susuotin niyang barong bukas,"
Napanguso ulit ako. Wala akong alam sa lalaking iyon. "Hindi ko alam," maikli kong tugon.
"Nasukat mo na ba yung gown mo?" tanong niya habang tinitingnan ang mga gown.
"Hindi pa,"
Inabot niya sa akin ang isang gown. "Sukatin mo na dali, gusto kong makita kung kasya sayo," excited na sambit niya. Natatawa akong sinunod ang kanyang gusto.
Olive green infinity dress ang napili niyang gown para sa kanyang mga bridesmaid. Medyo mahaba lang sa akin pero kasya naman. Pangalawang pagkakataon kong nagsuot ng ganitong damit at habang tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin ay bumabalik sa akin ang alaala ng gabing iyon. Ang gabing ipinaramdam sa akin na ako ang pinakamaganda. Nang gabing iyon ay nasaksihan ko ang pagtataksil ng pinakamamahal kong lalaki at ng aking kaibigan.
"Ang ganda mo talaga Cha!" Hinawi niya ang aking buhok habang tinitingnan ako sa salamin. "Hoy bukas ah ngumiti ka naman, hindi yung parang biyernes santo yang mukha mo." Natawa ako sa kanyang sinabi. Nababasa niya lang ang lungkot sa aking mata ngunit hindi ang aking iniisip.
"Dalhin mo na lang yang isusuot ni Knee Yoz pag-uwi mo ah, ikaw na bahalang magplantsa." Tumango ulit ako sa kanya at ngumiti. Gabi na nang matapos kami sa aming ginagawa at nagpaalam na rin ako sa kanya.
Dire-diretso akong pumasok sa loob bitbit ang aming isusuot bukas. Wala sa sariling natigilan ako pagpasok nang madatnan si Knee Yoz na kakalabas lang ng banyo at nakatapis. Basang basa ang kanyang katawan kaya't bigla akong napatalikod. Napalunok ako habang pilit na kinakalma ang sarili. Ayokong makita kung anuman ang tinatago niya sa kanyang katawan.
Napapikit ako nang marinig ko ang kanyang halakhak. Gusto ko siyang lingunin pero pigil na pigil ako. Virgin pa 'tong mata ko at ayokong makitang nakalantad ang kanyang katawan.
"Kumain ka na ba?" nahihimigan ko ang nang-aasar niyang tono.
"Tapos na," sagot ko dahil totoo naman. Pinakain ako ni Denise kanina bago pinauwi.
"Aww..hindi mo man lang ako hinintay?" umasta pa siyang nasasaktan.
"Malay ko bang uuwi ka, hindi naman kita asawa para hintayin pa at isa pa –" Natigil ako sa pagsasalita nang makita sa gilid ng aking mata na palapit na siya sa akin.
"Kahit na. Hinintay mo pa rin dapat ako bilang ako ang may-ari ng bahay na 'to."
"Ah ganun?" Humarap ako sa kanya. Nakalimutan kong wala siyang pang-itaas kaya't tumambad sa akin ang kanyang katawan. Natataranta akong iniharang ang bitbit kong damit sa pagitan naming dalawa. "A-ano bang ginagawa mo? Magbihis ka na nga," iritado kong sabi. May balak ba siyang akitin ako?
Saka ko lamang ibinaba ang aking damit nang marinig ko ang halakhak niya papalayo. Nakahinga ako nang maluwag nang pumasok siya sa kwarto. Gosh! Sana ay hindi na maulit ito, ako ang nahihiya sa kanyang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow Update
RomanceCharlotte Hope a teenager who tried to escape her sorrowful fate found hope to a person who fulfilled everything she dreamed of not until everything has changed. Unknowingly that person is just the other part of his personality. Will she embrace the...