Simula

170 16 5
                                    

WARNING: You may encounter incorrect grammar, spelling, punctuation, capitalization, events, and so on. Regarding the errors in my writing, I deeply apologize. THANK YOU.

----

Simula...

Sa isang hindi kalakihang bahay at may kayang pamilya, masaya akong nabubuhay kasama ang pamilya ko. Wala akong ibang hinihiling kundi ang manatili kaming ganito at walang magbago.

Nagta-trabaho ang aking Ama bilang isang pulis at Accountant naman ang aking ina. Mapayapa kaming namumuhay at kahit kelan, hindi pa ako nakakaranas ng kahit anong gulo.

"Alam mo bang nandito na 'yung killer sa bayan natin?" Kwento ng kaibigan kong si Angel.

Nakaupo kaming dalawa sa ilalim ng puno ng mangga at dito naisipang magpahinga matapos ang klase. Kinagawian na naming tumambay muna dito bago kami umuwi.

"Killer? Ano'ng sinasabi mo?" taka kong tanong.

"Hindi mo ba s'ya nababalitaan? 'Wag mong sabihing hindi mo pa alam ang balitang ganito?"

"Uh..." Ngumiwi ako. "Hindi eh. Bakit? Ano ba'ng meron?"

Lumapit pa siya lalo sa akin. "Bali-balita na nandito na raw sa lugar natin 'yung killer. May natagpuan kasing dalawang bangkay dito sa atin. At ayon pa sa chismiss na nahagilap ko, pareho silang estudyante. At doon din sa school natin pumapasok."

Nagulat ako sa sinabi n'ya. "Talaga? Kelan pa nila nakita 'yung bangkay? Wala naman akong nababalitaan na ganyan dapat alam ko 'yan dahil sa school mismo natin sila nag-aaral."

"Ayun na nga. Ewan ko ba sa 'yo kung bakit lagi kang nahuhuli sa balita. Pero noong isang araw lang yata iyon nangyari at kahapon lang nakita 'yung dalawang bangkay."

Napa-isip ako. "Ang sabi mo ay killer? Paano mo naman nasabing killer nga ang gumawa? Baka naman may mga nakaaway lang sila kaya umabot sa gano'n."

"Hindi ko rin alam eh. Basta nakikichismiss lang ako. Sabi lang nila killer daw ang gumawa. At balita ko rin na babae iyon tapos parang estudyante lang din."

Nagcross-arm ako. "Sus. 'Wag kang maniwala sa mga chismiss. Kung may killer man dito, hindi rin siya magtatagal. Magaling na pulis ang tatay ko remember?"

Natawa s'ya sa sinabi ko. "Sabagay wala pa siyang krimen na hindi nalulutas. Swerte mo naman kay Tito."

"Talaga. Kaya umuwi na tayo dahil baka tayo ang sumunod na mamatay dahil mapapagalitan na tayo."

Tumawa kami pareho at tumayo.


NAGHAHANDA pa lamang ako ng hapunan nang dumating si Papa galing sa trabaho. Lumapit s'ya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Kumusta ang pag-aaral mo?"

"Ayos lang po. Kain na po tayo."

Sabay kaming umupo.

"Ang mama mo nasaan?"

"Nasa kwarto po may inaayos."

"Oh nandito ka na pala." Mula sa likod ko, lumabas si mama at umupo sa tabi ko. "Kumusta ka naman sa trabaho mo?"

"Ayos lang. Alam ko na kung sino ang may pakana ng lahat ng ito ang kailangan ko nalang ay sapat na ebidensya."

"Mag-iingat ka dahil malaking tao ang binabangga nyo."

Tahimik lang akong kumakain habang nag-uusap sila kaso bigla kong naalala 'yung sinabi sa akin ni Angel kanina.

"Ah... Pa. Itatanong ko lang po sana kung totoo bang may killer dito sa lugar natin."

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon