“Joanna, may naghahanap sayo.” Tawag sa kanya ng kanyang mama.
Dali-dali siyang bumaba. Doon ay nakita niya si Tramiere. May kasamang lalaki na nakasalami. Sa palagay niya ay nasa edad na 29. “Tramiere. Bakit ka nandito?”
“Joanna. Meet my manager in modeling, Carlo.” Nakipagkamayan siya dito. Ngumiti.
“She’s beautiful.” Sabi ni Carlo kay Tramiere. Napanganga na lamang si Joanna sa narinig. Tumango naman si Tramiere.
“Sabi ko sayo di ba. I’ve seen her pictures. She’s a model dati. Right?” Tanong sa kanyan ni Tramiere.
Maitatanggi pa ba niya kung nakita na dati ang kanyang picture? “Yes, Sir.”
“Well, ngayong nakita na kita. By any chance, gusto mo bang maging model?”
“Po?” Gulantang niyang tanong.
Saglit napatawa ito. “Model. Kasama mo si Tramiere.”
“I don’t know. Sa ngayon po kasi, pag-aaral muna ang gusto kong gawin.”
“Oh! I see. Then, here.” May iniabot itong calling card. Naroon ang pangalan ng kumpanya nito pati din ang pangalan ng manager. “Call me or contact Tramiere kapag nagbago ang isip mo.”
Iyon lang at aalis na sana ang mga ito. Pero nagpaiwan muna si Tramiere. Tatlong araw na ang lumipas nang umalis si Ken. Sa tuwing maaalala niya ito ay nag-iibang tanaw ang kanyang isip at pakiramdam. Pakiramdam niya ay nakirot ang kanyang damdamin kapag si Ken ang pinag-uusapan at naaalala.
Niyaya ng kanyang mama na sa kanila na magtanghalian si Tramiere para makakwentuhan ito. Hindi naman nagbabago si Joanna. Bumalik na nga siya sa dati. Babaeng-babae na. Nagkwentuhan sila at tawanan. Isang beses na nabanggit ng kanyang magulang si Ken ay tumayo siya at hindi na ipinagpatuloy ang pagkain.
NAMAMALENGKE siya mag-isa para sa new year. Nang isang matandang babae ang tumawag sa kanyang pangalan. Napalingon siya. Matandang babae na nakaupo sa isang tabi at maamos ito. Sa palagay niya ay nasa edad na 70 pataas. Lumapit siya dito ng sobrang nagtataka.
“Ano po iyon? Bakit niyo po ako kilala?”
“Hija, may nakikita ako sa iyo. May nararamdaman din.”
Naguluhan siya kaya lumapit pa siya dito. Para kasing nagiging interesado siya. “Huhulaan kita. Nakikita ko ang nararamdaman mo.” Kinuha nito ang kanyang kamay. Hindi naman siya maarte kaya kahit madumi at maamos ang matanda ay hinayaan nitong hawakan siya. “Maganda ang kinabukasan mo, pero, nangungulila ka.”
“Po? Pero buo naman ang pamilya ko ho.”
“Hindi. Sa isang tao na pinakamahalaga para sayo. Isang lalaki. Lagi kang tumatamlay at nasasaktan kapag siya ang naaalala mo. Sa ngayon, malungkot ka. Dati kitang nakita dito na may kasamang lalaki. Maputi ito.”
Naalala niya si Ken. Si ken lamang ang lalaking isinama niya sa palengke. “Nakikita ko sa iyong mga mata na nasa ilalim ka ng kalungkutan. Pero isa pang nakikita ko, malaki. Maraming tao ang hahanga sa iyo. Ngunit ang damdamin mo, hindi mo pa malinaw. Araw-araw mo siyang naiisip at hinahanap. Pero hindi pa din malinaw para sa iyo.”
BINABASA MO ANG
One week of Courtship
Fanfictionwala akong maisip na description.. basta tungkol sa Model love story to.. un na un.. basahin niyo nalang.. tapos comment niyo magandang description..