CHAPTER 52

192 8 6
                                    





"Bakit ka umalis agad kagabi?"




Tanong saakin ni Ivan habang patuloy ko inaayos ang mga bulaklak dito sa flower shop ko sa Nueva Ecija! May deliver kasi kami bukas para sa debut! Ang daming in-order na bulaklak!





"Sinabi ko na sa 'yo ang rason 'di ba? Sumama ang pakiramdam ko!" Napabuntog hinga naman ako.





Bigla niyang kinuha ang kamay ko, "sinungaling! Basa kamay mo,oh! Bakit nga?"






Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at iniwan 'yung bulaklak na inaayos ko bago ako tumaas. Sinundan niya naman ako.






"Angelica!" Ivan called me.





"Ano ba 'yon? Busy ako, Ivan!" Inis kung tugon sa kanya bago ako na upo roon sa upuan ko at binuksan ang laptop ko. "Marami akong gagawin!"





"Bakit ka nga umalis kagabi? May nangyari ba?" Tanong niya saakin bago yumuko para makita ang mukha ko pero nag iwas ako ng tingin. "Angelica.."





"W-walang nangyari, Ivan!" I said before sighing.





"Talaga?" Hinuli niya ulit ang mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin at hinawi ko ang mukha niya para makita ko ang laptop ko.







"O-oo nga. Bakit ka ba andito?" Kunot noong tanong ko.






"Hindi mo sinasagot mga text at tawag ko sa 'yo!" Na upo siya roon sa harapan ng table ko. "Tapos hindi mo pa tinapos 'yung concert ko kagabi kaya nagalala ako. Akala ko may nagawa akong mali!"






Wala pero 'yung mga supporters mo meron! Napa irap naman ako at binuksan ko ang gmail account ko. Ang daming bagong email saakin pero tinatamad akong buksan 'yon at basahin! Ngayon na ni-release 'yung photoshoot collaboration namin with the models of Diamond Agency.






"Galit ka ba saakin?" Ivan asked, softly.





Hindi ko siya sinagot at mas lalong hindi ko siya nilingon. Nagkunwari akong busy sa pagtytype dito kahit wala naman talaga akong tinytype hanggang sa kuhanin niya sa kamay ko ang laptop ko.





"Ivan, ang epal mo!" Reklamo ko.




"Ano bang problema? Sabihin mo naman saakin, oh!" Taas kilay niyang ani. "Bakit ka umalis kagabi?"





Napa pikit naman ako dahil sa inis. Sumasakit ang ulo ko sakanya! Nakakainis. Pa ulit ulit! Badtrip na lalaking 'to. Kung hindi lang ako mabait ay baka kanina ko pa siya pinalayas dito sa shop na 'to.





"M-masakit ulo ni Minjae kaya sinamahan ko siya umuwi!" Pagsisinungaling ko bago kinuha sa kanya ang laptop ko.





Kitang kita ko kung paano nag dilim ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Ayaw ko naman sabihin sa kanya 'yung totoo baka isipin niyang nagseselos ako. Hindi naman ako nagseselos! Tsk! Bakit ako magseselos? Maganda rin naman ako, ah.





At isa pa, mas gusto ko na siya mismo ang mag sabi saakin na hindi SILA ni Aaliyah. Sana nga talaga ay sabihin niya ang totoo ni hindi na nga ako naniniwala sa mga sinasabi niya!





"Kayo ba?" Seryosong tanong niya habang ang paningin ay nasa baba.




"Nasagot ko na 'yang tanong na 'yan, Jidaro!" I massage my head.





Since We Met That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon