Help! My Crush is a Demon Prince.

695 16 10
                                    

Sa sobrang pagkataranta ni Mikaela dala ng kanyang labis na pagkapahiya ay dali-dali siyang kumaripas ng takbo paakyat sa taas. Humihingal pa siya nang mapasandal sa pintuan ng kanyang kwarto.

 

Napahawak siya sa kanyang dibdib, kumakabog iyon. Bakit ba naman kasi bigla nalang sumulpot si EX sa bahay nila? Napakagat-labi siya nang maalala ang mga pinagsasabi niya. Lahat iyon narinig ni EX? Nakakahiya. Nakakahiya pero…pero nakakakilig. Nakakakilig isipin na lahat ng sinabi niya narinig ni EX. At mas lalong nakakakilig kasi…kasi nakita niyang tumawa ito. Hindi siya nagalit…natawa siya.

 

Could that mean na…na…

 

“Mika!” narinig niyang tawag ng kanyang mommy Marites mula sa baba. “Bumaba ka na, magdi-dinner na tayo.”

Dahan-dahan, nakikiramdam na sumilip sa hagdanan si Mikaela.

 

“Mommy?”

 

“Ha?” sagot ng mommy niya sa nakasilip na dalaga.

 

“Nandiyan pa siya?” tanong ni Mikaela. Bago pa man makasagot ang mommy niya ay bumukas na ang pinto ng kanilang CR at mula roon ay lumabas ang lalaking hinahanap ni Mikaela.

 

Bahagya pang nagulat ang lalaki pagkatapos ay nangiti nang masilayan ang mukha ng dalagang nakasilip sa may hagdan. Kaagad na kumaripas ng takbo ulit si Mikaela paakyat.

 

Hindi niya malaman ang gagawin. Paano siya haharap kay EX niyan?

 

Narinig niyang may umaakyat sa hagdan. Nagmadali siyang pumasok ng kanyang kwarto.

“Mitayla – ”

 

“Awwwww!” hindi siya makakilos, nakakapit ang kamay niya sa doorknob ng kanyang kwarto.

 

“B-bakit?” tanong niya. Hindi niya makuhang lingunin ang lalaki.

 

“Binibiro lang kita kanina…”

 

“Ha?”

 

“Wala akong narinig…”

 

“Totoo? Wala talaga?” Unti-unti siyang pumihit paharap sa lalaki. Nakita niyang tumango ito pero napakalawak ng ngiti nito kaya alam niyang nagsisinungaling ito at mukhang tuwang-tuwa ito sa ginagawang pangloloko sa kanya.

 

“Wala talaga…halika na sa baba. Tawag ka na ng mommy mo.”

 

“Bakit?”

 

Help! My Crush is a Demon Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon