Love-Nat by EllieDealights...

2K 18 5
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan


 

Minsan iniisip ko, ano kaya ginagawa ko habang nagpapasabog ang Dios ng talento sa mundo?? Kasi, bukod sa pag-kaen ng marami ng hindi tumataba, at ang matinding talent ko sa pangongopya tuwing exams at bukod sa pagiging saksakan ng tamad, wala na kong iba pang naging talent kundi ang mag-luto. haha. Yeah, hindi ko naman ipinagmamayabang na masarap akong magluto ng adobo, tinola at sinigang. At naku, higit sa lahat ang pamatay kong Spaghetti na lasang Italian. Hindi, hindi ko yan pinagmamayabang, lalo pa at hindi ako laking probinsya. Laking maynila talaga kasi ako. Manila-girl kung baga.

 

Sa totoo lang, nahawa lang naman ako sa hilig ni Pepita sa pagluluto. She was the one who introduced me to cooking. Siya yung kababata namin ni Darren, na kasa-kasama pa nga naming naglalaro sa talyer nung mga bata pa kami. Kaso nga lang pag tungtong namin ng highschool ee lumipad na siya papuntang Canada. Mahilig yun mag-bake ng cookies, cake at cupcakes. Mejo hinawaan lang niya ko sa hobby niyang ito.

 

At ngayon, salamat sa impluwensya niyang yun at naisipan kong gawan ng cupcake si Sef. I don’t want to know what inspired me. Para kong tangang naka-ngiti habang nagluluto. Bawat dagdag ng asukal, bawat halo ng gatas… I was imagining what a certain Miguel Josef Uy Monteverde would look like kapag natikman na niya ang mga cupcake na ito. Haha. Nae-excite tuloy akong ibigay sakanya. Magustuhan kaya niya??

 

Aaminin ko, first time kong gumawa ng cupcakes para sa iba. Madalas kasing customer ko ee itong mga kapatid ko at sila Mama’t Papa, isama na din natin sila Manong Domeng at Kuya Rolly yung mga mekaniko sa talyer. Haha. Actually, kasama ko pa nga sila Mama at Em-em nung niluluto ko ang mga ito kaninang umaga. Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at naisipan kong gumawa ng cupcake. Pati nga sila Japo at Borge present nun, kasi nga pinipilit nila kong pumunta sa linshak na Christmas Party na ito. Ee parang lagi naman akong WALANG choice kapag sila Borge na ang namimilit. Ang galing nga nila ee, hindi ko alam kung papano nila napapayag si Papa na pasamahin ako ngayon. Haiii… ibang klase talaga ang mga tropa kong ito. IMBA.

 

Tapos ngayon, ANO?? Mag-isa akong kumakain dito at mag-isa akong pumaparty. Isinama lang din pala nila ako dito para IWAN!! Mga animales talaga… okay na sana ee, solo ko na nga din dapat si Sef, kaso bigla naman siyang hinatak nung mga babaeng yun. Nakaka second round na nga ako sa pagkaen ee, hindi pa naman ako sanay ng kumakain mag-isa.

“Merry Christmas SEF!” Narinig kong bati nung babae. Nakatayo kasi sila sa may harapan ko. Biglang hinablot nung babae si Sef sa balikat, pulling him to lean down at her para maka-kiss siya sa pisngi ni Sef.

 

Para kong tangang nanunuod lang sa kanila… my eyes were fixed on Sef alone. He was smiling habang tinatanggap ang mga regalo na inaabot sakanya nung mga babae. Ngingiti din kaya siya kapag binigay ko yung regalo ko sakanya?? Napalunok ako. Parang bigla akong nanlamig… oh sheet Ellie, wag mong sabihing KINAKABAHAN KA??? Punyeta, wala sa lahi natin ang duwag!! Dios mio, iaabot mo lang naman yang cupcake oh. May mas hihirap pa ba dun??

 

Nakatayo lang ako dun, para kong nakapila… waiting for my turn to give my gift for him… kaso lang wala talagang chance, sobrang nagkakagulo na yung mga babae. One gift after the other tapos may bonus pang kiss sa cheek ni Sef. Nakangiti lang si Sef, as if he was pleased with the fact na napapalibutan siya ng mga babae. Nag-eenjoy ang loko!! Napansin kong mga kutis artista yung mga babaeng nakapalibot sa kanya. Yung mga girls na tipong kayang makipag sabayan sa isang kagaya niya. Mga girls na hindi makakaalis ng bahay hanggat walang nakalagay na make-up sa muka nila. Haha. Tinitignan ko palang yung mga suot-suot nilang mga heels parang nasasaktan na ako ee.

Love-Nat by EllieDealights...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon