Chapter 4

9 0 0
                                    

Chapter 4


Habang naglalakad ako palabas ng library ay nakahawak ako sa pasimano ng mga dinadaanan ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko parang any moment babagsak na lang ako sa kinalalagayan ko. Napansin ko na nakatitig sa akin ang librarian na may halong pagtataka sa mukha siguro dahil sa paraan ng paglalakad ko. Nginitian ko na lang siya at ginawa ang lahat ng makakaya para lumakad ng normal.

 Sobrang nahihiya ako sa nangyari.Hindi ko inaasahan na siya 'yon.Never na sumagi sa isip ko na magiging siya iyon.

Huminto ako sa labas ng library at kinalma ko ang sarili ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero umiba ako ng daan, sa likod ng library ako dumaan kahit alam kong medyo mahabang lakaran ang mangyayari. Mas maayos na sa iba ako dumaan kaysa doon ako pumunta sa lugar na alam kong nandoon siya.

Pero teka...Nakalimutan kong hanapin ang tunay na pakay ko sa library. Katanga-tanga mo naman Amelie. Wala na akong magagawa baka kumopya na lang ako kay Mayel bukas.

"Oh ateng saan ka ba nagsususuot ha? Katagal mong wala kanina pa kita hinahanap" may bakas ng pagkairita sa mukha niya,kala mo namang kinaganda niya. 

"Sa library humanap ng book na accurate sa assignment natin"sabi ko

"Nasaan na yung librong sinasabi mo ngayon?" sabi naman niya na may halong pagtataka pero nakangiti naman

"HOY BAKIT KA NAMUMULA DIYAN?" ha? namumula? 

"Ano bang namumula sinasabi mo diyan?" bigla akong kinabahan sa tanong niya,nahihiya na ako baka may malaman siya.

"Aba teka maupo ka nga,nakakaamoy ako ng something fishy sayong babae ka" mabilis manghinala 'to. Kaya ngayon palang kinakabahan na talaga ako,pinagpapawisan na ako ng malagkit.Kadiri. 

"Ano ba kasi,diretsuhin mo nga ako" okay, Amelie stay calm,wag magpahalatang kinakabahan ka. Inhale,exhale.Kaya mo 'yan. Makakalagpas ka sa mga panghihinala niya.

"Bakit ka namula noong tinanong kita about sa book" her face was embossed in curiosity. "Kasi mainit?" nag-aalangan na sabi ko sa kanya

"Wag mo kong mashorlak-shorlak diyan,alam kong may nangyari" hindi talaga siya titigil hangga't hindi siya nakakasagap ng chismis mula sa akin.Kilala niya na ako dahil halos dalawang taon mahigit na kami magkaibigan.

 "Okay sasabihin ko na.."nakatitig ako ng matagal sa kanya. I cannot composed myself. Kinakabahan ako,once na makapagsalita ako ng hindi tama ay maaaring makatanggap ako ng pang-aasar.

"Dali na, katagal naman. Pa-intense pa" sabi naman niya habang inaalog pa ang braso ko ng bahagya. "Teka lang naman kasi, walangya ka"

"Umalis ako at pumuntang library. Hinanap ko yung libro na related sa assignment natin for tomorrow and sadly the librarian said that the book I was looking for was borrowed by a Grade 9 student. Happy?" lintaya ko sa kanya totoo naman mga sinabi ko at sinadya ko na hindi sabihin ang ibang details,ingat-ingat lang din

"Is that all?" it was obvious in her face that she was not satisfied with what I said.

 "Yes, yon lang 'yon. Huwag mo kong titigan ng ganyan at wala na akong sasabihin" sabay talikod ko sa kanya and sa moment na 'yon I couldn't hide my smile for what happened earlier.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumili ng malakas at niyugyog na lang basta ang balikat ko.

 "WHAT?!" inis na baling ko sa kaniya dahil alam naming parehas na masakit sa tenga ang sigaw niya.

"I knew it Amelie! I knew it, something happened right? Don't you try to deny it. I saw your smile when you turned yout back at me!" sabi niya habang wala pa ring humpay ang pagtalon-talon niya. "Nothing happened okay? You are just assuming things!"

One Last Song (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon