"Wake-up baby girl." Isang bulong ang narinig ko sa aking tenga."Hmmmmmm.." Ito lang ang nasabi ko habang nakapikit pa rin ang aking mga mata.
"Don't moan like that honey, or else I'm going to take you again." Bulong nito muli sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at nasilayan ko ang napaka-gwapong mukha ng aking mahal.
"I'm tired Top. Pinagod mo ako kagabi eh." Reklamo ko dito habang nakangiti sa kanya. Ilang ulit namin pinagsaluhan ang gabi ni Top. Kahit sa banyo, sa mini theater, sa kusina at sa kwarto ay hindi nito pinalampas. Walang sawa ako nitong inangkin ng paulit-ulit kagabi.
"I'm sorry for waking you up honey, but it's already late. You need to eat your breakfast." Saad nito sabay halik sa akin sa noo.
Bumangon na ako sa paghiga habang nakatakip lang ang kumot sa aking kahubaran. Naamoy ko ang masarap na luto nito. Nang makita ko ito ay napalunok ako ng laway sa inihandang almusal sa akin ni Top.
Sliced cheese and meat sandwich, hotdog and scrambled eggs, and pineapple juice ang nasa harapan ko ngayon. Sobrang nakakatakam talaga.
"Salamat mahal ko." Nagulat naman ito sa sinabi ko.
"Mahal mo na talaga ako?" Tanong nito habang napapangiti.
"Buong gabi mo ako inangkin, hindi pa ba sapat para malaman ko kung gaano kita kamahal?" Napapangiti kong sagot dito.
Siniil naman ako nito ng halik sa labi.
"Ano ka ba Top wala pa akong mumog!" Singhal ko dito habang napapangiti pa rin.
"I don't care. I still love your smell." Sagot naman nito sa akin. Hinalikan ako nito muli sa labi. Hindi ko namalayan na nakapisil na pala ang isang palad nito sa aking dibdib.
"Hmmmmmmm.. Hey, nakakarami ka na." Kurot ko sa tagiliran nito. Napatawa naman ito ng nakakaloko
"Alright eat na or I'm gonna eut you." Saad nito sa akin. Inirapan ko naman ito na kunwari ay galit.
Tumikim ako sa niluto nito at sobrang na-enjoy ko talaga ang almusal. Sinubuan ko naman ito at sabay namin pinagsaluhan ang masarap na pagkain.
MATAPOS ang masayang almusal ay napagdesisyunan namin ni Top na mamingwit ng isda sa dagat.
Masaya itong pinagmamasdan ko dahil ilang beses nang nakakahuli ng isda habang ako ay ni isang isda ay wala pang nahuhuli.
"Ang daya! Bat kanina ka pa nakakahuli diyan samantalang ako ay wala pa." Inis na turan ko dito.
"Patience is a virtue Via." Saad nito habang biglang gumalaw ulit ang pamingwit nito na indikasyon na may nahuli na naman ang binata.
"Bakit walang kumakagat sa pamingwit ko Top?" Inis na tanong ko dito. Nakakainggit talaga eh. Ang galing mamingwit nito. Hindi nakakapagtaka pati puso ko ay nabingwit niya. Agree?
Bigla naman akong nagulat ng biglang may humila sa aking pamingwit. Sa wakas!
"Top look oh! May nahuli na ako." Tawag lo dito sa kanya. I'm so proud of myself! Hahaha.
"Iikot mo ang tali para mahila mo." Utos nito sa akin na agad ko namang ginawa. Pero nahirapan ako ng biglang nagpumiglas ito. Muntik pa ako mahulog sa lakas nito. Buti na lang ay bigla akong nahawakan ni Top sa bewang.
Sa lakas nito tiyak na isang malaking isda ang aking nahuli. Tinulungan na ako ni Top na hilain ang pamingwit. Todo ang ginawa naming paghila dito dahil napakalakas ng isda.
Laking gulat namin ng makalapit na ito sa yate.
"Nyemas! Anak ng pating!" Bigla kong nasambit ng mapagtanto namin na ang nahuli ko ay isang pating.
BINABASA MO ANG
Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)
RomanceA story of Vianca who badly needed a work to support her family financially and ended into accepting an offer that changes her life. She ought to babysit Top Ricks - her bipolar billionaire señorito. Can she control herself not to fall in love with...