Ch. 01

15 2 11
                                    

Her POV (Sharlene)

Para bang... May pader na nakahadlang samin ni Don tuwing sa kasama namin si Belle. Ay hinde, kahit kasama pa namin si Belle o hindi para bang may pader nakahadlang samin ni Don...

Simula ng naka hang out namin si Belle don nag simula yung pakiramdam ko na may para bang pader na nakahadlang samin ni Don..

Mahal niya.. Kaya si Belle? Well, why not? Maganda, maputi, matalino, at ang sexy pa ni Belle. So imposible naman di siya magkagusto don.. Pero.. Teka, pano kung... Mahal nga ni Don si Belle romantically tas mahal rin siya ni Belle romantically??

Ay nako! Nag o-over think ka lang! Wag mo na nga yan ispin Sharlene! Tska bat mo bayan natanong sa sarili mo ha?? SELOS ka SELOS??

Selos? Ha, HAHAHA. Ako? Syempre hinde! Naitanong ko lang naman, porket natanong ko lang, SELOS na AGAD??? Jusq naman 'tong sarili ko! Kaya ayaw kong kausap 'tong sarili ko eh! Kung ano pinag iisip at pinag sasabi!

"Uyyy, K kalang? Mukha kang galit.."

"Ah, ha?? Oo okay lang ako, hindi ako galit, hehe." Sagot ko

"Kausap mo na naman sarili mo noh?" Umupo siya sa upuan.

"Uhhh, oo..." napatingin ako sa baba.

"Ano nasa isip mo?" tanong nia at napabugtong hiniga nalang ako ng malalim at napasimangot ng slight.

"Daliiiiiiiiii, sabihin mo na, ready na 'ko makinig, Haha." He smiled.

Well, if he insist..

"Wait.. Gusto mo ba talagang.. Sabihin ko?"

" Oo " he grinned.

"Yung nasa isip ko is bakit hanggang ngayon wala ka paring jowa eh jowable na jowable ka naman." Sagot ko, tas biglang napatalsik sa uniform ko ang tubig niya na may halong laway.

"DONNY!!!" Sigaw ko! Nakakabwiset naman kasi eh! Kadiri!

"Sorry! Ikaw kase eh, yung sinabi mo. Natawa ako." Napangiti siya, "Alam mo namang umiinom ako ng tubig tas bigla kang mag sasabi ng ganyan." He added, Well fine. Edi kasanalan ko 'to.

"Wala pa naman akong pamalit rito sa uniform ko. Hayst."

"Edi labhan ko." Sagot niya

"Gago! Di yon ang ibig kong sabihin, kaya ko naman 'tong labhan eh hindi naman na 'ko bata." Humalukipkip ako ng braso, "Kailangan ko ng T-shirt o kahit ba na anong damit basta matanggal ko lang 'tong uniform na 'to." Dag dag ko.

"Ahhh, may T-shirt ako sa bag, kunin ko lang."

"Papahiramin mo 'ko ng t-shirt?" hagip ko sa pulso niya.

"Hindi ba obvious?" he raised his right brow.

"Wag na, wag mo na 'kong pahiramin. May laro ka mamaya diba? kakailangan mo ng pamalit na damit."

"Oo, pero.. Mas kakailangan mo yon kesa sa 'kin."

Huh? Ikaw kaya 'tong may mas kailangan non.

"Wag na nga, wag na kasi.." Awa ko sa kaniya.

"Suotin mo na 'tong t-shirt, mag palit ka na don sa cr." Abot niya ng t-shirt sa 'kin.

Hay nako, kulit mo.

"Oo na, salamat kulit."

"Heyyy, don't call me that." He frowned.

"Bagay sayo eh, " I chuckled and I heard him let out a annoying sigh. Lumabas na 'ko sa classroom namin at pumunta sa rest room, sana pag balik ko ron ay wala pa ang guro namin.

Sinuot ko na ang t-shirt na nilaan sa 'kin ni Don, at not bad naman siya. P'wede rin siyang pang babae. Kaso... Pano nayon, walang pamalit si Don? Hayst...

𝑲𝒏𝒐𝒄𝒌, 𝒌𝒏𝒐𝒄𝒌!

Mm? Bat may nakatok? Nalocked ko ba yung pinto???

𝑲𝒏𝒐𝒄𝒌, 𝒌𝒏𝒐𝒄𝒌, 𝒌𝒏𝒐𝒄𝒌!

Ayyyy hala, shet. Mukhang nalocked ko nga yung pinto, na 'ko sorry naman!!

"Eto na, saglit!" madali kong punta sa pintuan at binuksan ito.

"So.. Sorry, di ko napansin na nalocked ko pala."

"Damit bayan ni Donny???!"

Uhhh.... "Oo" sagot ko..

"Bat mo suot damit ni Don ha?! Mag jowa ba kayo??? May nangyari na ba sa in niyong dalawa??!" nanlaki mata niya.

Luh, gagi 'tong babaeng 'to ah! Mag jowa agad!!? Mga utak neto lagi jowa nasa isip! Tska ang matanong naman ng babae na 'to! Kala mo naman close kami, close tayo ha??! Di nga kita kilala jan makatanong ka ng ganyan sa 'kin.

"F.Y.I Hindi kami mag jowa ni Don! Mag kaibigan lang kami non. Tska kung makatanong ka kala mo close tayo. Ni-hindi nga kayo close ni Don, at for sure di ka niya kilala noh!"

"Ako?? Hindi niya kilala???! Oy, kilala ako non! Pano niya naman hindi niya ako makilala sa gandang kong 'to? Porket na kaibigan ka niya lang, makasabi ka na hindi niya ako kilala."

"Ha, Hahaha. Mag hanap ka ng makakausap mo." Sanggi ko sa kanya at tinuloy ang aking pag lalakad pabalik sa classrooom. Bat ba di maubos ubos ang mga babaeng tulad niya? Padagdag siya sa sakit ng ulo.

"Hi ate Sharlene, " kaway niya sa 'kin.

"O, Belle. Hi, tska wag mo na 'kong tawaging ate total mag kaibigan naman tayo at same rin tayo ng baitang."

"Haha, sige po." Ngiti niya, "Ah tska pala! Hinahanap ka ni Don Don."

Eh? Bakit naman??

"Bakit raw?" tanung ko

"Ang tagal niyo raw po bumalik sa classroom." Reply niya.

Ahhhh, gagi, dahil lang pala don. Okays.

"Ahh, sige. Pabalik narin naman ako sa classroom, lika sabay na tayo pumunta ron." Aya ko, at pumayag siya. Pag ka pasok ko sa classroom biglang sumalubong sa 'kin si Don.
"Uyyy, bat ang tagal mo? Nag make up, make up ka ba sa cr?"

Taina naman neto parang di ako kilala, hindi nga ako mahilig sa mga make up, make up nayan eh.

"Malamang hindi, wala nga akong sariling make up, at hindi ako nag me-make up! basta natagalan lang ako." Sagot ko, at bumalik na 'ko sa 'king upuan kasama si Belle.

"Good afternoon class, sorry I'm late." Bati ng aming guro sa science.

Ay wait, teka. 4:30 pm na! Bakit andito parin si Donny? Diba may laro sila tuwing gantong oras? Diba ba siya papagalitan ng coach niya?

"Psssst! Donny." Tawag ko.

"Hm? Ano?"

"Bat wala ka sa basketball court?" tanong ko.

"Uhhhh.... Uh.."

"Uh???"

"Tinatamad ako mag laro ngayon, wala ako sa mood." Sagot niya.

"Sigurado ka?"

"Oo naman." He smiled warmly.

Oo naman, sos, obvious na nagsisilungaling ka. Pero yan ang sabi mo eh...

Tayo NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon