Aria.Maaga akong gumising para magluto ng kakainin namin. Libre na nga ang pagtira ko dito kaya dapat ay ako na ang gumawa ng mga gawaing bahay. Sabi ni Ate Shina ay pupunta raw siya dito mamaya para kausapin ako.
Napahilamos ako sa mukha ko nang hindi ko alam kung paano gamitin ang mga gamit niya dito sa kusina kaya wala akong nagawa kung hindi tawagan si Ate Shina. Sana lang ay gising na siya dahil nakakahiya kapag ako pa ang gumising sakanya.
Ida-dial ko palang sana ang number ni Ate Shina nang makarinig ako ng yabag ng paa na pababa kaya napatingin ako sa hagdan at doon ko nakita si Keirra na nakasuot ng silk robe na may nakaburdang pangalan niya. She looks hot in the morning kaya umiwas na ako ng tingin.
"You're up early." Sabi niya. I cleared my throat and awkwardly smiled at her.
"P-Pwede paturo kung paano ito gamitin? I-Ipagluluto sana kita ng pagkain." Alanganing ngiti ko kaya kumunot ang noo niya.
"Search it. I'm too lazy in the morning to do anything." Napairap ako dahil sa sagot niya kaya inilabas ang phone ko.
"Pwede ba mag-search dito?" Tanong ko at ipinakita ang phone ko sakanya at mukhang natauhan naman siya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang tumayo at ituro sa akin kung paano gamitin ang mga gamit niya sa kusina.
I'm amazed with the things in her kitchen. Para sa isang tulad ko na mahilig magluto ay talagang kasiyahan ko ang mga simpleng bagay na ito. Alam ko gamitin ang mga gamit pang-bake dahil may equipments sila sa orphanage pero ang modernong kagamitan niya na iba ay hindi ko alam.
"Ang cute mo pala kapag nage-explain." Natatawang sabi ko kaya tumingin siya sa akin. Nakatitig kasi ako sakanya habang ipinapaliwanag niya kung paano gamitin ang stove niya.
She leaned closer to me kaya napaatras ako at ngumiti siya sa akin.
"Listen to me, Rie." She chuckled and I mentally screamed dahil ang sexy ng pagkakasabi niya at pati ng pagtawa niya. Nanlalambot yata ako sa mga titig niya. Pati puso ko nagwawala na rin dahil sakanya.
Lord, alam ko pong isang maganda at irresistible and nilalang na kasama ko kaya gabayan niyo po ako dahil baka ma-fall ako sakanya. Marupok pa man din ako.
"You stay here and wait for my sister. I'll be home by eight in the evening so don't go anywhere. If you want to go out then call my sister." Bilin niya nang matapos kumain. Nakapagluto na ako at simple lang ang inihain ko para sakanya.
"Anong gusto mong ulam mamayang gabi?" Natigilan siya sa tanong ko kaya kumunot ang noo ko. May masama ba akong nasabi?
"You'll cook for me?" Tumango ako.
"Ayaw mo ba?" She shake her head and smiled at me kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ayan na naman ang epekto niya sa akin. Lahat ba ng ekspresyon ay bagay sakanya? Bakit parang ang unfair?
"I like it. Wait for me then and regarding sa ulam, surprise me." She smiled and winked at me kaya napanganga ako. Mabuti nalang at tumalikod na siya kaya hindi niya nakita ang pagnganga ko.
Napailing nalang ako at ang unang ginawa ko ay bumalik sa kwarto ko at naligo na. Ayoko namang harapin ang ate ni Keirra na mukhang ewan. Mabilis lang naman akong naligo at nagbihis ng damit pambahay dahil sabi ni Keirra ay dito lang kami.
Bumaba ako ulit at nadatnan ko naman na may nakapatong na envelope sa may lamesa kaya tinignan ko iyon at kumunot ang noo ko nang makitang may pera doon. Fifteen thousand pesos cash and a short note.
Buy some groceries with the money. Ikaw na ang bahala, I texted my sister to accompany you. See you later.
-Kei
BINABASA MO ANG
L SERIES Side Story #1: Her End Game
RomanceWARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.