I have never heard an advice as good as this. EVER.
This chapter may focus more on me ranting about myself.I just want to write this down so that if this may ever happen to you... well, you will have an idea on what's going on.
Mula noong nagkaroon ako ng published book, pakiramdam ko may nag-iba Mula noong naging literary editor ako sa college paper namin, nag-iba ang dating ko sa pagsusulat.
Noon, katulad ng nakararami dito, nagsusulat ako dahil gusto ko. Hindi dahil may deadline, hindi dahil may expectation. Nagsusulat ako dahil lang sa gusto ko. Masaya na ako na maisulat sa papel (o MS Word) ang mga scenes sa loob ng utak ko, masaya na akong mabigyang-buhay ang mga tao sa imahinasyon ko, at masaya na ako sa maliit na mundong nabubuo ko. I feel happy when I write.
Pero ngayon, writing stories has just become a burden... a work. I feel pressured. Pakiramdam ko kailangan na palaging maganda ang maisulat ko. Pakiramdam ko kapag pangit or cliche na ang sinusulat ko, kailangan ko itong burahin. I have to always write my best and THERE IS NOTHING WRONG WITH THAT. I think we always have to do our best in everything. But the way I handled it was wrong..
Kapag nagsisimula ako ng story or nagsusulat ng kung ano at may nakita akong mas maganda sa sinusulat ko, I stop. I will start to think that my work is rubbish and I am not good enough (Hell, I even think my works doesn't deserve to be published).
At hanggang may nakikita akong mas magaling or magandang gawa kaysa sa akin, I stop writing.
Hanggang sa dumaan na ang sobrang tagal na panahon na hindi na ako nagsusulat. Naisip ko pa nga na talikuran nalang ang pagsusulat para lang matapos na ang lahat ng ito.
Realization: There will always be someone better than me but that is not enough reason para tumigil ako sa pagsusulat. The only way to improve one's writing is to, well, WRITE. Write something. Just write. Keep on writing.
Everyone is improving everyday kaya tiyak na darating ang araw na may makikita tayong mas magaling. Kung hihinto tayo kapag nakita nating may mas magaling naman na magsulat sa atin, tayo lang din ang mawawalan.
Who cares if my published work na ako? Who cares if may naisulat ako na sobrang panget mula sa na-publish kong gawa? Who cares if may ganito nang klaseng story? Eh sa gusto kong magsulat ng ganoon. Eh sa gusto ko lang naman magsulat.
Basta nagsulat ako. At masaya na ako doon.
BE STUPID. Don't think of anything else when writing. Huwag nating hayaan na may maglagay ng limit sa imahinasyon natin. Sabihin nating hindi tinatanggap ang isang klaseng istorya sa publication pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na tayo pwede magsulat ng ganoon. Sabihin na nating imposibleng magyari ang ganito sa tunay na buhay pero sa pagsusulat, ang isinulat mong mundo ang tanging mundo na kailangang galawan ng mga tauhan mo.
In writing, it's just you and your story. Nothing else matters.
Sana matatak sa isip ko ang mga ito. I just want to stop caring about getting another published work.
I'll write. That's all I need to do and I hope I can remember it always.

BINABASA MO ANG
TARA, SULAT TAYO! (WRITING101)
AléatoireWriting guide/tutorial. Sana makatulong ako sayo. :)