Kabanata 24

63 1 1
                                    

Addicted

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Pero nang lumingon ako sa kanan ko ay nakita ko ang nurse ng school, agad kong nalaman na nasa clinic ako ng school. Dahan dahan akong umupo sa kama at magtatanong na sana sa nurse ng maramdaman ko ang paglapit sa akin ng isang tao'ng hindi ko inaasahang makita.

Edward.

"Are you okay? Anong nararamdaman mo? Nilalagnat ka-"

"Anong ginagawa mo dito?" Pigil ko sa mga tanong niya. Agad nagsalubong ang kanyang kilay. Nakita ko kaagad ang iritasyon sa kanyang mga mata.

"Ako ang nagdala sayo dito," he said darkly.

"Salamat," marahan kong tanong at nag-iwas ng tingin.

"Alam mong may lagnat ka. Bakit ka pa pumasok?" Ramdam ko ang inis sa kanyang tono. Malamig akong tumingin sa kanya.

"Nakakatawa naman..." umiling ako at bahagyang natawa. Naramdaman kong umalis ang nurse at lumabas. Hindi ko alam kung bakit. Bumaling ako sa kanya at ngumisi.

"You're not supposed to be here. I already said thank you sa pagdadala mo sa akin dito. Instead of asking me so many question...why don't you go back and stay beside Patricia?" Hindi ko gusto ang tono ko pero wala na yatang makakapigil sa galit na nararamdaman ko.

Galit para sa kanya at para sa sarili ko. Dumagdag pa ang nangyari kanina kung saan sinabihan ni Patricia na malandi ang mommy ko. Hindi ko yata matatanggap yun. At ano raw? She heard Edu? She heard Edward? Sinabi yun ni Edward?

"Nag-aalala ako Jezebel at ganyan ang sasabihin mo sa 'kin-"

"Tanggap kong nag-aalala ka pero kahit kailanman ay hindi kita binigyang karapatan na manghimasok sa buhay ko Edward," mariin kong sinabi na kinatahimik niya.

Tumungo siya at nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga.

"You never gave me a chance to prove myself to you Jez. All you did was to doubt me!" He said painfully. May kirot na dumaan sa aking puso pero pinigilan ko yun.

"Dapat lang na magduda ako sayo. Patricia said na malandi ang nanay ko and she heard it from you?" Nakita ko ang pagkakatigil niya sa sinabi ko.

"Sinabihan mong malandi ang nanay ko Edward?" Galit kong tanong. Tinitigan niya ako ng blankong ekspresyon. Isang ekspresyon na madalang kong makita sa kanyang mukha.

"I never said those things..." he said.

"Bakit sayo narinig ni Patricia ang ganoon sayo?" May pagdududa sa aking boses. Pagak siyang natawa.

"Kaya ba galit ka sa akin ngayon? Akala mo ay totoong sinabihan ko ng ganoon ang mommy mo?" He sounded mad. Natahimik ako.

"Hanggang kailan mo ako pagdududahan Jezebel? Hindi porke't nakilala mo ako bilang masamang tao ay ganoon na ako palagi! Give me the benefit of the doubt Jez!" Iritado niyang sinabi.

Nag-iwas ako ng tingin. Sa totoo lang ay nasasaktan ako. Hindi ko matanggap na narinig ko ang sinabi ni Patricia pero...ang totoo ay hindi ako agad naniwala. Inisip ko na imposible yun dahil sa kaunting panahon na nakilala ko si Edward ay hindi siya ganoong tao pero...naisip ko rin na hindi ko siya lubusang kilala.

Pero ngayong nakikita ko ang kanyang mga matang nasasaktan...nagsisisi ako. All he did was to be good to me but instead of giving him a good exchange...I gave him heartaches.

"Patricia heard me and Isacar talking to each other about...your family," he started. He sighed heavily.

"Naalala mo yung gabi kung saan mo ako unang nakita? It was that night when I heard your mom and dad talking...I heard how...your dad was fuming mad with your mom I was about to come near them to stop them but when I heard your mom spoke...I stopped,"

Napatitig ako sa kanya. Yung gabing hinalikan niya ako sa noo dahil sa isang dare ng kanyang kapatid? Naalala ko nga ang gabing yun. That night...mom was so pale and tired. May ganoon palang nangyari? Bakit hindi ko ito nakita?

"Your mom said na tatanggapin niya ang lahat...kung iyon ang kabayaran sa pagkakamali niyang nagmahal siya ng iba kahit na kasal na sila...ngunit isa lang daw ang hinihiling niya...yun ay ang...wag sabihin sayo ang katotohanan..."

Natigilan ako. Mas lalo yatang sumakit ang ulo ko sa kanyang mga sinasabi. Umiling ako dahil hindi ko yata kayang tanggapin lahat ng sinabi niya.

"Hindi yan totoo," mariin kong sinabi habang umiiling.

Si mommy? Nangabit? Kaya hinahayaan niyang saktan siya ni daddy dahil yun ang kabayaran? At para wag sabihin sa akin ang katotohanan?

Hindi yun totoo!

"It was the truth. Nabanggit ko ito kay Isacar at hindi namin alam na...nakikinig pala si Patricia-"

"Liar! Mom won't ever cheat! Hindi man niya minahal si daddy pero...mabuting babae siya! Alam niya ang bawal at..." kinagat ko ang aking pang-ibabang labi ng maramdaman ko ang unti-unting paglandas ng aking mga luha.

"Jez...I'm sorry-"

"Shut up! Get out of here!" I shouted so mad. Natigilan siya sa nakitang mga luha sa aking mga mata. Nanginig ako dahil sa pinaghalong sakit at dalamhati na nararamdaman.

Mom...won't ever...lie to me.

"Please...Jez...this time believe me," he almost begged. Nanginid ang luha sa aking mga mata.

Tama na...mukhang lahat ng pinangarap ko noon at inaasam ay unti-unting nawawasak. Hindi ako makapaniwala na kahit hindi siya magmakaawa...ay naniniwala ako sa kanya. Ngunit masakit sa akin na ang katotohanang sinasabi niya ay tungkol sa aking ina.

Sa aking ina...na matagal kong...pinangarap na iligtas sa kamay ng aking ama. The mother I pitied and at the same time I loved her dearly. She was my reason why I want to destroy daddy...pero malalaman ko palang...ang lahat ng ito ay may dahilan?

Dad cheated but mom cheated first. Mom never loved my dad...but dad loved her so bad. Mom...was stucked with my dad...because she has no choice because...

Naalala ko ang sinabi niya about power. Power is the most important thing in this word in order to survive. She wants me to have that power that's why she chooses to stay and choose my father over her other man or the man she loved.

Lalong tumulo ang mga luha ko.

"Jez..."

"Please Edward...for once...leave me alone," I sobbed and cried so hard. Halos mawalan ako ng hininga dahil sa malakas na paghagulhol. Akala ko ay umalis na si Edward ngunit nagkamali ako. Naramdaman ko ang kanyang mainit na yakap sa akin.

He put my head over his chest and let me cried on his shirt. Wala siyang pakielam kung mabasa ito ng luha ko. Hindi ko alam kung bakit imbes na ipagtulakan siya ay mahigpit kong kinapitan ang braso niya para doon kumapit dahil sa panghihina.

He encircled his arms around me while I am between him, crying all the pain that my parents inflicted within me.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa yakap niya. Sa wakas...naramdaman kong hindi ako nag-iisa.

"Kahit ipagtabuyan mo pa ako...hinding hindi ako aalis sa tabi mo," he whispered and brushed my hair with his hands. His caressed soothed me. His words soothed me.

"W-Why are you so stubborn?" Medyo nanginginig pa ang boses ko. Umalis ako sa kanyang yakap at humarap sa kanya. Dahan dahan niyang pinunasan ang aking pisngi na puno ng luha gamit ang kanyang dalawang hinlalaki. He stared at my eyes that gives shiver down my spine.

"Dahil gusto kita. Gustong gusto kita Jez. I have never like someone this way before until you came," he whispered.

Tears formed in my eyes. Here is the guy who confessed in front of me. The guy who has so many girls. Girls are running after him but he choose to be here in front of me...dealing with a girl who's difficult to be with...and hard to understand.

"Bakit ako? Palagi kitang nasasaktan Edward," nanginig ang boses ko. Malungkot siyang ngumiti at tinitigang maigi ang mga mata ko. Ang paraan ng kanyang pagkakatitig ay parang nangungusap na pakinggan at paniwalaan siya.

"Because I am addicted..." he trailed off and gently touched my chin.

"...with the pain...as long as if it's you,"

Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon