3| Escape

4 1 0
                                    


"Oh? Anong tinitingin tingin mo jan?" Inis na tanong ni Thea sa kanyang katabi na si Kenneth.

Hindi sumagot si Kenneth at napa buntong hininga lang ito dahil sa inis at tumingin sa kabilang direksyon.

Tinakpan naman ni Thea ang kanyang notes. "Nangongopya ka ano?!"

Napa taas ang dalawang kilay ni Kenneth at kumirap pa. "Ako? Nangongopya?! Aba baka ikaw pa mangopya sakin."

Umirap si Thea at umurong ng kaunti sa kabila. "Copy cat."

Kumunot noo si Kenneth at kinuha nya ang kanyang test paper upang ipakita kay Thea. "Stupid, kanina pa ako tapos. Ayan oh, perfect score!"

Mabagal naman na napatango si Thea at pumikit dahil sa hiya. "You're still copying me."

"Okay class! You guys are now dismissed." Maligayang anunsyo ni Ms. Ignacio sa kanyang mga estudyante.

"Yes!" Mahinang sigaw ni Ian at kinuha ang kanyang bag upang subukang tumakas ngunit hindi ito naituloy.

"And where do you think you're going, Mr. Alcantara?" Napa taas ang kanang kilay ni Ms. Ignacio habang naka pagkrus ang kanyang mga kamay.

Kumamot nalang ng ulo si Ian at inis na lumakad pabalik sa kanyang upuan. Napa padyak ito at ipinanood nalang nya ang kanyang mga ibang kaklase sa pag alis ng classroom. "Ms, wala naman akong ginawa kanina eh! Sila Kenneth lang yung-"

"Don't even think of escaping anymore, Ian. Sama sama at damay damay na tayo dito." Malamig na tugon ni Kenneth na naka diretsyo lang ang tingin habang naka pagkrus.

Tumayo naman si Thea at tsaka pumadyak. "Kasalanan nyo to ng demonyita mong kapatid at yung mga kaibigan nya eh!"

"Enough! Mr. Ocampo and Mr. Alcantara, lagi nalang ito nangyayari sainyo. Hindi na ba kayo nag sasawa?! Hindi na kayo natututo?" Striktong sabi ni Ms. Ignacio habang naka tingin sa tatlo.

"Sinubukan na nga naming umiwas kanina eh." Bulong ni Ian sa kanyang sarili.

Lumipat ang tingin ni Ms. Ignacio kay Thea. "At ikaw naman Ms. Castillo. I'm so disappointed in you. Second day mo palang dito pero nasasali ka na kaagad sa mga away?!"

Ulit na kumamot ng ulo si Thea sa inis at pumadyak nanaman. "Ms. Ignacio! Ako yung victim, dalawa kami ni Yanna. Bigla bigla nalang sumusugod yung Crystals kaya-"

"Enough with all the explanations! Lahat kayo ay may mali kung kaya't susundin nyo ang rules at may punishments kayo." Pag puputol ng kanilang professor kay Thea sa kanyang sasabihin.

"As I said this morning, you all will head to my office and find out about your punishment. No exceptions." Dagdag pa nito.

Napa buntong hininga ang tatlo at pilit nalang itong sinundan si Ms. Ignacio sa kanyang office at palihim pa ang mga itong may sinasabi.

Pag kapasok na pag kapasok nila ay nakita nila agad ang kanilang mga kaibigan at kaaway na nakatayo sa harap ng desk ni Ms. Ignacio. Walang ganang nag lakad ang tatlo palapit sakanila.

Tumingin sakanila si Janine, Yanna, Kyle, ang mag kaklaseng si Daryll at Dwight, mag kaklaseng Baste at Jericho, pati na din ang mga myembro ng Crystals.

"Uy! Welcome back!" Magalak na sabi ni Baste at kumaway kaway pa ito.

Binatukan naman ni Daryll ang katabing si Baste. "T*ngina mo, madadamay pa kami sa kalokohan mo."

Ibinaba ni Ms. Ignacio ang kanyang mga kamay sa kanyang desk at tinignan isa-isa ang mga estudyante sa kanyang harapan. "You all know why you're all here, right?"

Unexpectedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon