Clara (Binibini Series #1)

61 12 3
                                    


"Uy, Tara! Laro tayo ng I'll pass this phone challenge, yung sikat sa tiktok" yaya sa'min ni Alysa dahil kakatapos lang namin maglaro ng video game sa TV nila. Lahat ng mga kaibigan ko ay excited na sumali sa 'I'll pass this phone' challenge na yan, mukhang ako lang ata ang ayaw sa laro na yan.

Pito kaming magkakaibigan. Si Alysa, Lucho, Elysha, Martha, Sid, at Calvin. Lahat sila ay nasa mesa na habang nakatingin sa'kin. Wala akong choice kundi sumali na sa kanila kasi ang KJ ko naman tingnan. Aminado akong KJ ako sa lahat ng inuman, galaan, at pati sa laro. Siguro ay hindi ako nakakahanap ng fun sa mga ganun.

Tumabi ako kay Calvin at nanlaki ang mata ko dahil agad niya kong inakbayan matapos kong tumabi sa kanya. Magkaibigan naman kami at alam kong walang malisya ito sa kanya, kaso iba ako. May feelings ako kay Calvin since the day I became his friend, hindi naman ako makikihalubilo sa mga kaibigan niya kundi hindi rin dahil sa kanya. Childhood bestfriend kung maituturing kami ni Calvin pero sa loob ng mahabang panahon ay higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko sa kanya.

Napalunok na lang ako pagkatapos ay umaktong hindi naapektuhan sa kanya. Unang nagsimula si Alysa dahil siya naman ang nagyaya na maglaro kami nito. Ilang sandali siyang nag isip bago niya binuksan ang cellphone at vinideohan ang sarili niya.

"I'll pass this phone to someone na.. Mas torpe pa sa torpe" sabi niya bago pinause ang video. Lahat sila ay tumawa habang ako ay nakawang ang bibig dahil inabot ni Alysa ang cellphone niya sa katabi ko, kay Calvin. Pinapanood ko siyang kunin ang cellphone ni Alysa habang natatawa rin dulot ng mga tawanan sa paligid namin.

Hindi ko alam na torpe pala siya at wala rin akong idea kung sino yun kahit magkaibigan kami. Hindi kaya...

"Okay, I'll pass this phone to someone.. Na naging crush ko nung highschool"

Maling-mali na nag-akala ko na.. Pinasa ni Calvin ang cellphone kay Elysha. Lahat sila ay tinutukso ang dalawa, pinipilit kong makisabay sa kanila sa simpleng ngiti na alam kong pilit lang yun.

"Pero wala na ah.. Wag kayong ano d'yan" depensa niya sa sarili niya pero hindi pa rin tumigil sina Alysa na tuksuhin ang dalawa. Natahimik na ang lahat nang si Elysha na ang magsasalita.

She cleared her throat first, "I'll pass this phone to someone.. Na crush si Clara since the day na nakita niya ito" napa-angat ang tingin ko kay Elysha dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ko pero mas nabigla ako nung binigyan niya cellphone sa katabi ko, hindi si Calvin kundi si Sid, ang bloc mate ko nung college.

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya habang naka awang ang labi ko sa gulat. Sa buong akala ko kasi si Elysha ang gusto nito, bakit naging ako na? Lagi ko siyang tinatanong kung sino ba ang tipo niya at lagi niyang sinasabi ang pangalan ni Elysha.

"Grabi! Ely, dito talaga" he laughed awkwardly. Tumingin siya sa'kin dahil alam niyang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti ito sa'kin pagkatapos ay inayos ang sarili at nagsimulang mag-film.

"I'll pass this phone to someone na.. Gusto kong malaman kung may pag-asa ba ako sa kanya" lahat sila ay napa-yiee habang inaabot sa'kin ni Sid yung cellphone. Napalunok ako kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Dahan-dahan akong sumulyap kay Calvin at mukhang kanina pa siya nakatingin sa'kin.

Kailangan ko ng tulong, masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Walang pumapasok na salita sa utak ko. Mental block.

"Hala! Tumatawag na yung mama ni Clara sa'kin, mukhang kailangan niya ng umuwi" Nakahinga ako ng maluwag dahil sa pagsagip sa'kin ni Calvin sa pagkakataon na ito. Kinuha niya muna ang dala kong bag na nasa sofa bago inalalayan ako palabas ng bahay ni Alysa. Hawak-hawak niya ko sa balikat habang naglalakad kami palabas ng subdivision. Inalis ko na ang kamay niya sa balikat ko, kaya ko namang lumakad ng hindi niya tinutulungan.

Clara (Binibini Series #1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon