Chapter 05

1K 14 0
                                    

-BLOSSOM TREE MELANCHOLY-

        'Yong mga matang 'yon...' Aquil's mind was still in a deep state of perplexion.

        'Those eyes were familiar but I just can't tell where I'd seen them,' pagmomonologo pa niya sa kaniyang isip.

        'I am certain I already have the answer but I just can't reach it from being concealed in my distant memories.'

     Upon pondering with himself, he still can't pinpoint the root of what his heart is telling.

        "AQUIL NAKIKINIG KA BA?!" His attention was snatched back into actuality after hearing such a loud voice with a finger-snap.

        Si nurse Joy ang may gawa nito na kanina pa pala nagsasalita, perhaps giving him another sermon after witnessing what happened back then in the hallway. Ngayon ay nasa kaniyang kama lang siya, nakaupo.

        Nagsalita muli ang nakakatandang dalaga at mababatid sa boses ang halong inis at pagkabahala, "Ba't ba kasi hindi ka nakikinig sa akin? Aquil, alam mo bang hindi ko na alam ang gagawin sa sa'yo?! Sa mga kalokohan mo?!"

        "Hindi ko po alam," pabiro namang sabi ni Aquil, trying to kill the tension.

        "Aba'y may gana ka pa talagang magbiro matapos ang nangyari sa'yo? Alam na alam mo naman hindi ba na hindi ka pwedeng masugatan, masaktan o kahit bumagsak man lang? Tsk!"

        At this rate, Aquil gets to realize how mad the older nurse became at him. Nababatid na niyang nasa isang seryosong usapan na nga sila.

        "S-sorry po. Hindi na po mauulit," Aquil apologized as sincerely as he could, and looked down upon shame.

        "Pero dapat naman kasi hindi kayo mabagal tumakbo-"

        "AQUIL!!!"

        "Oo na, oo na, ito na tatahimik na. Sorry ulit."

         Ang nurse ay napahilamos nalang sa mukha dahil sa kawalanghiyaan ng kaniyang alaga. Sinusubukan rin nitong kumalma.

        "Pero ate Joy, okay naman po ako eh, hehe," at nagawa pang ngumisi ng loko-loko.

         "Ah talaga ba? Igalaw mo nga nang marahan iyong mga daliri't paa?" panghahamon naman sa kaniya ni nurse Joy na sa ngayon, kahit papaano, ay unti-unti nang kumakalma.

        Si Aquil ay ngumiti ng pilyo dahil sa kompyansa subalit napalitan ito ng pait nang nakaramdam siya ng sakit sa pagpapakilos ng mga ito kahit sa marahang paraan lamang.

         He bit his lip out of pain at napalunok. He could hardly move his minorly deformed foot.

        'Mukhang ako'y nagmamalabis na nga.'

        "O, kumusta ang iyong pakiramdam?" ewan ba ng binata kung sarkastikong inaasar ba siya ng kaniyang nurse o obhektibo siya nitong tinatanong.

        "M-masakit po," utal niyang pag-amin at hindi magawang tignan ang nurse dahil sa kaba, dinadalaw na naman siya ng kaniyang takot.

       The nurse heaved a sigh at napapikit nalang. The awkward and alarming atmosphere had gotten more known.

        Muli ay nagsalita ang matanda, "Sa iyong sinabi, kinakailangang tawagin ko si Dra. Alvarez nang masuri ka."

        "Saglit lang akong aalis," nurse Joy informed him and headed to the door to open it.

Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon