CHAPTER 68: RE:SPIN-THE-BOTTLE

30 5 0
                                    

Matapos ang buong araw na pagliliwaliw ng buong Grupo ni Jett, bumalik ang mga ito sa kanilang Cottage house at kanilang pinagsaluhan ang masarap na hapunang inorder mula sa Karinderya ng resort. Matapos maghapunan, ibinalik nila Tyler, Albert at Archie ang mga hinugasang mga plato sa kabinet tsaka sila nakisali sa pag-uusap ng kanilang mga kasamahan sa sala. Pagdating nila, nakita nilang nakikipag-agawan na naman sa remote ng TV sila Carl at Aileen. Nakikinig na naman sa mga kwento ni Marika ang iba at maingat na minamasahe ni Reysha ang kanang balikat ni Jett dahil kumikirot ito.

Aileen: "Carl!! Akin na yan remote!!! Manonood pa ako ng "My First Bodyguard"!!!"

Carl: "Ayoko nga!! Wala naman aksyon jan!!! Buti pa sa "Ang Immortal na Probisyano", puro aksyon!!!"

Aileen: "Puro nga aksyon!! Wala namang kwento!!! Akalain mo, isang buong episode puro na lang sila barilan!!! Hindi ba sila nauubusan ng bala?!!"

Carl: "Hindi! Pero atleast, Aksyon!!"

Jett: "Itigil nyo na nga yan!! Hindi naman maganda ang mga pinapanood nyo!! At patayin nyo na lang ang TV!!"

Carl: "Jett, wala ka lang hilig sa panonood ng TV. Kaya mo nasasabi yan!!"

Aileen: "Oo nga naman!!"

Jett: "Atleast, hindi ako nakikipag-away, para sa remote."

Tyler: "OK! Para tumigil ang lahat, patayin na lang natin ang TV."

Binunot ni Tyler ang saksakan ng TV sa plug na sya namang ikinalungkot nila Carl at Aileen.

Aileen: "Mr. Tyler!! Anu ba naman yan!!"

Tyler: "Sorry sa inyong dalawa. Kailangan kong gawin yun para tumigil na kayo sa pag-aaway."

Carl: "Grabe naman kayo!! Mr. Tyler!"

Tyler: "Mabuti pa, makinig na lang kayo sa ikikwento ni Marika."

Lunabelle: "Mr. Tyler, naubusan na po ng kwento si Miss Marika. Kaya hindi na po sya nagsasalita ngayon."

Marika: "Oy!! Hindi totoo yan, Lunabelle!! May ikukwento pa ako."

Rochel: "Mawalang galang na po, Miss Marika, pero pang dalawampung beses nyo na pong naikwento po sa amin ang tungkol sa inyo ni Mr. Tyler noong high school pa po kayo."

Lyrica: "Miss Marika, wala na po ba kayong ibang maikikwento?"

Marika: "Ahh......ehh.......meron pa...siguro. Teka....mag-iisip lang ako."

Archie: "Napakaboring naman ng gabi natin dito sa resort kung wala man lang tayo maisip na pagkaka-abalahan."

Albert: "Oo nga, Insan. Anu kaya pwede natin gawin?"

Jett: "Reysha, tatayo muna ako saglit. Kukuha lang ako softdrinks sa ref."

Reysha: "Bakit softdrinks ang naisip mong inumin? Hindii ba masama yan sa katawan kapag ininom mo ng gabi?"

Jett: "Hindi naman siguro."

Matapos marinig ng magpinsan ang pag-uusap nila Reysha at Jett, naka-isip sila ng magandang ideya.

Albert: "Ahh!! Alam ko na!!!"

Archie: "Oo, Tama!"

Albert: "Naiisip mo din ba ang naiisip ko, Insan?"

Archie: "Oo!"

Reysha: "Huh? Anu na naman ang naisip nyong dalawa?"

Archie: "Guys!! Maglaro tayo ng Spin-The-bottle!"

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon