+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Lahat tayo may kasiyahan, kalungkutan, higit sa lahat may kinatatakutan.
Limang taon na ang nakalipas nang mamatay ang mga magulang ni Erick sa kanilang sariling bahay sa Brgy. Culiat Quezon City.
15 taong gulang siya noong maganap ang mga pangyayaring iyon.
Sariwa pa sa kanyang isipan ang mga nangyari noong mga panahong iyon.
Nagising siyang may dugo sa pisngi, damit, kamay, at sa iba pang parte ng katawan.
Wala siyang kaalam-alam kung saan niya nakuha ang mga ito.
Dali dali siyang tumakbo papunta sa CR upang alisin ang mga dugo na nakabalot sa kanyang katawan.
Ngunit isang malaking gulat ang sumalubong sa kanya sa pagbukas niya ng pinto.
Nakita niyang nakahilata ang kanyang ama at ina sa sahig ng CR nila.
Duguan at walang malay.
Napasigaw siya ng malakas at natataranta sapagkat hindi niya malaman ang gagawin.
Dali dali siya lumabas.
"TULONG !! TULONG !!", sigaw niya upang marinig ng mga kapitbahay.
Marami ring tumulong sa kanya.
Nadala ng ang kanyang mga magulang sa Hospital ngunit wala nang nagawa ang mga doctor upang magamot ang mga ito.
Habang lumilipas ang mga panahong ulila na siya, maraming bulong-bulungan na naisumpa ang kanilang pamilya.
Ayaw man niyang paniwalaan ang mga bulong bulungan, hindi pa rin ito maiwasang paniwalaan sapagkat minsa'y may nagpaparamdam sa kanyang mga kaluluwa.
Hindi na lamang niya ito pinapansin sapagkat iniisip na lamang niyang mga magulang niya ito.
Isang gabi. Sa appartment kung saan namamalagi si Erick.
Habang gumagawa siya ng mga assignment, may malakas na tunong ang biglang bumulabog sa kanya.
Ang tunog ay nagmula sa kusina.
Agad niya itong pinuntahan upang tingnan ito.
Tiningnan niyang mabuti kung ano iyon.
Ngunit nakapagtatakang wala namang nagulo o nahulog na gamit na pwedeng pagmulan ng ingay.
Hindi na lamang niya iyon pinansin upang makatapos ng kanyang ginagawa.
Walang takot na naramdaman si Erick nang mangyari iyon.
Kinabukasan.
"Tol, wala daw tayong pasok sa ngayong umaga kasi may pagpupulong na gaganapin ang mga guro sa ating paaralan", isang kaibigan na nagsabi sa kanya sa pamamagitan ng cellphone.
"Ganun ba? Ah sige. Mabuti naman, para makapaglinis pa ako dito sa apartment.", tugon niya.
Inabot na siya ng tanghali sa paglilinis ng buong Appartment, ngunit hindi pa rin siya nakakaramdam ng pagod.
Sandali siyang natigil sa paglilinis upang magluto ng kanyang kakainin.
Makalipas pa ang isang oras, natapos niya lahat ng gawain at nakapagpahinga na rin siya.
Kaunting oras na lamang ang natitira at malapit na siyang gumayak papuntang school.
"Whoooooohh !! Ang dami ko palang natapos ngayon!", pagmamalaking sabi sa sarili.