"Welcome home, Ate" napatingin ako sa may gilid nang makarinig ako ng boses. Ningitian ko naman siya nang makitang nakatingin siya sakin.
"Hi anak, pasok ka. Sabi na nga ba at hindi ka magiging ligtas don sa ama mo" salubong ng nanay ko sakin. Niyapos niya ako kaya napayapos na rin ako.
Wala akong matandaan tungkol sakanya, nagpakilala lang siya sakin sa ospital at sinabing nanay ko siya. Dahil sumang-ayon ang tatay ko, totoo 'yon.
"Jungkook, hatid mo muna Ate mo sa kwarto niya" dahil don tumayo yung lalaking naka-upo sa couch kanina. Kinuha rin niya sa kamay ko yung gamit ko bago ako ningitian. Sinundan ko rin siya papunta sa kwartong tinutukoy ng nanay ko.
"Ito ang kwarto mo, Ate. If you need something, nasa tapat lang kwarto ko" masayang sabi niya. Kaya tumango na lang ako. Nang mapansing aalis na siya hinawakan ko ang dulo ng shirt niya.
"Ano... Pwede mo ba akong kwentuhan?" tanong ko. Alam kong sala sa oras yung pagtatanong ko, kaso gusto ko na kaseng maka-alala.
"Hmm.. kung tungkol sa'yo, konti lang ang alam ko. Okay lang ba 'yon?" tanong niya bago umupo sa kamang tutulugan ko. Tumango naman ako at tumabi sa kanya. Hindi lang kami sobrang lapit.
"Kwento sakin ni mommy, dito kayo nagstay bago maghiwalay magulang mo. Mga tatlong taon ata 'yon. Tapos sa tatay mo ikaw nagstay kase hindi ka daw kayang supportahan financially ng nanay natin. 'Yon lang ang alam ko. Nagkita na nga pala tayo dati noong highschool kase pumunta kami sa school niyo, pero alam kong hindi mo tanda..." malungkot na saad niya. Ginulo ko naman ang buhok niya pero inalis ko rin agad kase baka ma-ilang siya sakin.
"Ikaw ba, Ate. Okay lang ba na ikwento mo kung anong nangyare? Pero ayos lang kung hindi" sabi niya at nilagay ang kamay sa gitna namin bago ginalaw. Yung kapag hindi ka nasang-ayon, ganon.
"Okay lang" mahina rin akong tumawa. Umayos ako ng upo bago siya hinarap.
"Dahil nga wala akong maalala, ang alam ko lang ay yung kwento ng dad ko. Sabi niya, na-aksidente ako sa pagdridrive. Sobrang lakas ng tama sa ulo ko kaya na coma ako ng ilang araw. Paggising ko wala akong maalala" pagkasabi ko non ngumiti ako ng tipid para sabihin sakanya na ayos lang ako, kahit hindi siya nagtatanong.
"Gusto mong maka-alala agad, Ate? Kahit konti?" matagal akong tumitigtig sa mga mata niya nang sabihin niya 'yon. Tumango rin naman ako.
"Try mong gumala sa dito subdivision natin. Baka may maalala ka noong three years old ka pa. Kaso hindi kita masasamahan kase may pasok pa ako" umiling naman ako bago ngumiti.
"Ayos lang, kaya ko naman. 'Wag kang mag-alala" dahil don, tumango siya. Nagpa-alam na rin siya na maliligo na siya kase papasok na daw siya maya maya.
Nag-ayos na lang ako ng gamit ko pampalipas oras. Maya maya naman biglang bumukas ang pinto at nagpakita si Dad. Andito pa pala siya, akala ko umalid na.
"Dev, I'm going" tumango at tumalikod na ulit. Natagalan naman siya bago saraduhan ang pinto. Hindi ko alam ang rason kung bakit, pero nakakaramdam ako ng inis sa kanya.
After ko maconfine ng ilang araw sa ospital pagkagising ko, dito niya ako dineretso. Dahil ata sa naging usapan nila ng nanay ko, daw. Lagi siyang nadalaw sakin don sa ospital kahit hindi ko siya maalala. Pero lagi niyang pinapa-alala sakin na nanay ko siya.
Hindi ko alam kung anong nangyare sakin before ng accident, gusto kong malaman na hindi. Ewan ko ba. Pero nakakakita ako ng konting scenes sa panaginip ko. Sobrang labo lang.
Ilang oras akong nag-aayos ng gamit ko. At nang matapos, napagdesisyunan ko na maligo kase balak kong lumabas. Nag-oversized shirt na lang ako at shorts.
"Oh, anak lalabas ka?" napatingin ako sa may dinning dahil narinig ko don boses ng nanay ko. Tumango naman ako bago tumingin sa katabi niya.
Ningitian niya ako kaya nagbow na lang ako. Alam ko kase siya yung tatay ni Jungkook, which is bago niyang asawa. Parehas na kaseng may bagong pamilya ang parehas kong magulang. Hindi ko pa nga lang nakikita yung sa tatay ko after kong maaksidente. Hindi sila napunta sa ospital. Nagpa-alam kase sakin one time tatay ko na uuwi daw muna siya kase may nag-iintay sakanya, don ko nalaman na may pamilya na siya.
Lumabas ako ng bahay at agad akong sinalubong ng malakas ng hangin. Napayapos tuloy ako sa sarili ko. Nang tumigil, tuluyan na akong umalis. Wala akong maalala habang naglalakad pero may natawag sakin. Kapag naman humarap ako, bigla silang natitigilan, gawa siguro ng patch na nasa noo ko.
"Ate Devyn? Ate Devyn!" napatigil ako sa paglalakad nang may dalawang lalaking tumigil sakin. Tinignan ko naman sila pero hindi ako nagsasalita. Hindi ko kase alam ang sasabihin ko.
"Hala totoo nga, nagka-amnesia ka. Legit pala yung amnesia" sabi ng isang lalaki. Binatukan naman siya ng kasama niya habang natawa.
"Pasensya ka na dito, ha? Nga pala I'm Jimin tas siya si Taehyung" masiglang sabi ng lalaking tumawag sakin. Mas matangkad yung kasama niya sakanya pero mas matangkad siya sakin ng konti.
"Pwedeng magtanong? Paano niyo nasabing nagka-amnesia ako?" tanong ko. Baka kase may alam sila tungkol sakin.
"Kinuwento samin ni Jungkook yung nangyare, yung step brother mo" sagot nung Taehyung sa tanong ko. Tumango naman ako ng konti.
"'Tyaka tuwing nagkikita tayo, sinasalubong mo kami ng hampas" nanlaki naman ako sa sinabi nung Jimin. Tumawa naman silang dalawa at sumang-ayon pa yung kasama niya sakanya.
Masama pala ugali ko dati. Ano ba 'yan.
"Teka, nagkikita? Paanong nagkikita?" sabi niya kase nagkikita daw eh. 'Di ba nasa tatay ko lang ako, kaya paano kami nagkikita
"Napunta ka dito kapag may nangyayareng masama sa inyo. Pero hindi ka napunta sa bahay ng nanay mo kase ayaw mo siyang nakikita. Sabi mo kase iniwan ka niya kaya ayaw mong makita ang mukha niya" dahil sa sinabi ni Taehyung nakaramdam ako ng kirot sa ulo ko. Agad naman nila akong inalalayan.
"Hala Ate Devyn, anong nangyayare sa'yo?" narinig kong tanong ng isa sa kanila. Hindi ko siya nasagot kase sobrang sakit ng ulo ko.
Napapikit na lang ako sa sakit. May nakikita rin akong konting scenes pero malabo. Naramdam ko rin na napa-upo na ako sa sakit. Maya maya lang nawala na kaya naimulat ko na ang mata ko.
"Ano nang nararamdaman mo, Ate Devyn?" tanong sakin ni Taehyung. Tinignan ko naman silang dalawa, at kita ko pag-aalala sa mga mukha nila.
"Okay lang ako" sabi ko. Tinulungan naman nila akong tumayo. Pinagpagan ko rin ang pwetan ko kase baka madumi.
"Uwi na ako" sabi ko sa kanila bago tumalikod. Nagpresinta pa sila na ihahatid nila ako pero hindi na ako pumayag. Maka-abala pa ako.
Habang naglalakad, nakatungo lang ako habang nakahawak sa ulo ko kahit hindi na 'yon nasakit. Nasa gilid naman ako kaya walang makakabangga sakin. Pero akala ko lang pala 'yon.
Napa-ayos ako ng tayo dahil may nakabunggo ako. Nang tignan ko siya sa mukha para siyang nakakita ng multo. Napapikit pikit tuloy ako.
"D-Devyn?"
---
BINABASA MO ANG
Memories » Kim Seokjin ── OC
Fanfiction❝ ʟᴇᴛ's ᴍᴀᴋᴇ ɴᴇᴡ ᴍᴇᴍᴏʀɪᴇs, ᴅᴇᴠʏɴ. ❞ ✎ ᴋɪᴍ sᴇᴏᴋᴊɪɴ ✎ ʟᴀɴɢᴜᴀɢᴇ : ᴛᴀɢʟɪsʜ ✎ sᴛᴀᴛᴜs : ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ