Manong Guard [one-shot]

1K 19 6
                                    

"ui Poy basahin mo 'to dali!! hihi"

"ayoko nga." eto nanaman siya ipapabasa sa akin yung mga text ng CRUSH niya. ano ako si Charo Santos?!

"ang corny mo naman eh! kaya wala ka pa ring gilfriend hanggang ngayon. di bale babasahin ko na lang para sayo." 

"ayoko." 

"tinanong niya ako 'tae ka ba?' sabi ko 'bakit?' sabi niya 'mahal kasi kiTAE!' kakakilig diba!" ano namang nakakakilig dun?! ang BADUY ha! bakit ba kasi sinamahan ko pa 'to eh. epal lang ako dito, magkikita kasi sila nung crush niyang BADUY. tsss

"HAHAHAHA! tae ka pala eh." tinawanan ko na lang siya.

"wag ka nga! sabi niya mahal niya daw ako noh! teka.. asan na ba siya dito? sabi niya naka-blue na shirt daw siya eh." bulag ba 'tong si Kim. eh katapat lang namin yung crush niya eh.

"ayun siya oh. di mu ba nakikita yung panget na yun?" pang-aasar ko.

"tse! oo nga no.ang gwapo talaga!!"

"puntahan mo na nga. para makaalis na ako."

"sige na nga. umalis ka na. selos ka lang eh! haha. ingat!" nginitian niya ako at umalis na siya..

"oo. nag seselos ako. hanggang doon lang naman ako lagi." bulong ko sa sarili kong nagdadrama nanaman.

makapunta na nga lang muna sa Jollibee kung saan 'bida ang saya' para sumaya naman ako. Hahaha, natatawa ako sa sarili ko. ang corny ko kase  -______-. hindi ko naman siya pwedeng iwan agad eh. 

*1 message received*

" poy. san ka? umuwi ka na ba? dito ako sa may tapat ng dept. store. :("

ano kayang nangyari dun? Naku! umalis na ako agad sa Jollibee para puntahan si Kim.

"Sir! yung tray po namin! Sir!!" sigaw ni manong guard sa Jollibee. kakatapos ko nga lang pala umorder nung mag text si Kim. abala naman 'tong tray na 'to oh.

"mamaya na lang po. promise isasauli ko!! nagmamadali lang po talaga ako!!" di ko na inantay ang sagot ni manong guard at mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko. ang layo pa naman ng Dept. Store sa Jollibee, kaya tinawagan ko na si Kim. baka kasi umalis eh.

"Jepoy! asan ka ba?"

"malapit na ako, intayin mo ko."

"poy.. m-may girlfriend na si crush. pinahiya pa ako nung girlfriend niya"

"umiiyak ka ba?"

"oo." bobo ka talaga Jepoy! natural umiiyak yun.

..

"Kim!" sigaw ko sa kanya at in-end ko yung call.

"Poy! niloko niya ko." iyak niya sa akin.

"niloko ka niya? halika nga dito. niyakap ko siya. Sakin ka na lang. Seseryosin kita."

"tss. seryoso?" humiwalay siya sa yakap ko at tumingin sa mata ko.

"oo. mahal ki--"

"SIR!! yung tray po namin!" -manong guard.

AYUN! SIRA ANG MOMENT NAMIN! AAMIN NA AKO EH! ANDUN NA EH! SALAMAT KAY MANONG GUARD AT SA TRAY NIYA!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Manong Guard [one-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon