Bus LoveStory (completed)

238 5 1
                                    

Follow nyo ko sa Twitter @ElizaMarie15

nagfa-followback po ako ^^

instagram @sitshii

salamat :) enjoy reading <3

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Napakasarap naman talaga na bumiyahe kasama ang iyong minamahal. Yung tipong magkayakap kayo sa bus or sa jeep or magkahawak kamay habang pinagkukuwentuhan ninyo yung mga bagay-bagay na makikita sa daan. Di ko tuloy mapigilan na maalala yung mga araw na sabay kame magbiyahe ni Jazzie. Kulitan sa bus at kwentuhan buong duration ng byahe. Kame kasi yung tipo ng magkasintahan na lahat napagkukwentuhan eh, at mahilig kame magbuo ng kwento sa mga nakikita namin. Minsan nga muntik na kami mapaaway kasi may pinagtawanan siyang isang pasahero dahil ang baduy daw pumorma. Buti na lang at napaniwala namin yung babae na hindi naman siya yung pinag-uusapan namin.

Pareho kaming estudyante ni Jazzie sa isang unibersidad sa Maynila, kaya tuwing uuwi kami sa Batangas, palagi ko siyang sinusundo sa inuupahan niyang boarding house sa Makati. Tuwing pupunta ako sa kanila ay buong lugod akong tinatanggap at pinapapasok ng kanyang mga pinsan. Kasama kasi niya ang mga pinsan niya sa boarding house. Madalas kong maabutan duon si Nerisa, ang makulit at kikay na pinsan ng aking girlfriend. Madalas kapag pumupunta at tumatambay ako sa kanila, lagi kaming tampulan ng tukso mula kay Nerisa. Lagi niyang tinatanong kung kelan daw kame magpapakasal at ginagantihan naman namen siya ng kelan naman siya magkaka-boyfriend.

Ganoon ang naging takbo ng relasyon namin ni Jazzie, palagi kaming magkasama o kung hindi man palagi ay madalas na kapiling namin ang isa’t-isa. Hilig din kasi namen ang gumala. Aspiring photographer kasi ako, kaya gusto namin puntahan yung mga lugar kung saan pede kami magpicture-picture. Syempre sayang naman yung DSLR ko kung hindi mapapakinabangan. Ayun kahit sa daan pa lang at nakasakay kami ng bus or jeep eh pinupicturan ko na yung mga tanawin na aming nadadaanan. Ito namang si Jazzie napakahilig magkolekta ng mga ticket ng bus. Halos lahat na yata ng mga bus na sinakyan namin sa Metro Manila or maging pauwi sa amin sa Batangas ay itinago nya. Minsan nga niloloko ko siya na dapat di na lang siya nag-aral at namasura nalang hehehe. Pero syempre hilig niya yun eh, dahil mahal ko siya hinahayaan ko na lang siya sa mga hilig niya.

Marami na rin kaming napuntahan na magkasama, at sa lahat nang mga biyahe na yun hindi pedeng hindi niya itatago yung mga ticket ng bus. Nagpunta na kame sa Luneta, sa Tagaytay, sa Antipolo, sa Quezon at yung isa sa pinakamemorable sa Baguio. Sa dami ng mga lugar na yun marami na ring kwento kaming naipon hindi lamang sa mga litrato na aming nakunan ngunit maging sa aming alaala. At ang hindi ko makakalimutan sa lahat ng biyahe namen ay nuong October 8, 2010.

Start na kasi ng sembreak nuon so pauwi na kame ng Batangas. Bago kame umuwi ay napagkasunduan namin na magsimba muna sa EDSA Shrine. Sinundo ko sya sa boarding house nung umaga na yun at pagdating ko sa kanila, si Nerisa ang nagbukas ng pinto.

“Gara mo ngayon pare ah, mukhang may date kayo ni Jazzie ah” bungad niya.

“Haha, ayus ba Nerisa. Pogi naman ako lagi ah, ikaw talaga. Simba kame ni Jazzie eh, asan na ba yang mahal ko”. Pagkadaka’y naupo na ako sa sofa at inilapag yung bag na dala ko.

“Andyan sa kwarto nagpapaganda pa,hintayin mo na lang.”

Pagkatapos magsalita ni Nerisa ay namataan ko na lumalabas na nang kwarto si Jazzie. Tumayo na rin ako para kunin yung bag na dala niya. Ako kasi pinagbibitbit niya ng kanyang bag pag umaalis kame. Pagkatapos nun ay umalis na kame at dumiretso sa simbahan. Pagkatapos ng misa, bumalik kame sa kanilang bahay upang kunin yung mga gamit namen para umuwi na sa Batangas. Pagkakuha namen ng aming mga gamit ay tumungo na kame sa bus terminal.

Bus LoveStory (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon