Halos hindi na nga ako makalakad dahil sa sikip ng palda na pinasuot niya sa akin. Mas lalo pa akong nahirapan sa heels na pinasuot niya rin sa akin. Dagdag pang hindi ako mapakali sa dibdib ko. Bawat galaw ko ay pilit kong ibinababa ang aking palda na para bang may pagkakataon pa iyong humaba.
"Ano ba yan?" sita niya sa akin pagbaba namin sa taxi dahil nahuli niya ako sa ginagawa ko.
"Pwede ba akong pumasok diyan? Minor pa ako," tanong ko. Iba ito sa bar na pinagdalhan niya sa akin noong una. Ambiance pa lang ng paligid ay alam ko nang mga wild ang naroon sa loob kagaya ng mga bar na nakikita ko sa mga palabas.
"Akong bahala sa'yo," pangungumbinsi niya sa akin.
Ngumuso lang ako at sumunod sa kanya na ngayon ay lumapit na sa gwardiya. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero parang may inabot siya dito na hindi ko agad napansin. Agad akong lumapit sa kanya nang sumenyas siya.
Agad kaming sinalubong nang malakas na ingay. Bigla akong nahilo dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw na sumasabay sa indak ng musika. Hinarang ko ang aking braso sa aking harapan para hindi direktang tumama ang nakakhilong ilaw sa aking paningin
Bigla akong pinawisan nang may maalala. Ganito rin ang pakiramdam ko dati nang una akong makapasok sa diskuhan.
"Hi girls!"
"Dito kayo,"
Hindi ko nasundan ang pagsalubong sa amin ng mga babaeng naroon.
Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Para akong nagkaroon nang trauma at pakiramdam ko ay mauulit muli ang nangyari. Napayuko ako at nasapo ang ulo nang maalala ang nangyari. Para akong nanunuod sa telebisyon at malinaw na malinaw sa akin ang apoy na tumutupok sa aming bahay. Ang galit na mukha ng aking kapatid at ang naranasan ko sa kamay ng aking mga magulang at tiyahin.
"Cha," wala sa sariling napatingin ako sa tawag ni Denise. Nakaupo na siya kasama ang mga babaeng lagi kong nakikita kapag may pagtitipon sila. "Dito ka na,"
Tulala lang akong nakatayo roon at nakatingin sa kanya.
"Okay ka lang ba?"
Humugot ako nang malalim na hininga nang matauhan. Agad akong umupo ako sa kanyang tabi dahil pakiramdam ko ay umiikot ang paligid. Hindi ako sanay sa ganitong lugar at lalong ayoko sa makukulay na ilaw.
"Nasa vip room sila Knee Yoz," saad ng isang babae na kakarating lang.
"Wait lang ah, puntahan lang namin si Knee Yoz," paalam ni Denise sa mga babae saka tumayo.
Nakatingin lang ako sa kanya. Nang sumenyas siya sa akin ay saka ako tumayo. Wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya dahil hindi ko naman ka close ang mga kaibigan nilang babae.
Pumasok kami sa isang silid at agad na tumambad sa amin ang grupo ni Knee Yoz at mangilan-ngilang babae. Agad na dumako ang paningin ko sa kinaroroonan ni Knee Yoz. Bigla akong napaiwas ng tingin nang makita ang kasamang babae na nakayakap sa kanya.
"Happy birthday brad!" bati ni Denise.
Humiwalay ang babae sa kanyang pagkakayakap nang lumapit si Denise para mag beso. Tahimik lang akong nakatayo roon at nakahalukipkip habang nakatingin sa nagsasayawan sa labas mula sa salaming naghahati ng silid na ito.
"Cha dito ka upo," napatingin ulit ako sa kanila nang tinawag ako ng isang lalaking katabi ni Edward.
"Sus da moves ka tol ah," pasaring ng isa pa.
"Pinaupo ko lang 'yong tao,"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang lalaking nag-uusap. Hindi ko masundan ang kanilang mga pasakalye.
BINABASA MO ANG
Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow Update
RomanceCharlotte Hope a teenager who tried to escape her sorrowful fate found hope to a person who fulfilled everything she dreamed of not until everything has changed. Unknowingly that person is just the other part of his personality. Will she embrace the...