"At ayon nga, kahit hindi pa tiyak ang tunay na dahilan kung bakit nag-e-exist ang mga Unholy, ang sigurado lang ay may kinalaman sina Hera at Persephone sa mga pangyayaring 'to."
Nagpatuloy ang discussion namin ni Gunner pagkatapos ng Unholy Attack no'ng nakaraang araw.
"Ang tinatawag namang spiritual balance ng mundo ay ang spirit of existence ng bawat nilalang na nabubuhay sa mundo. Iyon ang kailangan nating mapanatili kaya kailangan naming puksain ang mga Unholy. Ginugulo ng mga Unholy ang balance na 'yon dahil nga lumalakas sila sa pamamagitan ng pagkain ng mga kaluluwa."
"Bakit kailangan i-maintain ang spiritual balance ng mundo?" tanong ko.
"Kapag nasira ang spiritual balance, maaari 'yong mauwi sa pagkagunaw ng mundo."
Nandilat ang mga mata ko sabay nganga.
"Talaga?"
Tumango si Gunner, "Oo. Gano'n 'yon kaimportante. Halimbawa, nasira ang spiritual balance ng Earth, mauuwi ito sa pagkagunaw at syempre damay tayo rito sa Underworld, and vice versa. Kaya kami nakikipaglaban sa mga Unholy."
"Question. Bakit kayo lang ang nakakakita sa mga Unholy spirit at hindi mga mortal sa Earth?"
"Simple. Dahil kauri namin sila. Mga night-crawler. 'Yon nga lang, destructive na uri sila."
"Paano nila pinipili ang mga sinasaniban nila? Or random person lang sila nasanib? Kung sino man makita nila, 'yon na?" tanong ko ulit.
"Well, base sa studies, ang mga tao na madalas sinasaniban ng Unholy spirits ay 'yong mga puno ng negative emotions. Fear, anger, sadness, emptiness, disappointment, exhaustion, hopelessness, o nilalamon na siya ng maraming problema, at kung ano-ano pang negativity. Lahat naman tayo ay nakakaramdam ng negative emotions, pero kapag mas lamang ang negative energy sa isang tao, mas attractive para sa mga Unholy."
Napaisip tuloy ako. Ibig sabihin, si Kevin, Ms. Vasquez, si Sarrah, at si Daddy. No'ng mga panahong 'yon, mas lamang sa kanila ang negative energy.
"Si Dad. . ." sambit ko sabay yuko tapos ay napahigpit ang hawak ko sa palda ko.
"Ibig sabihin, kaya siya sinaniban ng Unholy no'ng araw na 'yon kasi. . .puro negative emotions siya that day? Pero bakit? Wala akong idea kung may problema ba si Daddy o kung may dinaramdam ba siya. Wala naman kasi siyang binabanggit sa'min ni Mommy."
"Aika, may mga klase ng tao na hindi talaga mahilig magsabi ng problema. Dahil ayaw nilang mag-alala ang iba sa kanila o maging pabigat," sambit ni Gunner.
"At sa tingin ko, gano'n ang daddy mo," dagdag pa niya.
Nagsimula na akong humibi at may bumagsak nang luha mula sa mga mata ko.
Tumayo si Gunner mula sa kinauupuan niya at nilapitan niya ako. Pagkatapos ay tinapik niya ang balikat ko.
"Students!"
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasía[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...