"Sigurado ka na ba?" Mama asked me with a serious tone.
As a matter of fact, I don't know kung tama ba ang desisyon ko na muling pumasok sa school pagkatapos nang mga nangyari sa akin.
I became a victim of bullying in my former school nang dahil sa nagsalita ako sa isang bagay na alam kong mali. Hindi ko kasi kaya na makita ang kapwa kong estudyante na kinakaya lang. As if they are elite student just like what I read in many books but no, there's no hierarchy in our school.
Nakasuot kami ng iisang uniporme para ipakita na wala saming masnakakaangat o masnakakalamang. Walang rason para mang-api ka ng tao dahil sa kanyang kulay o estado man sa buhay. Pare-pareho kaming estudyante and to cut the long story short, pinaginitan nila ako after noon. They do naughty things and say unforgivable words that affects my perspective as a human person.
At noong nalaman ng mga magulang ko ang nangyayari sa akin ay agad agad nilang pina-report ang mga ito. They also decided to put me in a homeschooling because they know how this situation affects me a lot. It gave me an emotional trauma.
At kung tatanungin niyo ako, kung may pinagsisihan ba ako?
Wala, wala naman akong pinagsisihan sa ginawa ko pero yung makita ko ang paglayo at pagiwas ng dalawa kong kaibigan because they do not want to involve themselves in my problem, it really hurts.
Nang dahil sa kanila nagkaroon ako ng trust issue sa mga nakakasalamuha ko. I feel awkward when there is somebody starting to have a conversation with me. I always think that they will do something bad on me. They will use me and they will betray my kindness.
Pagkatapos ng insidente na aking kinabilangan ay lumipat kami ng bahay sa isang subdivision. Hindi naman ganoon kaingay at puno ng usok katulad noong nasa siyudad kami pero napadali nito ang recovery ko. Nakuha ko ang peace of mind na hinahanap ko.
"Opo, ma." saad ko habang inilalagay ang baunan ko sa aking bag. Tinignan ko si mama at napansin ko ang mata niya na puno ng pag-aalala sa akin ngunit sa maliit na ngiti nito ay ramdam ko rin ang buong pagsuporta niya na para bang sinasabi na...
"magiging maayos rin ang lahat."
Ngayong araw, haharapin ko na ang aking kinakatakutan. Susubukan kong sumugal para kumawala sa aking nakaraan. Kaya mo 'to, Kevin!
—
9:00am.
Mataas na rin ang araw noong nakarating ako sa school at mukhang nasa tamang oras naman ako dahil may mga nakasabay akong naglalakad na estudyante na kapareha ng aking school uniform.
Ngayon, narito ako sa may labas ng gate para ilagay ang aking bike sa bicycle rack area. Mula rito matatanaw mo ang open ground na pinapaligiran ng mga puno at makukulay na bench, malaking gymnasium at mga college building.
I still do not know if tama ba talaga na subukan ko na muling pumasok sa eskwelehan after everything. But, there is a something on me that reminds me to face my fear and escape from my comfort zone.
I check my "Certificate of Registration' para makita kung anong room number ng first class ko.
Understand the Self - Room 111.
Art Appreciation - Room 105
Purposive Communication - Room 105"Understand the Self? Room 111" basa ko sa nakasulat sa papel na hawak ko.
Agad naman akong humakbang papalayo sa gate hanggang sa makarating ako sa aming building. Bago ako pumasok ay huminga muna ako ng malalim at saka binuksan ang pinto.
Mula sa aking kintatayuan, mabilis kong naramdaman ang mga mata ng mga tao na nasa hallway. Kung kaya naman ay pinagpawisan ako ng malamig at naalala lahat ng mga nangyari sa akin.
Kung paano nila ako
pagkwentuhan.
Kung paano nila ako
pagtawanan.
Kung paano nila ako
pagsalitaan.Hindi ako naging komportable kaya binilisan ko ang paglakad hanggang sa makapunta ako sa hagdanan papuntang second floor. Napabuntong hininga nalang ako at napahawak sa aking mga tuhod. Hinga na hingal ako ng makarating ako dito.
Pagkatapos ng ilang minuto ay tangka uli na hahanapin ang room ko sa hallway ng second floor.
Hahakbang na sana ako ng—
"Hi?" pagbati ng isang babae sa likod ko at mabagal ko itong nilingon.
"Hello?" mahinang pagbati ko sa nakasalamin na estudyanteng nakaharap sa akin. May hawak itong mainit na kape, mukhang galing siya sa canteen na nadaanan ko rin kanina.
"Mukhang transferee student ka, siguro hinahanap mo yung room mo? Tama ba ako?"
"Ah, oo eh." sabi ko nalang at napakamot sa aking ulo. Muli akong yumuko at hindi ko ito kayang matitigan ng diretso sa kanyang mga mata.
"Pwede ko ba tignan COR mo?" tanong nito habang tinitignan yung papel na nasa kanang kamay ko.
"S-sige, sure pwede naman."
Habang tininitignan nito ang COR ko ay kinuha ko ang tyansa upang punasan ang mga pawis na kanina pa tumutulo mula sa aking buhok. Dala na rin ng pagmamadali ko.
Tinuon ko ang mata sa kanya at napansin ko na may pula pala itong mga buhok. Hindi siya ganoon katangkaran ngunit sakto naman ang hubog ng kaniyang katawan.
"Hey? Okay ka lang? Nagspace out ka yata?" sabi nito habang sinesenyas ang kanyang mga kamay sa aking mukha.
"Huh?" napasabi ko nalang at humakbang palayo sa kaniya.
"Pasensya na, may biglang pumasok lang sa isip ko.." muli kong kinamot ang ulo ko. Ano ba kasing pinaggawa mo Kevin hays.
"Sabi ko, sa kabilang room ka malapit sa amin. Isa lang pagitan natin." muling paliwanag nito at bigla nitong hinawakan ang aking kanang kamay.
Hinila ako nito habang tumatakbo papuntang sa 3rd floor. At noong nakarating na kami sa tapat ng isang room ay muli itong lumingon sa akin.
"There it is. Hetong nasa harap natin ang room para sa first class mo at doon naman yung klase ko." sabi nito at tinuro ang kabilang room na may pagitan mula sa room ko.
"Salamat..." pagpapasalamat ko at pumasok sa loob.
"Diane Angeles." she continued while her hand extended on me.
"Salamat, Diane." pagtatama ko at nakipaghandshake ako sa kaniya.
"Sige na, mukhang nasa loob na yung professor niyo."
—
"So that's it, sana'y nakilala natin ang isa't isa at may natutunan kayo ngayong unang araw natin." pagpapaalam ng professor namin mula huling klase ko ngayong araw.
Sa ngayon, masasabi ko na maayos pa naman ang lahat. Oo, may kaunting takot sa kalooban ko kung kaya hindi ako masyadong nakikipagusap sa mga katabi ko. Kung may itatanong sila sa akin, I intended to answer it by one sentence or else, one word.
BINABASA MO ANG
Fingertips
Teen FictionA boy who was bullied tried to escape on his past by transferring into another school. What will happen to him?