Chapter 4

82 11 0
                                    

Chapter 4...Story

Alexandra's Point of View

Pumunta ako sa likod ng village para magtapon ng basura. Nilagay ko sa malaking trash can ang trash bag bago tumalikod para umalis na sana nang mahagip ng mga mata ko si Bruise na papunta sa hindi ko alam kung saan. Wala siyang kasama. Out of curiosity, humakbang ako upang sundan siya nang patago.

Here, far away from the houses, in the isolated area behind the village, he went to a broken-down house. Nagtataka ako kasi ano naman ang gagawin niya dito? Wala namang mapapala sa sirang bahay.

"Makakalabas ka na." Bigla siyang nagsalita.

Mabilis akong nagtago sa pader malapit sa kanya. Hindi ko alam kung ako ba ang sinasabihan niya pero malakas ang kutob ko na ibang tao.

Maya-maya pa, nakarinig ako ng tawa.

"Hindi ako pumapayag." Boses pa rin ni Bruise.

Syempre, dahan-dahan akong sumilip para makita sila. There, I saw an unknown man.

"Agad? Wala pa akong sinasabi."

"I only came here for one reason, and that is to refuse."

Muli itong tumawa at umiling-iling pa.
"C'mon Bruise. Gusto ko ang kakayahan mo. Kaya natin siyang matalo kung sasama ka. Hindi na ba magbabago ang isip mo? Kung kasama ka at pati na rin si Mary, mas maganda dahil---"

"Huwag mo siyang idadamay dito." Parang may halong pagbabanta niyang sabi.

"*sighed* Ayaw mo bang mapatay ang killer?"

"Kaya ko siyang patayin pero sa mas maayos na paraan."

"Maayos na paraan? There is no better way than this. This is the only way we have left to end all of this."

Teka nga. Base sa mga naririnig ko, nagbabalak silang patayin ang killer at may naiisip silang plano kung paano. Isa pa, parang delikado ang gustong gawin nung lalaki kaya tumatanggi si Bruise.

"May utak ka pa ba, Teo? Wala pa tayong kahit kaunting impormasyon sa taong iyon. Hindi natin siya kilala at mas lalong hindi natin alam kung saan ang lokasyon n'ya. Paano natin magagawa iyang gusto mo?" Kita kong nauubusan na siya ng pasensya.

"We'll devise a strategy. We are the only ones who can be of use in this situation, and let's look into it."

Saglit na natahimik si Bruise bago muling nagsalita. "Kung gano'n, hindi ako sasama."

I saw the anger on his face after he objected again. "Nahihibang ka na ba?"

"Ako dapat ang nagtatanong niyan."

"Pero Bruise---"

"I'm not coming with you."

Natigilan siya at muling pinakita ang galit na expresyon. "Sige. Mukhang hindi na kita mapipilit."

Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang sumulpot na ibang tao mula sa likuran ni Bruise. Sobrang bilis at balak siyang barilin kaya naman naghanda akong sumigaw upang balaan siya pero bago ko iyon magawa,

Mabilis siyang lumingon at inunahang barilin ang taong babaril sana sa kanya. Tumumba ito at mabilis na kumalat sa lupa ang kanyang dugo. Napatakip ako ng bibig dahil sa nasaksihan. Grabe hindi ako makapaniwala. He's faster!

Namangha ang lalaki katulad ko. "Wow. What an amazing sense just like I expected."

"Umalis ka na dahil baka ikaw ang isunod ko."

Tinaas nito ang dalawang kamay. "Calm down, dude. Hindi ako papalag." Binaba niya ang mga kamay at pinasok sa bulsa ng jacket. "Pero hihintayin ko pa rin ang pagsang-ayon mo. See you later." Ngumiti pa siya bago tuluyang umalis.

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon