Chapter 2: He's here.

37 4 0
                                    

Chapter 2: He's here.

"The Charmers?!?"

Pfft--

Seryoso? Ano ba 'to? Mga artista? Nakakaloka ah.

"Artista ba yung mga yun?" tanong sakin ni Aud.

"Nope, sila lang naman ang pinaka-sikat at pinaka-gwapo magkakaibigan sa buong Brent High."

Nagulat naman kami ni Aud sa katabi naming nagsalita. Eh? Sabatera? Tss. Dahil mabait ako...

"Ahh okay. Fan ka rin ng mga yun?" tanong ko. Sabi ko sa inyo mabait ako eh. :)

"Nope. Wait, transferee ka?" sagot naman niya sabay ngiti sa amin . Mukhang mabait naman 'to.

"Yup, transferee "Kami"(sabay turo ko kay Aud). " ngumiti rin ako.

"Oh. Ako nga pala si Nadine, 4th yr na sa Brent, ikaw? I mean kayo? Anong year niyo na ba?"

4th year na din siya. Bigla naman kaming nagkatinginan ni Aud. Nice! Mukhang magiging magkaklase kami. I look forward on being friends with her. Sasagot na ako ng biglang nagsalita si Aud.

"Wait, ano section mo? Baka maging magkakaklase tayo. " sagot ni Aud.

"Oo nga, section 1 kami eh." dugtong ko sa sabi ni Aud.

"Omg! Section 1 din ako!!! Ang cutie naman. Magiging magkaklase tayo!!!" tuwang-tuwang sabi niya.

Yey! Meron na kagad kaming friend. At mukhang mabait pa siya. Talk about swerte nga naman oh. Naiisip ko tuloy magiging samahan namin dito.

Group study kapag may exams, matalino rin siya eh. Section 1 diba? Well, masasabi ko rin na matalino rin kami ni Aud. ilang years din kaming honor students sa Stellar eh.

Pagkatapos, sa Starbucks kami magrereview o kaya sa bahay nalang. Yes! I think I'm starting to like Brent . Except the fact that may "The Charmers" sila dito. -___- Ayoko ng maingay. Nakakairita pa yung mga girls na yun na akala mo nakakakita ng artista kung makatili. Grabe talaga. Feeling ko rin ang yayabang ng mga yun. I don't think I'm gonna like them. Sana nga lang maging same nalang yung life ko dati sa Stellar dito sa Brent. Sana---

"ARAY!" ang sakit ng anit ko..

"Pasensya ka na Nadine, madalas lang talagang mag-daydream tong bestfriend ko. Uy, anong oras na nga pala?" sabi ni Aud kay Nadine after niya lang namang hatakin yung buhok ko sa may anit.

Grabe talaga tong si Aud. Sa akin? Di ka magsosorry? Ang sakit pa rin. Parang ang hapdi.

Wait lang, parang ang tahimik na?

Lumingon- lingon ako.

>__> 

<__<

Asan na yung mga nagtitiliang mga babae? Yung "The Charmers" nila. -___-"

"Shocks! 7:45 na!! Late na tayo!! Tara bilis!" gulat na sagot ni Nadine.

Nagmadali naman kaming tumakbo papunta ng room namin. Grabe, ang layo pala ng room namin. Di nga kami naligaw. Na-late naman kami. Binabawi ko na sinabi ko kanina..

Takbo..

Liko sa kaliwa..

Takbo..

Liko sa kanan..

Takbo..

Shit. Aakyat pa kami ng hagdan?

AAAAAAAAAAAHHHHHHHH!

Not Familiar With That 4 Letter Word Called L.O.V.ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon