Chapter 11
SABAY na napabuntong hininga ang anim matapos magkuwento ni Serene.
"Si Ate Eloise, na misunderstood. Si Ate Kate, naging ex. Si Ate Brielle, missed her chance. And you, Serene, na friend's little sister zoned." sabi ni Galiana.
"That's right." pagsang-ayon nina Eloise, Kate at Brielle.
"Gosh, bakit ang malas natin sa pag-ibig? Mukhang si Victoria lang yata ang magkakaroon ng happy ending sa ating anim eh." dagdag pa ni Galiana bago siya magbuntong hininga.
"Speaking of ending. What happened to you and Kuya Alex?" tanong ni Victoria kay Galiana.
"It's nothing special. Katulad ninyo, na basted din ako sa ganda kong 'to." biro ni Galiana.
"Ang daya naman. Ikuwento mo." sabi ni Eloise.
"Basta na-sister zoned ako. Yun na yun." sagot ni Galiana saka tumawa siya na parang baliw.
"Gaanong sakit ba ang dinulot sa'yo ng pagtatapat mo kay Kuya Alex at nabaliw ka?" sarkastikong tanong ni Brielle.
"This much." sarkastiko ring sagot ni Galiana na ipinakita ang kaniyang hinlalato.
"Did she just showed her middle finger to me?" di makapaniwalang tanong ni Brielle.
Napailing naman si Kate. "Napapa-FU na lang daw siya sa sakit."
"Tell us, tell us!" excited na sabi ni Victoria. Sinamaan naman siya ng tingin ni Galiana.
"Namumuro ka talaga eh 'no? Naging kaligayahan mo na ba ang pagdurusa namin?" sabi ni Galiana na masama pa rin ang tingin sa kaibigan.
"Just tell us the story, Galiana. I'm curious as well." sabi naman ni Serene.
"Okay. But after you buy me a slice of cheesecake and another glass of iced tea." nakangising sabi ni Galiana.
Sabay-sabay namang umangal ang mga kaibigan niya.
"Such a manipulative woman." sabi ni Victoria.
Tumawa lang naman na parang demonyo si Galiana.
"And a crazy one." dagdag ni Kate.
"Someone buy her what she wants at para matigil na ang ka-demonyohan nitong si Galiana." sabi ni Eloise.
"Go buy her those then." payak na sabi ni Brielle.
Napatingin naman sa kaniya si Eloise. "Ikaw kaya ang bumili, tutal marami ka namang pera dahil sa mga artworks at art classes mo."
"Marami ka rin namang pera ah. You're a world class choreographer and a dance teacher." balik na sumbat ni Brielle.
Nagsukatan naman ang dalawa ng tingin at walang ni isa sa kanilang dalawa ang may balak na umiwas.
"Hayst. Ako na nga lang ang bibili. Maraming salamat ha." sarkastikong sabi ni Galiana bago siya tumayo at nagpunta ng counter.
"Tss. Umiiwas lang yun magkuwento eh." sabi ni Kate.
"I'm very curious on how their story turned out. She's always smiling and very cheerful kaya nagdududa ako noon kung heartbroken ba siya o hindi." sabi naman ni Serene.
Napaayos naman ng upo ang lima nang makabalik na sa table nila si Galiana na may dalang tray na may lamang cheesecake at anim na baso ng iced tea.
BINABASA MO ANG
YABS: The Story of How We Confessed
General FictionReminiscing the moment of confessions they've had is both amusing and at the same time sending them a sensation of loneliness and grief. While their mothers used to hide a quirky secret before, Eloise, Brielle, Serene, Kate, Victoria and Galiana, ha...