NAKARAAN II

8 0 0
                                    

Hinawakan niya ang kamay ko..pagkatapos non..nasa harap na kami ni Satafer.

 Gulat ang mukha niya ng makita ang babae. Sino kaya ito? Bakit takot na takot siya sa babae?

"Nagulat ba kita Satafer? Kumusta? Long time no see."

"Anong ginagawa mo dito sa mundo ng mga mortal?"

"Ano sa tingin mo? Tapos na ang oras mo Satafer. Kailangan mo ng mawala."

Naglaban ang dalawa. Halata na nahihirapan si Satafer sa laban.

"Hindi ako makakapayag na manalo ka sa laban na ito."

"Talo ka na sa simula pa lang Satafer. Tanggapin mo na lang ang katotohan na talo ka."

Grabe ang laban na to. Di ko lubos maisip na ang isang babaeng di ko kilala ay grabe ang kapangyarihang taglay. Nakita kong papalapit sa akin ang kapangyarihan ni Satafer na para doon sa magandang babae. Pinikit ko ang mata ko dahil sure akong matatamaan ako pero....walang tumama. Pagdilat ko ng mata...my harang na ngprotecta sa akin.

"Talagang binigyan mo ng proteksiyon ha? singhal ni satafer.
Anong plano mo?"

"Kahit kailanman wala kang malalaman. Kahit na anong impormasyon, wala! Nakakalimutan mo yata Satafer kung saan ka nagmula? Kaya habang maaga pa, gumising ka na."

"Hahahaahh..kahit kailan man, hindi mangyayari iyan..hahahahha"

Naglaban ulit ang dalawa. Ayan na naman ang liwanag.....nakakasilaw...
Sumigaw si Satafer. Nasasaktan siya sa liwanag.

"Tandaan mo ito Satafer, You will never be a God."

"Hindi..hindi ako makakapayag.. babalik ako..at sa pagbalik ko... mamamatay kayo."

Unti-unting nawala ang liwanag. Nakita kong wala na si Satafer. Ayos na ang lahat.Nakita kong pumikit ang babae. Gulat ako na nabalik sa ayos ang mundo. Ang mga namatay ay nabuhay. Ang mga nawasak ay naging ayos ito lahat. Bumalik ulit ang ganda ng mundo. Ang mas ikinagulat ko ay nagkaroon ng paaralan, namangha ako sa nakita ko. HEAVEN UNIVERSITY.

"Anong meron bakit ka nagtatag ng paaralan?"

"Kailangan iyan sa mangyayari sa hinaharap."

"Teka sandali, ako lang ba ang nakakakita sa iyo? Kasi bakit hindi lumalapit sa iyo ang ibang tao?" 

"Oo, ikaw lang. Ginamit ko ang Time Power, para hindi nila ako makita. Makinig ka, sa hinaharap, magbabalik si Satafer."

"Ano? akala ko ba patay na siya?"

 akala ko pa naman ayos na ang lahat sabi ng isip ko

"Oo, patay na nga siya. Magbabalik siya sa ibang anyo, ibang katawan. Malalaman mo iyan pag dumating na ang hinaharap."

"Paano siya makakabalik? Hindi siya makakabalik kung walang tumulong sa kanya or ano?"

"Malalaman mo din pag dumating na ang panahon na iyon."

"Paano mo nalaman lahat ng iyan? Ano nga pala ang pangalan mo?"

"I have a Vision Power. Nakikita ko ang mga mangyayari sa hinaharap. I'm Joy, that's my nickname. Hindi ko pwede sabihin ang tunay kong pangalan dahil iyon ang utos ni Daddy."

"Kaano-ano mo ang Mahal na Panginoon?" 

HEAVEN'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon