Chapter 9

36 5 2
                                    

Updated: June 2 2021

Edited: June 24 2021

Author's Note: Happy Reading! God Bless Sorry sa typos!

Picture above - CCTO: Pinterest

Chapter 9




"Ma tingnan mo si ate, mukhang zombie!" sabi ni Liam habang nag aalmusal kaming lahat.





"Tss! Inaano kita?" inis kong tugon ko dito.






"Tigilan mo ang ate mo Liam. Mag-almusal na kayo"
saway ni Mama






Habang kumakain napansin kong nakatingin si Mama sa pwesto ko.





"Nagpuyat ka na naman ba?" tanong ni Mama



"Hindi ho" mahina kong sabi dito.




"Dapat lang. Hindi maganda sa'yo ang nagpupuyat!"








Wala sadya akong maayos na tulog kagabi. Sobra akong pinag-isip ng pag-amin ni Gabin! Hindi ko nga alam kung totoo ba sinasabi niya o ginogood time na naman ako. Nakakaasar! Tinatamad akong pumasok ngayon? Hindi ko alam kung paano ko tuloy iiwasan ang gagong yun!








"Ma, pwede bang lumiban?" bigla ko na lang naitanong kay Mama.









Tumigil sa pagkain si Mama kaya naman kinabahan ako ng titigan ako ng seryoso nito.







"Bakit? Anong dahilan? Masama ba pakiramdam mo?" mahinahon nitong tanong.









Napansin ko ang pag-aalala sa mukha ni Mama. Bigla tuloy akong nakonsensya. Hindi ko pwedeng sabihing kulang talaga ako sa tulog. Ang lame naman ng excuse ko kung sabihin kong tinatamad ako.







"Hindi mo ba talaga nahahalata ? Tss. I like you. I really like you and I don't know if it's "like" only. Maybe love? I don't know."








"You don't need to response. Nakakatawang isipin na napaamin mo'ko dahil diyan sa iyak mo. Wala pa akong balak ipaalam pero napaaga. Don't worry hindi ako lalayo ng tulad ng iniisip mo. I will distance myself a little bit because I'm in pain. If you don't believe me then wait until I see you again in school. This time I will prove it to you for real"





"Ang putla mo. May problema ka ba?" tanong muli ni Mama ng hindi agad ako tumutugon.








"A--h wala po Ma--"







Nabigla ako ng sinalat ni Mama ang noo ko kaya naman napatingin ako dito.






"Wala ka namang sakit? Natulog ka ba talaga ng ayos?Malalagot ka sa Papa mo pag umuwi 'yon!"








"Opo naman Ma!"







Miss ko na nga si Papa. Lagi na lang hindi natutuloy ang uwi niya. Sana lang this week matuloy na talaga para maibaling ko naman sa ibang bagay ang isip ko.








Under The Moon Clouds (Major Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon