Chapter 11 - First Love

170 15 15
                                    

 Dedicated to all my readers especially to Ms. MabelDelosReyes na talagang inaabangan ang bawat chapters.

I would love to hear from you guys. Please share your insights. Thank you.

“Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;

Pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.

Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo… naglalaho,

Layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.”

“Salamat Ruby. Sunod naman si Bernard, pakibasa ang Stanza number 8.”, ang tawag sakin ni Binibining Centeno, ang aming Filipino teacher.

“Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag,

Ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak.

Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak,

O wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!”

“Thank you Bernard. OK Class, pakibasa ang last stanza. Sabay-sabay.”

“Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais,

Kayo’y mga paru-parong sa ilawan lumiligid.

Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib,

At ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!”

“Ok very good! May natutunan?”, ang tanong ng guro.

May malakas ang loob na sumagot.

“Wala po.”

Pasaway talaga ‘to si Armalite girl. Ang lakas ng loob sumagot kay Bb. Centeno.

“Ikaw Beatriz? Para sa’yo ano ang pag-ibig?”, ang tanong ni Bb. Centeno.

Naku. Wish ko lang talaga masagot niya. Napakasimple na nitong tanong na’to baka di pa niya maexplain.

“Huh? Ano po… Ah…”

“Wala ka ngang natutunan.”

Hay talaga naman ‘tong babaeng ‘to. Kapag mang-aaway andami daming nasasabi. Pagdating dito sa klase. Walang masabi kahit isa. Hindi man lang gumagana ang utak.

“’Wag puro ganda huh? Sige maupo ka na.”

Wala pa ring naisagot si Beatriz hanggang sa paupuin na ng teacher.

“OK class. Maliban kay Beatriz meron pa bang walang natutunan dito?”

Tahimik ang klase. Walang gustong mapahiya. Pero tiyak na may natutunan naman ang mga classmates ko sa binasang tula ni Jose Corazon de Jesus. Bukod tanging si Beatriz lang ang walang natutunan.

“Para sa inyong takdang-aralin. Nais kong gumawa kayo ng isang tulang tungkol sa pag-ibig. Tungkol sa unang pag-ibig. First Love.”

“Ma’am!”

“Yes. Ms. Beatriz?”

“Pa’no po kung wala pang first love?”

“Sa ganda mong ‘yan? Wala ka pang first love?”

“Ma’am maganda lang po. Hindi po malandi.”

“Tama nga ang narinig ko. May pagkapilosopa  ka pala talaga.”

“Hini naman po masyado Ma'am.”

“Sasagot pa. Sige iha, pwede ka ng umupo.”

“OK class. Dahil mga bata pa kayo, sigurado akong karamihan sa inyo ay wala pang first love and that’s the thing. Sa mga may first love na. It’s your advantage. Sa mga wala pa, isipin niyo kung anong klaseng first love ang gustong niyong maachieve or maranasan, as simple as that. Deadline tomorrow.”

“Agad-agad?”, ang banat na naman ni Beatriz.

“Ok Ms. Beatriz kailan mo ba gustong ipasa? Next year? O sige magkita ulit tayo next year.”

“Hindi naman po sa gano’n Ma’am. OA naman po yata yun. Bukas agad? Extend niyo naman po please. Mga next next week po?”

Nagtawanan ang buong klase. Pinandidilatan na siya ni Bb. Centeno.

"Ah. Masyado bang matagal? Sige na nga sa Friday na lang po. Pwede?"

“Hindi porket maganda pwede na mag-inarte. OK sige Class. Sabi ni Ms. Beatriz sa Friday daw ang deadline. At kung hindi siya makapagpasa that time, she’s dead.”

CLASS DISMISS

“Hoy Ben Tiyan. Ako diyan. Pwesto ko yan”, yan ang madalas kong marinig sa canteen tuwing break time.

Wala namang pangalan ang mga upuan pero may mga naghahari-harian at nagrereyna-reynahan.

“Hindi mo ba nakitang nakaupo na ‘yung tao? Ang amos-amos na nga oh. Tapos paalisin mo pa.”, ang pagtatanggol na naman sa’kin ni Beatriz.

“How dare you talk to me like that!”, ang di naman nagpatalong sagot ni Kendra.

Kung merong Webster, merong Kendra. Siya ang female counterpart niya. At ang mga alipores ni Webster may female counterpart din.

“How dare you talk to me like that mo mukha mo! Huwag mo nga akong ini-english. Maputi ka lang at nagpaparlor ng buhok pero di ka maganda.”

“Who’s this crazy girl?”, ang tanong ni Kendra sa mga friends niya. May ibinulong sa kanya ang isa matapos tingnan ang ID ni Beatriz.

“Ah so ikaw yung bagong member ng Athletics team. I heard that you ran like a cheetah. Bakit hindi ka pa tumakbo ngayon? As in ngayon na!”, ang banta ni Kendra nang ambaan niya si Armalite girl.

Hinawi ni Beatriz ang manggas ng blouse niya at ipinakita kay Kendra ang mga muscles nito sa braso. Hindi pa nakuntento ay hinawi ang palda at ipinakita naman ang mga muscles nito sa binti. Weird talaga ‘tong babaeng ‘to.

“Nakikita mo ba ‘tong mga ‘to?”

“What?”

“Ok sige. Iienglishin ko huh? Do you see these?”

“So what?”

“Mamili ka? Alin sa mga muscles ko ang gusto mong dumampi diyan sa namamaga at namumula mong pisngi?"

“Huh? Is this for real? Help me girls. I can’t take this anymore.”, ang pag-iinarte ni Kendra sa mga kaibigan.

Walang pumapalag kahit isa sa kanila. Sino ba naman ang gusto madampian ng mga muscles ni Armalite girl? Ngayon ko lang napansin na maskulada pala siya. Athlete nga talaga.

“Help me girls. I can’t take this anymore.”, ang pang-aasar na panggagaya ni Beatriz kay Kendra.

Natapos na rin ang eksena dahil hindi na nakayanan ni Kendra ang pang-aasar ni Beatriz sa kanya. Kaya naman sila na rin ang unang sumuko. Salamat na lamang sa kanya at matatapos ko na rin ang lunch ko. Uupo na sana si Beatriz para tabihan ako sa pagkain pero nanlaki ang mga mata nito. Parang nakakita ng multo mula sa aking likuran. May ibinubulong siya sa’kin. Ilang beses niya sigurong inulit bago ko ito narinig.

“BEN TIYAN, tara TAKBO.”

“Bakit?”

“’Wag ka ng magtanong, tara na bilis.”

“Bakit nga?”

“Ang kulit mo? Basta halika na.”

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng canteen. Para kaming mga masasamang tao na tumatakas sa nagawang krimen. Sabay ang mga hakbang namin. Sabay ang pag-angat at pag-apak sa lupa ng mga paa namin. This time, hindi niya ‘ko iniiwan. Hindi niya binibitawan ang kamay ko. Iba ang feeling. Kakaiba. Iba ang nararamdaman ko. Sa mga ganitong pagkakataon, ang saya ng pakiramdam na may kasama ka. Hindi ko maintindihan pero malakas ang tibok ng puso ko.

Dugdug Dugdug Dugdug Dugdug Dugdug

Characters:

Ruby
Lola Ida
Kendra and Friends

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon