Chapter 24

46 4 1
                                    

“Jen, uwi na tayo oh.” Pagsusumamo ni Bria. Hindi ko naman kasi sinabing mag overtime din siya.


“Mauna ka na. May tatapusin pa ako.” Nilingon ko lang siya saglit at pinagpatuloy ang pag guhit ko.

“Sa makalawa pa naman yan diba? Bakit parang ni ra-rush mo?” Naghihikab pa niyang tanong.

Sinulyapan ko naman saglit ang orasan na nakasabit sa wall namin dito sa opisina. Alas onse na pala at hindi ko na naman namalayan ang oras. Aapat na lang kaming natira dito.

Mag dadalawang buwan na din kaming nagtatrabaho dito ni Bria. Pagkapasa namin ng board ay agad kaming nagsubmit ng resume dito at pinalad naman kaming makapasok agad. Malaki din ang kumpanyang ito at madami ding mga subcontractor ang hawak nito pero mas malaki pa din ang kumpanya nila Rust.

Grabe ang pangungumbinsi sa akin ng parents ko pati si Rust at maging ang parents niya pero hindi talaga nila ako napilit. Ayoko ng may backer, makakapasok din ako doon soon na walang tulong kahit kanino.

“Kailangan ko na kasing tapusin para magkaroon naman kami ng time ni Rust. Saglit na lang talaga to.” Sabi ko sa kanya habang pinagpapatuloy ang ginagawa.

“O siya, ikaw na ang may jowa. Sige na nga, dadamayan na kita. Tapusin ko na din to para magkaroon din ako ng time.. sa sarili ko dahil wala naman akong jowa.” Dakdak pa nito habang tinatanggal ang plano sa drawing tube niya. Napangiti na lang ako. Hindi ko din alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ding boyfriend yan dahil maganda naman siya. Madalas din naman siyang kiligin kapag nakakakita ng gwapo pero pihikan naman pala.

Inabot pa kami ng isang oras bago tuluyang umuwi.

Dahil madaling araw na ako nakatulog, tinanghali tuloy ako ng gising. Buti na lang at wala muna akong iisiping trabaho ngayon. Nangangapa pa kasi ako sa trabaho kaya kailangan kong pagbutihin.

Nag-inat muna ako at kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table. Lalabas kami mamayang lunch ni Rust. Halos di na kami nagkikita sa weekdays kaya nagsisikap kaming tapusin ang mga trabaho namin para sa amin ang weekends.

Oh, may missed call si tita Jelai. Agad ko namang dinial ang number niya, baka kasi importante. Kabuwanan na ni Jaz ngayon eh. Ang laki laki na ng tiyan niya nakakatuwa! Nalaman kong buntis siya a month before my board exam. Tinakbo siya nila tita noon sa hospital dahil muntik na siyang makunan dahil sa hinayupak na si Niko. Tinatanong ko si Rust kung anong nangyari sa kaibigan niya at bakit parang bula na lang na biglang naglaho kaso wala naman daw siyang alam at kahit sa kanila daw ay hindi na nagparamdam ang lalaking yun. Sinabihan ko na lang siya na wag niyang babanggitin kay Niko ang pagdadalang tao ni Jaz kung sakali man na magkausap sila.

Umuwi na din si Jeff dito at dito na lang daw siya sa Manila magpapatuloy ng med at maging si Max ay dito na din nag wo work. Lumalabas din kami paminsan minsan at binibisita namin si Jaz.

“Hello tita Jelai?” Bungad ko nang sumagot si tita sa kabilang linya.

“Oh, Jen! Nanganak na nga pala si Jaz kagabi.” Masayang sabi ni Tita. Kumabog ng malakas ang puso dahil sa tuwa at excitement!

“Oh my God! How are they, tita?”

“They’re okay and healthy, thank God! Nagpapa breastfeed na nga siya ngayon.” Nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot ni tita at napangiti. Grabe sobrang excited na akong makita ang inaanak ko!

Agad ko namang tinawagan si Jeff at Max para ibalita sa kanila ang panganganak ni Jaz at para na din ayain sila na bumisita ngayon sa hospital. Oo nga pala, si Rust! Tawagan ko nga pala at baka gusto niya din sumama at sabihin ko na lang na mamayang gabi na lang lalabas.

Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon